'Taguan' ng carnapped vehicles nasa Pampanga
-A A +ABy Ric Sapnu
Wednesday, January 26, 2011
MULA noong Biyernes ay umaabot na sa apat na mga safehouses ng carnapped vehicles ang sinalakay ng magkasanib ng Highway Patrol Unit-3 (HPU3), Pampanga Police, Criminal Investigation and Detection Unit-3 (CIDU3) at Regional Intelligence Division.
Unang isinagawa ang pagsalakay sa pinaghihinalaang safehouse ng Dominguez Group sa isang apartment sa Greenville Subdivision sa Barangay San Jose, City of San Fernando.
Narekober doon ang isang Ford Expedition, isang Pajero, dalawang .9mm pistols mga bala at mga spare parts.
Lunes ng hapon, sinalakay naman ang isang kuta ng Dominguez Group sa Green Meadows Phase 2 sa Barangay Mabiga, Mabalacat, Pampanga. Narekober ang isang Mitisubishi Montero, isang Hyundai Sta. Fe Superior (NTI-548), isang Honda VTEC ma walang plaka at engine, 15 engines, 39 pirasong gulong, isang transmission, isang GS battery at isang crocodile jack.
Lunes ng gabi, sinalakay ang isa pang safehouse sa Villa de San Agustin, Sitio Dalisdis, San Pedro-Camuning, Mexico, Pampanga at narekober doon ang isang a Toyota Elf (REG-668)at isang Mitsubishi Grandis Wagon (ZTG-347).
At ang latest ay noong Martes ng gabi sa itinuturong safehouse ng Dominguez Group sa Barangay Panipuan, City of San Fernando.
Ang inabutan sa nasabing safehouse ay nakilalang si Rannel Liwanag alias "Pol/Pogs". Dito narekober ang isang Ford Expedition (XHA-569), dalawang Mercedes Benz na may plakang PGZ-127 at JBZ-543, isang Nissan Urban Escape LC-4852, isang Suzuki APV silver (ZSF-726), isang moppet scooter (RP-4290) at isang engine block.
Ang raiding team ay pawang may dalang search warrant na inisyu ni Judge Ismael Cacabi ng Regional Trial Court Branch 31, Guimba, Nueva Ecija.
Ang lahat ng mga narekober na mga behikulo at mga spare parts ay naka-impound ngayon sa Highway Patrol Unit-3 (HPU3) compound sa Camp Olivas.
Sang-ayon sa mga nakausap ng Dateline, mukha daw paborito ng mga karnaper ang Pampanga dahil sa "accessibility" nito.
Sa mga lugar ng mga safehouses, hindi ba alam umano ng mga opiyales ng mga barangay na may nangyayaring illegal na activities sa kanilang nasasakupan? Nagtatanong lang po...
Sabi nga ng police officer, baka hindi naglilibot o hindi tinitignan ng mga opisyales ng barangay kung may bagong nangungupahan o nagtayong isang compound sa kanilang lugar, kaya raw hindi alam kung may nangyayaring illegal activities sa kanyang nasasakupan.
Kaya hinihimok ng Philippine National Police (PNP) ang barangay officials na i-report kaagad sa awtoridad kung mayroon silang nakikitang kahina-hinalang tao sa kanilang lugar, lalo na kung ito'y nagpapatayo ng mataas ng pader sa kanyang compound.
Published in the Sun.Star Pampanga newspaper on January 27, 2011.
Opinion
Forum rules: Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent and respectful. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

