Police station retraining ni Bacalzo

-A A +A

Sunday, January 16, 2011

ISASAILALIM ang lahat ng police stations sa retraining program simula Enero.

Ito ang ipinahayag ni Chief PNP Director General Raul Bacalzo sa kanyang mailkling "speech" nang bumisita ito sa Police Regional Office-3 (PRO3) headquarters noong Biyernes.

Sinabi pa ni Bacalzo na noong nasa Directorate for Intelligence and Detective Management (DIDM) sa PNP National Headquarters sila ni Chief Supt. Alan La Madrid Purisima, PRO3 director, kanila nang isinusulong ang police retraining sa lahat ng police stations sa bansa.

Kasama ni Bacalzo si Purisima sa DIDM bago ito itinalagang Chief PNP at doon nila binuo ang retraining program ng lahat ng police stations.

At dahil sa pangyayaring shooting incident sa Talavera Police Station noong New Year's Eve na ikinasawi ni Supt. Ricardo Dayag Jr., hepe ng station, lalong isinulong ni Bacalzo ang retraining program.

"Back to the basics," ang mariing sinabi ni Chief PNP sa kanyang speech na kung saan ibabalik ang "good manners and right conduct" sa kapulisan.

Naniniwala ako sa "back to the basic" program, pahayag pa ni Bacalzo.

Ang pagbisita ni Chief PNP sa PRO3 headquarters ay upang personal nitong makita ang 46 Non-Commissioned-Police Officers (NCPO) at isang police officer ng Talavera Police Station na kasalukuyang nasa ilalim ng seven-day retraining program.

Ang mga nasabing pulis ay inabutan ni Bacalzo na nag-aaral sa multi-purpose building sa Camp Olivas, at kanyang kinausap ang ilan dito.

Ang ilan pa dito ay kilala niya dahil siya ay naging provincial police director ng Nueva Ecija mga 10 taon na ang nakakaraan. Mahigit din sa 20 minuto kinausap ni Bacalzo ang mga sumasailalim sa retraining program bago ito magbigay ng kanyang maikling speech.

Napag-alaman kay Bacalzo na umaabot sa 7,500 police stations sa 17 police regional offices sa bansa ang isasailalim sa seven-day retraining.

At problema lang dito, mayroon kaya pondo ang PNP sa nasabing retraining program na isinusulong ni Bacalzo?

Maganda ang kanyang layunin nguni't nakikita kong malaking problema sa budget ang pagsasagawa ng retraining program na ito.

Sana kung hindi man matapos ni Bacalzo sa kanyang termino, ang retraining program ay lamang isulong ng susunod na Chief PNP para hindi na mangyari ang katulad sa Talavera Police Station.

Halos lahat ng mga provincial at city police directors at maging ang mga regional officers ng bawat police unit ay dumating nang bumisita si Chief PNP sa Camp Olivas.

SM City parking lot, nasa gilid

Kung nagagawi kayo po SM City, inyong makikita ang mga nakaparadang mga behikulo sa gilid ng gusali nito.

Walang security guard na sumisita sa mga nakaparadang mga behikulo sa gilid ng SM City building sa kabila na may malaking sign board na "No Parking."

Halos sa paligid ng gusali ng SM City ay nakalagay ang mga "No Parking" signs, nguni't hindi ito sinusunod ng mga motorista at doon pa rin pinaparada ang kanilang mga sasakyan.

Kaya tuloy malimit nagkakaroon ng "heavy traffic" sa SM City dahil sa mga nakaparadang mga behikulo sa gilid ng gusali.

Kahit nakapaikot ang "No Parking" sign sa gilid ng SM building ay doon pa rin pilit nagpa-park ang mga sasakyan.

Ang laki ng parking lot ng SM. Bakit hindi doon iutos ng mga security guard ang mga motorista na mag-park ng kanilang mga sasakyan? Natatakot ba silang sitahin ng mga guard o mayroong palakasan system? Nagtatanong lang po.

Kung hindi ninyo po maipatupad ang "No Parking" ay alisin na ninyo ang mga sign board sa gilid ng SM buidlng.

Ano kaya ang ginagawa ng SM City management? Nakikita ba nila ang mga naka-park na mga behikulo na nagdudulot na heavy traffic o sila'y nagbulag-bulagan? Nagtatanong lang po.

Published in the Sun.Star Pampanga newspaper on January 17, 2011.

Opinion

DISCLAIMER: Sun.Star website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessary reflect the views of the Sun.Star management and its affiliates. Sun.Star reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.

Forum rules: Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent and respectful. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

FOREX: US$ 1.00 = PhP 41.188

Bangko Sentral ng Pilipinas

Philippine Lotto Results

Gamesort iconCombinations
Superlotto 6/4938-34-43-22-29-17
6Digit3-9-1-9-9-4
Swertres Lotto 11AM0-3-3
Swertres Lotto 4PM9-2-6
Swertres Lotto 9PM9-1-0

Today's front page

sunstar-pampanga-2013-05-24

Other front pages

  • ePaper
  • Sinulog
  • Festivals
  • SunStar Celebrity
  • Technology
  • Habemus Papam
  • SunStar Sports
  • Pnoy
  • Pacman blog
  • kidsters
  • tell it to sunstar
  • Philippine Polls
  • Filipino Abroad
  • Calamity Report
  • Obituary
Sun.Star Jobs