Sapnu: Revamp sa CL, may kinalaman sa nalalapit na eleksyon?
By Ric Sapnu
Wednesday, March 10, 2010
More Sections
SA nangyaring pagka-relieve sa tatlong senior police officer sa Central Luzon hindi nawawala ang agam-agam ng ating kababayan at mga media personalities ang malaking katanungan.
Matatandaan unang tinamaan ng revamp ay si Senior Superintendent Gil Lebin Jr., Pampanga Police Provincial director. Noong Biernes (Marso 5) biglaang ni-relieve si Lebin at pinalitan ni Senior Superintendent Manuel Gearlan.
"The Manny Pacquiao Blog". Click here for stories and updates on the Filipino boxing champ.
Sang-ayon sa Intelligence Officer (IO) ng Dateline, Huwebes ng gabi nang bumulaga ang balita kay Lebin na siya’y nakatakdang i-relieve ng Biernes.
Natuloy ang nasabing turn-over ceremony nang nasabing araw at maraming naging katanungan ang karamihan sa mga police officers at miyembro ng media na nagkokober sa Pulisya.
At laking gulat ng inyong lingkod at maging ang mga opisyales at miyembro ng Camp Olivas Press Society (Cops) na nagkokober sa Camp Olivas sa natanggap ng text messages kay Superintendent Baltazar Mamaril, chief ng Regional Public Information Office-3 (RPIO) na mayroon magaganap na turn-over sa araw ng Lunes.
Hindi akalain ng mga opisyales at miyembro ng COPS na pinamumunuan ni George Hubierna ng People’s Journal na nakatakdang ma-relieve din si Chief Superintendent Leon Nilo dela Cruz, Central Luzon police director.
Dahil sa text message ni Mamaril, ang Dateline kasama sina Hubierna, Rudy Abular at Bernard Galang, pawang correspondents ng People’s Journal ay dumating sa araw ng nasabing turn-over.
Ang ibang miyembro ng COPS ay hindi nakuhang dumating sa nasabing okasyon dahil sa biglaang turn-over sa pagitan nina Dela Cruz at incoming acting police director ng Central Luzon Police na si Chief Superintendent Arturo Cacdac Jr.
Sang-ayon sa IO, Sabado (Marso 6) pa lamang daw mayroon ng umalingaw-ngaw na hindi magandang balita na kung saan nakatakdang magkaroon ng turn-over sa Lunes (Marso 8).
Kaya araw ng Linggo ay pinulong na ni Dela Cruz ang kanyang mga staff at mga provincial at city police director para sa paghahanda kung sakaling matuloy nga ang turn-over.
Gabi ng Linggo nang makumpirma ang nasabing turn-over dahil sa natanggap ng “order” mula sa National Headquarters sa Camp Crame.
Nagulat din ang Dateline makaraang nabalitaan din na iyong araw na iyon din ay nakatakdang ma-relieved si Senior Superintendent Edgar Tinio, officer-in-charge ng Bulacan Police Provincial Office.
Umaabot pa lamang ng dalawang buwan si Tinio sa Bulacan Police at nagkaroon din itong “order” sa kanyang agarang pagka-relieve sa puwesto. Ang pagka-relieve ba ni Tinio ay may kinalaman sa politics doon? Nagtatanong lang po.
Si Senior Superintendent Fernando Villanueva ang itinalagang bilang bagong OIC ng Bulacan Police. Si Villanueva ay dating chief ng Highway Patrol Group-3.
Nang tanungin po natin ang isang police officer kung bakit nagkaroon ng revamp sa Central Luzon ang malinaw na sagot nito ay “it is just normal” sa PNP organization.
“Hindi natin alam ang “wisdom” sa taas, we just follow the change of command,” ayon sa police officer.
Ang malaking katanungan po dito, ang tatlong na-relieved na mga opisyales ay mayroon kayang malaking kinalaman sa politika sa Central Luzon? Nagtatanong lang po…..
Bakit ilang araw na lamang bago mag-eleksyon ay nagkaroon ng “revamp” sa Central Luzon? Nagtatanong lang po.
Chief Supt. Cacdac
Hindi na iba sa Central Luzon si Chief Supt. Arturo Cacdac Jr dahil siya’y natalaga na rin dito noong l989 hanggang l990’s.
Noong l987, siya naging Company Officer ng 174 PC-INP sa Angeles City at nagtagal ito nang halos isang taon.
Naging hepe din si Cacdac ng City of San Fernando Police Station noon hindi pa lungsod at umabot lamang siya ng mahigit dalawang buwan.
Pagkatapos noon natalaga naman siya bilang provincial police director ng Pampanga Police Office. Umabot naman si Cacdac ng mahigit apat na buwan sa nasabing puwesto.
Natalaga din siya sa Angeles City police na kung saan hindi rin siya nagtagal doon bago ito nalipat ng provincial director ng Pangasinan Provincial Police Office.
Naging chief din siya ng Firearms and Explosive Division sa Camp Crame at doon niya nasungkit ang kanyang STAR.
At bago siya natalaga sa Central Luzon Police, siya’y ang chief ng Crime Laboratory Office sa Camp Crame.
Si Cacdac ay miyembro ng PMA Class ’78 na kung saan honorary member nila si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Napili ng Camp Crame o maging ang Malacanang si Cacdac na pumalit kay Chief Superintendent Leon Nilo dela Cruz dahil familiar siya sa Central Luzon.







