Updates from around the country
follow Sun.Star on Twitter

as of ?? Weighted average rate pursuant to Cirular Letter dated 30 July 1992
ePaper
Pacquiao vs Cotto

SECTIONS


Weather Bulletin

Issued At: 5:00 p.m., 24 November 2009

  At 4:00 p.m. today, Tropical Depression "URDUJA" was estimated based on satellite and surface data at 40 kms North of Surigao (10.1°N, 125.6°E) with maximum winds of 55 kph near the center. It is forecast to move East slowly. Northeast monsoon affecting Luzon.

Metro Manila

Mostly cloudy with rainshowers
23°C to 31°C
Moderate to Strong:
Northeast
Manila Bay:
Moderate to Rough

More


PCSO Lotto Results
Lotto Results 11/24/2009
Superlotto 6/49: 04 41 29 35 30 38
6Digit: 6 6 2 7 6 5
Lotto 6/42: 36 01 18 11 35 08
Swertres: 596 * 166 * 713

More results

Sapnu: Pamumuno sa 'Blue Boys' pinag-aagawan?

Ric Sapnu
Dateline: Olivas

PINAG-AAGAWAN umano ng dalawang opisyales ng City of San Fernando kung sino ang dapat mamuno sa Blue Boys o Traffic Enforcers.

Ito ang napag-alaman ng Intelligence Officer (IO) ng Dateline kamakailan na kung saan iyong dating namuno sa Blue Boys (dating Yellow Boys) ay gustong bumalik o dili kaya ibig ibalik ng isang opisyal ng City Government.

"The Manny Pacquiao Blog". Click here for stories and updates on the Filipino boxing champ.

Matatandaan na noong umalis o nagbitiw sa kanyang puwesto ang dating namumuno sa Blue Boys na dating Yellow Boys pa noon, isang bata ng isang opisyal ng City Government ang nagrekomenda kay Mayor Oscar Rodriguez na ang bata na niya ang dapat humalili sa dating namumuno.

Sa ngayon, iyong bata ng isang opisyal ng City Government ang namumuno sa Blue Boys na kung saan mahigit na yatang isang taon na ito sa kanyang puwesto.

Ngunit nitong nakaraang linggo, nadiskubre ng IO na gustong bumalik o ibig ibalik ng isang opisyal ng City Government ang bata nito na si JG dating namuno noon upang siya ang mamahala ulit sa Blue Boys.

Sa hindi malamang dahilan, nagbitiw o pina-alis muna si JG sa pamumuno noon sa Yellow Boys at ngayon gusto o ibig ibalik sa kanyang dating puwesto ng isang opisyal.

Sang-ayon sa IO, sa kasalukuyan nagkakaroon umano ng iringan sa pagitan ng dalawang opisyales ng City Government na kapwa malakas umano kay mayor.

Sa pamumuno ngayon ng Blue Boys maraming reklamo ang mga jeepney driver na natatanggap ang Dateline na kung saan iyong ilan umano sa kanila ay mahilig dumiskarte sa mga driver na pampasaherong jeepney, partikular mga rutang Angeles City.

Mula umano sa Barangay Del Rosario ng Lungsod, mayroon ilan sa mga Blue Boys ang dumidiskarte na, ayon pa sa mga drayber.

Sang-ayon pa sa kanila, sa Barangay Sindalan iyong mga drayber na nagbibigay umano sa mga nakapuwestong Blue Boys doon ay hindi umano sinisita kahit na nasa "No Loading and Unloading" area, subalit iyong iba na hindi umano nagbibigay ay sinisita.

Sang-ayon sa mga drayber, kapag mayroong may birthday sa mga Blue Boys ay dumidiskate din umano ang mga ito sa mga association ng jeepeny driver para may handa ang mga ito.

Mayroon po bang malaking diskarte o kita sa Blue Boys kaya mayroong iringan ang dalawang opisyales ni mayor? Nagtatanong lang po.

Bakit kaya ang dalawang opisyales ay nag-aagawan sa pagpuwesto ng kani-kanilang mga bata? Ano kaya ang mayroon sa Blue Boys. Nagtatanong lang po.

Kayo na po ang mag-isip kung bakit nag-aagawan sa Blue Boys ang dalawang opisyales.


Published in the Sun.Star Pampanga newspaper on November 9, 2009.