Pulis, Bawal Magpaputok ng Baril
-A A +ABy Ric Sapnu
Wednesday, December 29, 2010
NOONG Lunes, ang lahat ng Philippine National Police (PNP) personnel sa Central Luzon ay sinilyado ang mga issued firearms sa pamamagitan ng paglagay ng "masking tape" sa barrel ng kanilang mga baril.
Ang pagsilyado ng mga issued guns sa Police Regional Office-3 (PRO3) headquarters ay ginanap sa harap ng Administrative Building dakong 9:00 ng umaga.
Si Senior Superintendent Noli Talino, chief ng Regional Chief Directorate Staff, ang nagsagawa mismo ng paglagay ng masking tape sa mga barrel ng mga issued firearms ng mga PNP personnel kagaya ng M-16 rifle at .9mm caliber pistol.
Pagkatapos idinikit ang masking tape sa dulo ng barrel ng mga baril, nilagdaan pa ang mga ito ni Talino para masigurado na hindi ito gagamitin ng bawat pulis sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Sang-ayon kay Talino, sa pamamagitan ng sealing of firearms ay hindi maaaring iputok ng PNP personnel ang kanilang baril nitong Bagong Taon.
Kabilang ang issued firearms ng lahat ng PNP personnel sa mga tanggapan sa PRO3, Regional Public Safety and Management Battalion, Highway Patrol Unit-3 (HPU-3), Regional Intelligence Unit-3, Regional Medical Service at Criminal Investigation and Detection Unit-3 (CIDU3) at iba pang police unit ang dinikitan ng masking tape.
Sang-ayon kay Chief Superintendent Alan La Madrid Purisima, PRO3 police director, nagsagawa din ng "sealing of firearms" sa mga Provincial Police Offices kagaya ng Pampanga, Tarlac, Bulacan, Zambales, Bataan, Nueva Ecija, Aurora at ang lungsod ng Olongapo at Angeles.
Ang sinumang mahuling PNP personnel na nagpaputok ng kanyang baril sa pagsalubong sa Bagong Taon ay kakasuhan at maaaring matanggal sa serbisyo.
Matatandaan na sinimulan ng PNP ang pagsilyado ng kanilang baril matapos tumaas ang bilang ng mga nagiging biktima ng ligaw na bala mula sa mga nagpaputok ng issued firearms.
Binalaan din ni Purisima ang mga gun holders na sumunod sa kautusan ng PNP sa mahigpit na pagpuputok ng baril nitong Bagong Taon.
Hindi rin mangingimi si Purisima na kasuhan ng kaukulang kaso ang mga gun holders na mahuhuling nagpapaputok ng kanilang baril.
Isang order din ang pinalabas ng higher PNP headquarters sa pagbabawal sa mga pulis na magpaputok ng anumang uri ng firecrackers.
Ano naman kayang ipapuputok ng mga pulis kung pati iyong mga labentador ay bawal din? Nagtatanong lang po.
***
Bumabati po ang Dateline: Olivas sa mga masugid nitong readers ng Manigong Bagong Taon!
Published in the Sun.Star Pampanga newspaper on December 30, 2010.
Opinion
Forum rules: Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent and respectful. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

