Issued At: 5:00 a.m., 02 December 2009
Northeast Monsoon affecting Northern and Eastern Luzon and Eastern Visayas.
Metro Manila
![]() 21°C to 32°C | Moderate to Strong: Northeast Manila Bay: Moderate to Rough |

| Lotto Results 12/1/2009 |
| Superlotto 6/49: 43 29 20 01 13 24 6Digit: 6 9 1 5 2 8 Lotto 6/42: 17 37 11 20 04 40 Swertres: 168 * 950 * 961 More results |
URGENT!! Deck and Engine Crew
Sealanes Marine Services, Inc.
Manpower Resources of Asia, Inc. (Video)
+63 32 238 2969
MAITUTURING isang “big accomplishment” ang nagawa ng Tarlac Police Provincial Office at ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) makaraang mapatay ng mga ito ang walong hinihinalaang holdaper at ma-aresto ang dalawang nasugatan sa sagupan sa Barangay Malacampa, Camiling, Tarlac, noong Lunes.
Ang mga napatay ay mga miyembro umano ng Aries Group na sangkot sa highway robbery/holdup, carnapping at akyat-bahay sa Northern Luzon, partikular sa lalawigan ng Pangasinan.
For updates from around the country, follow Sun.Star on Twitter
Apat sa walong napatay ay kinilala ni Chief Superintendent Leon Nilo dela Cruz, Police Regional Office-3 (PRO3) director, na sina Michael Ramos at Reynante Simbulan, 38, kapwang taga Barangay Sapang Bato, Angeles City, Joey Lico ng Paniqui, Tarlac at Elmer Sinapilo ng Magalang, Pampanga.
Ang apat ay kinilala ng kanilang mga kamag-anakan nang kunin ang kani-kanilang mga bangkay sa Tarlac City, ayon kay dela Cruz. Ang apat pang napatay ay hindi pa nakikilala hanggang kahapon.
Samantalang ang dalawang nahuling nasugatan ay sina Jonathan Oraye at Alfredo Dungca, kapwa residente ng Sapang Bato, Angeles City.
Ang Aries Group ay matagal nang mino-monitor ng CIDU ng Pangasiann at ng Tarlac Police dahil sa kanilang sunod sunod na operasyon sa nasabing dalawang lalawigan.
Mula sa Pangasinan, sinubaybayan ng CIDU ang grupo na sakay ng isang XLT passenger jeep na may plakang CWR-277 na may markang Main Gate Clark.
Sa ulat na pinarating ni Senior Superintendent Rudy Lacadin, Tarlac Police provincial director, ang grupo ay mayroong target na biktima sa Barangay Malacampa nang namataan ng CIDU at ng Provincial Mobile Group.
Kaagad naglagay ng isang checkpoint ang Tarlac Police upang harangin ang mga suspek, nguni’t nang papalapit na ang kanilang sinasakyan ay pinaulanan ng bala ang mga pulis.
Sa palitan ng putok sa pagitan ng magkasanib na puwersa ng pulisya at ng Aries Group, tatlo kaagad ang napatay sa mga suspek at dalawa ang tinamaan sa binti.
Ang ibang kasamahan ng mga suspek ay nakuha pang makatakbo nguni’t sila’y hinabol kaya lima sa kanila ang napatay. Ang tatlong kasamahan pa nila ay nakuhang makatakas patungo sa bulubundukin ng Barangay Anoiling, Camiling.
Narekober ng pulisya sa mga suspek ang anim na .38 caliber revolvers, limang garanda, mga patalim, bolt cutter at ang XLT passenger jeep.
Sa pagkakapatay ng walong miyembro umano ng Aries Group, pinaniniwalaan ng pulisya na nabuwag na nila ang nasabing sindikato.
Sang-ayon kay Lacadin, ang Aries Group ay responsable sa mga bus robbery at akyat-bahay sa Tarlac at karatig na lalawigan.
Binabati naman ni Chief Supt. Dela Cruz ang lahat ng mga operatiba na kasama sa nasabing operasyon.
Sa taong ito, ito pa lamang ang maituturing “big accomplishment” ng Tarlac Police.
Konstruksyon sa Arnedo Park, kailan matatapos?
Mayroon nang tatlong buwan ang nakakaraan mula nang sinimulan ng Provincial Capitol ang rehabilitasyon ng Arnedo Park.
Ang unang nakita ng Dateline, sinimulan itong tambakan ng buhangin ng ilang dump truck.
Pagkatapos, ang ginawa ng Kapitolyo ay kinulungan ng yero ang buong Arnedo Park na kung saan hanggang ngayon wala namang nagtatrabaho sa loob nito.
Parang ang ginawa ay pinalibutan ng mataas na yero ang Arndo Park para hindi makita ng mga kababayan natin kung mayroong nagtatrabaho doon o wala.
Mayroon namang pondo ito para sa rehabilitasyon ng parke, bakit hanggang ngayon ay wala pang nakikitang pagbabago ang ating mga kababayan? Nagtatanong lang po sila.
Malapit nang matapos ang termino ni Gub Ed Panlilio baka hindi na matapos ang rehabilitasyon ng Arnedo Park na naging kontrobersyal nang mag-rally at magtayo ng maliit na pahingahan ang Balas Boys sa lugar.
Sa Ulat sa Bayan ng butihing gubernador, ni isang proyekto ay wala siyang nabanggit. Bakit kaya? Nagtatanong lang po.