Pampanga - Season header theme

Sapnu: Bukas Kotse Gang nabuwag?

By Ric Sapnu

Sunday, March 21, 2010

MATATANDAAN ilan na ring mga magagarang sasakyan ang naging biktima ng Bukas Kotse Gang na kung saan mamahaling laptop at iba pang mahahalagang personal belongings ang kanilang nakulimbat.

Nguni’t nitong nakaraang linggo, nahuli ng City of San Fernando at Angeles City ang tatlong miyembro ng Bukas Kotse Gang matapos nilang tangkain biktimahin ang isang behikulo sa Greenfields Subdivision sa Barangay Sindalan.

Click here for Election 2010 updates

Sang-ayon kay Senior Superintendent Manuel Gaerlan, officer-in-charge ng Pampanga Police Provincial Office (PPPO), natiyempuhan ng miyembro ng Community Police Action Center (Compac) ang isang Nissan Sentra na may plakang UEA-920 na may sakay ng tatlong katao.

Sinubaybayan ng Compac patrol car ang Nissan Sentra at doon nakita ng mga ito na may sinisilip ang mga suspek sa isang behikulo na nakaparada doon.

Subali’t napansin yata ng mga suspek ang Compac patrol car kaya mabilis ang mga ito sumakay sa kanilang kotse at humirit ng takbo patungong Angeles City.

At dito’y hinabol ng patrol car na pinamumuan ni Chief Inspector Diosdado Nolasco ang Nissan Sentra at kaagad naman tumawag sa radio ang otoridad para magsagawa ng checkpoint sa Barangay Telabastagan.

Hindi huminto ang Nissan Sentra sa nasabing checkpoint sa halip lalong pinasibat ng matulin ng mga suspect ang kotse.

Nakipag-ugnayan naman kaagad ang Compac patrol car sa Angeles City Police at doon nakorner ng pulisya ang mga suspek sa Barangay Sto. Rosario.

Dahil overpowered sila sa pulisya, hindi na nanlaban ang mga suspek at sumurender na lamang ang mga ito.

Narekober sa loob ng Nissan Sentra ang isang laptop na nakulimbat ng mga suspek sa Honda car ni Engr. Albert Lugtu na nakaparada noon sa Northwalk 1 sa kahabaan ng Jose Abad Santos Avenue sa Barangay Dolores ng lungsod San Fernando.

Mayroon din nakuha mula sa kotse ng mga suspek na tatlong sachet na may lamang marijuana leaves.

Nahaharap ngayon sa kasong qualified theft at illegal possessions of drugs ang tatlong suspek na sina Edmar Abria, 21, at Jackson Lumacang, 29, kapwa ng Floodway Jordan Street, Pasig City at Joey Masayon, 32, ng Floodway Exodus, Taytay, Rizal.

Sang-ayon kay Superintendent Marcelo Dayag, chief of police ng City of San Fernando Police, matagal ng sinusubaybayan ng kanyang mga tauhan ang nasabing grupo dahil sa kanilang illegal activities.

Marami ng naging biktima ang mga suspek kaya halos ang kanyang mga Compac patrol car ay umiikot sa lungsod upang matiyempuhan ang Bukas Kotse Gang. At noong nakaraang linggo, natiyempuhan ng Compac patrol ng Telabastagan ang mga suspek sa Greenfields.

Sa pagkaka-aresto ng tatlong suspek, pinaniniwalaan ni Senior Superintendent Gaerlan na nabuwag na nila ang grupong Bukas Kotse Gang.

Hinakayat din ni Gaerlan lahat ng mga naging biktima ng Bukas Kotse Gang na pumunta sa City Police Station upang magsampa ng kani-kanilang kaso laban sa grupo upang mahirapan ng malakalaya ang mga ito.

Illegal terminals sa CSFP patuloy pa rin?

Sa kabila ng pagpuna ng Dateline sa mga illegal terminal sa City of San Fernando, hindi pa rin inaalis o tinatanggal ang mga ito ng mga kinauukulan.

Sang-ayon sa Intelligence Officer (IO), patuloy pa rin umano ang illegal terminal sa harapan ng Saver’s Mart sa Barangay Dolores na kung saan naging paradahan ng mga pampasaherong jeepney patungong SM City.

Maging ang illegal terminal sa harapan ng Department of Agrarian Reform (DAR3) sa Barangay Dolores na patungo naman sa poblacion ng lungsod ay nandoon pa rin.

Napupuna din ng IO, ang pagsasakay ng mga pampasaherong jeepney patungong Angeles City sa “No Loading at Unloading” area malapit sa COMPAC 2 sa Dolores. Nakikita pa umano ng mga Blue Boys o Yellow Boys ang mga drayber na nagsasakay dito at mukhang nagbubulag-bulagan ang mga ito. Nagtatanong lang po.

Tatlong Blue Boys ang bumabatuta umano sa nasabing mga illegal terminals sa Barangay Dolores at sila umano’y malalakas sa mga opisyales? Nagtatanong lang po.

Bakit kaya hindi pa maglagay ng legal na terminal ang City of San Fernando Government sa mga nabanggit na illegal terminal para naman walang mapuna ang publiko sa inyo?

Kasi hindi mawala sa isipan ng publiko na mayroon kayo umanong “blessing” sa mga itinayong illegal terminal. Nagtatanong lang po sila sa inyo……

Tuesday, February 14, 2012

Philippine Lotto Results
Gamesort iconCombinations
Megalotto 6/4541-04-01-07-13-06
4D Luzon3-0-8-3
4D Vismin3-0-8-3
Swertres Lotto 11AM6-8-7
Swertres Lotto 4PM1-7-3

Weather

Metro Manila

Mostly cloudy with scattered rainshowers & thunderstorms
23°C to 29°C
Moderate to Strong
East

Manila Bay:
Moderate to Rough

Easterlies affecting the Eastern section of the country. Meanwhile, a Low Pressure Area (LPA) was eastimated at 1,660 km East of Southern Mindanao (4.0°N, 142.0°E). It is expected to enter the PAR within the next 36 hours.

PAGASA

Today's front page

Sun.Star Pampanga's front page for February 14, 2012

Other front pages