Issued At: 5:00 a.m., 21 November 2009
At 2:00 a.m. today, a Low Pressure Area (LPA) was estimated based on satellite and surface data at 560 kms East of Mindanao (8.0°N, 132.0°E). Northeast monsoon affecting Extreme Northern Luzon.

| Lotto Results 11/20/2009 |
| Megalotto 6/45: 31 35 17 12 19 25 Swertres: 594 * 860 * 978 More results |
URGENT!! Deck and Engine Crew
Sealanes Marine Services, Inc.
Manpower Resources of Asia, Inc. (Video)
+63 32 238 2969
DAHIL sa mga unsolved cases o dili kaya pagdami ng krimen sa kani-kanilang areas of responsibility o iba pang dahilan kaya nagkaroon ng pagballasa sa mga hepe ng pulisya s Pampanga.
Noong nakaraang linggo, isinagawa ni Senior Superintendent Gil Lebin Jr., Pampanga police provincial director, ang pagbalasa sa kanyang tatlong hepe.
"The Manny Pacquiao Blog". Click here for stories and updates on the Filipino boxing champ.
Si Superintendent Rolando Mendoza, hepe ng Porac Police Station, ay pinalitan ni Superintendent Abel Lingat. Pinalitan ni Lebin si Mendoza dahil naabot na nito ang dalawang taon na tour of duty sa Porac.
Si Lingat ay dating nakatalaga bilang deputy ng Intelligence and Investigation Division ng Pampanga Police.
Matatandaan na kamakailan binigyan ng ultimatum na dalawang linggo ni Mabalacat Mayor Boking Morales si Superintendent Elvis Diaz, hepe ng Mabalacat Police, para lutasin ang pagpatay sa isang 17-gulang na babae sa kanyang area of responsibility.
Bukod ditto, sang-ayon sa police report, tumaas din umano ang crime rate sa Mabalacat kaya hindi na rin napigilan ang pagpalit kay Diaz sa Mabalacat Police.
Nasuwertehan naman ni Superintendent Gregorio Lim na makuha nito ang Mabalacat Police dahil siguro maraming tumulong sa kanya upang makuha niya ang nasabing puwesto.
Si Lim ay mahigit na rin isang taon na nagsilbi bilang chief ng Intelligence and Investigation Division ng Pampanga Police at sa paglipat nito sa Mabalacat Police ay maraming nagtaka.
Bakit kaya? Nagtatanong lang po.
Si Superintendent Nolasco Batan ang pumalit sa puwesto ni Lim na kung saan ay matagal na ring nakatalaga ito bilang chief ng Deputy Provincial Director for Operation ng Pampanga Police.
Sa naging sitwasyon naman ni Superintendent Luisito Magnaye, hepe ng Arayat Police, ay hindi umano sila nagkasundo ng kanyang mayor kaya minabuti na rin ni Lebin na palitan siya.
Nasuwertihan naman ni Diaz ang dating puwesto ni Magnaye. Itinalaga naman ni Lebin si Magnaye bilang legal officer ng Pampanga Police.
Sa pag-upo ni Diaz sa Arayat Police makakasundo kaya nito ang mayor dito? Nagtatanong lang po.
Sa police record sa Camp Olivas, mayroon ding ilang mga hepe sa mga lugar sa Pampanga na tumaas ang crime rate mula nang sila'y naupo at ang matindi pa dito karamihan nito ay mga unsolved pa hanggang kasalukuyan. Dapat siguro busisihin ni Lebin ang mga hepe na mayroong maraming unsolved crime cases dahil ito'y bumabaranda sa kanya bilang command responsibility. Di po ba?
Kinakailangan ni Lebin na pag-aralan ang mga unsolved crime at pagtaas ng crime rate sa area of responsibility ng isang hepe para maging basehan nito sa pag-relieve sa kanya. Sabi ng police officer sa Dateline, kapag marami ng bukol ang isang hepe ng police station dapat na itong i-relieve dahil hindi na ito epektibo sa kanyang trabaho.
Motorcycle-riding snatchers strike again in CSF.
Sa kahabaan ng Lazatin Boulevard sa Barangay Dolores, City of San Fernando ang target na operasyon ng mga snatcher na nakasakay ng isa o dalawang motorcycle.
Ito ang napag-alaman ng Intelligence Officer (IO) ng Dateline, na kung saan kung tumitira umano ang mga suspek ay sa gabi o madaling araw at karamihan sa mga binibiktima ng mga ito ay iyong naglalakad sa kahabaan ng Lazatin Boulevard, partikular sa kahanay ng St. Jude Village.
Noong nakaraang lingo, araw ng suweldo, isang factory worker ang naging biktima ng motorcycle-riding snatcher at ang buong suweldo ng kawawang tao, maging ang kanyang pinag-ipunan para makabili ng cell phone ay tinangay ng mga suspek.
Sang-ayon sa nakuhang impormasyon ng IO, marami na umanong naging biktima ang mga motorcycle-riding snatcher at hindi na ito ni-rereport sa pulisya sa hindi malamang dahilan.
Malimit umatake ang mga ito sa kahabaan ng Lazatin Boulevard lalo na kapag araw ng suweldo.
Noong nakaraang buwan, isang government employee naman ang nadukutan sa loob ng pampasaherong jeepney patungong Angeles City at mahigit sa P5,000 ang nakulimbat ng mga mandurukot. Dapat siguro bigyan ng agarang aksyon ng City of San Fernando Police ang paglaganap umano ng snatching sa lungsod.
Kailangan sigurong maglagay ng mga pulis o malimit magpatrolya sa kahabaan ng Lazating Boulevard at maging sa kahabaan ng Jose Abad Santos Avenue (Jasa) dahil na rin sa nangyaring Basag Kotse kay Superintendent Rolly Mendoza, dating hepe ng Porac.
Tatlong matataas na baril ang nakulimbat sa sasakyan ni Mendoza na kung saan hanggang ngayon wala pa itong solusyon.
Mrs. Juliet dela Cruz, namigay ng school uniforms.
Noong Oktobre personal na namigay ng school uniforms ang maybahay ni Chief Superintendent Leon Nilo dela Cruz, Central Luzon police director, na si Juliet Dela Cruz sa Camp Olivas Elementary School. Umaabot sa 50 indigent pupils ng nasabing paaralan ang nabigyan ng PE uniforms.
Ito'y bilang "commitment" ni Chief Supt. Dela Cruz sa pagbibigay ng police service at ilapit ang mga Police sa komidad, ayon kay Superintendent Walter Castillejos, acting chief ng Regional Police Community Relation Division.
Noong Setyembre 25, umaabot din sa 50 PE uniforms ang naipamahagi ni Dela Cruz sa mga mag-aaral sa Camp Olivas Elementary School. Sang-ayon kay Castillejos, ang pamamahagi ng PE uniforms sa mag-aaral dito ay tuloy-tuloy na gagawin ni Dela Cruz hanggang ang lahat ng mga pupil ay magkaroon nito.
Feedback: Your views and reactions
Ano po kaya ang hindi
Ano po kaya ang hindi pagkakasundo ni Mayor Chito Espino kay dating Hepe Magnaye? Kung ano man po ang nangyayaring hindi maganda sa peace an order sa amin dito sa Arayat, siguro po walang dapat sisihin kundi si Mayor Espino dahil siya ang ama ng bayan. Sa dami na pong mga pangyayaring patayan lalo na dito sa aming Barangay Matamo, ni anino ng isang pulis wala man lang pong sumipot dito para magsagawa ng imbestigasyon. Alam naman po ng lahat na alam ni mayor kung sino ang nasa likod ng mga patayan na ito pero wala siyang ginagawa. Natatakot ba siya? Nagtatanong lang po?