Issued at: 5:00 p.m., 09 February 2010
Ridge of high pressure area extending across the country.
Metro Manila
![]() 21°C to 33°C | Moderate to Strong: East Manila Bay: Moderate to Rough |

| Lotto Results 2/9/2010 |
| Superlotto 6/49: 07 37 13 33 04 48 6Digit: 4 9 7 2 5 8 Lotto 6/42: 07 25 33 27 38 16 Swertres: 976 * 646 * 906 More results |
MADALIN araw ng Sabado, halos lahat ng mga staff officer, provincial at city directors at mga chief ng PNP support units sa Camp Olivas ay nagpakita kay Chief Superintendent Leon dela Cruz, Police Regional Office-3 (PRO3) na kanyang kaarawan.
Alas 4:00 pa lamang ng madaling araw ay nagtipon-tipon ang mga staff officer at police at city directors sa may lobby ng PRO3 administrative building bago nagtungo ang mga ito sa quarters ni dela Cruz.
"The Manny Pacquiao Blog". Click here for stories and updates on the Filipino boxing champ.
Pagkatapos ng kanilang awit, sila ay nagsalo-salo kasama ang maybahay ni dela Cruz na kung saan umabot ito hanggang 6:00 a.m.
Dakong 8:00 a.m. ng araw din yon, minabuti ni Chief Supt. dela Cruz na magbigay ng libreng medical at dental services sa mga residenteng nasa paligid ng kampo.
Umabot sa mahigit sa 500 katao ang naging pasyente ng libreng gamutan na kung saan maging ang mga gamot ay ipinamahagi ng libre.
Muntik na ngang magkaubusan ng mga gamot dahil ang nakalista lamang na magiging pasyente ay aabot lamang sa 400, buti na lamang mayroon pang dumating pang mga medicine.
Mula nang magsimula ang gamutan hanggang ito'y matapos ay hindi umalis si Gen. dela Cruz at kanya pang inasikaso ang ibang mga dumarating na mga residente na gustong makalibre sa gamutan.
Masaya naman si dela Cruz noong araw na iyon dahil nakita nitong maraming residente sa paligid ng kampo ang nakinabang sa kanyang inalay na medical at dental services.
Pagkatapos ng gamutan, inaya ni general ang lahat ng kanyang mga staff officer at maging iyong mga non-commissioned police officer na tumulong sa nasabing serbisyo na magsalu-salo sa kanyang quarters.
Sang-ayon Supt. Baltazar Mamaril Jr., chief ng Regional Public Information Office (RPIO), hindi niya akalain na maraming dadagsang mga residente na gustong makalibre sa medical at dental services ni dela Cruz.
Natuwa naman daw si dela Cruz sa nakita nito sa ibinigay niyang konting tulong sa mga mahihirap na residente sa tatlong barangay.
Sang-ayon naman sa mga residente na nabigyan ng libreng gamutan at gamot, sana daw araw-araw ay birthday ni General dela Cruz.
Bumabati ang Dateline sa inyo sir ng Maligayang Kaarawan!
Pagsasara ng Victory Liner terminal - pahirap kay Juan dela Cruz
Mula nang pinasara ng City of San Fernando Government ang terminal ng Victory Liner ay dumaing na naman si Juan dela Cruz sa pasakit na kanyang naranasan.
Nagulat umano si Juan nang biglang ipinasara ni mayor ang nasabing terminal dahil doon lamang siya dating sumasakay at bumababa kapag ito'y bumibiyahe patungong Maynila at Olongapo City.
Nang sasakay sana ito sa nasabing terminal ay wala na ang mga Victory Liner bus at napag-alaman nito na sa may Robinson Star Mills ito nagsasakay at nagbababa ng mga pasahero.
Walang nagawa si Juan kungdi mamasahe pa upang makarating lamang sa Robinson Mall. Sa pagsasara ng terminal ay gumastos pa si Juan upang makarating sa bagong terminal ng Victory Liner.
Sabi nga ni Juan, bakit naman ipinasara ni mayor ang nasabing terminal kung tutuusin matagal na doon iyon, mula pa noong wala pa ang Central Terminal.
Napag-alaman na kaya umano ipinasara ang terminal dahil hindi na ni-renew ang permit ng Victory Liner sa maraming kadahilanan.
Bukod sa inilagay na sign board na closed na ang sterminal, nilagyan pa ito ng mga concrete barriers upang matiyak lamang ng City Government na hindi na mapapakinabangan ng Victory Liner management ito.
Ang mga nandoon na lamang sa nasabing terminal ay dalawang security guard ng Victory Liner.
Bakit kaya hindi na binigyan ng permit ang Victory Liner? Dahil ba sa hindi pagsunod nito sa pagdaan ng mga bus nito sa Central Terminal?s Nagtatanong lang po.
Feedback: Your views and reactions
ako po ay gumawa ng isang
ako po ay gumawa ng isang policy paper tungkol sa central terminal dahil requirement po ito sa aking isang subject. ang dahilan po kung bakit hindi na nakapag renew ng contract ang victory liner ay lumamalabag ito sa ordinance na wala dapat bus terminals within 500meter radius sa flyover. in addition to that, nakalagay po sa nag expire na contract ng victory na ang space na ginagamit nila ay bilang garage lamang at hindi isang terminal. paano naman pong makakapagrenew ng contract kung bilang garage ulit e kitang kita naman na ginagamit po ito bilang terminal. alam po iyon ng management.
isang concerned citizen lang naman po ako. isang estudyante.
magandang araw po.
aries