Sapnu: SHOW your performance– Gaerlan
By Ric Sapnu
Wednesday, March 17, 2010
More Sections
SA PAG-UPO ni Senior Superintendent Manuel Gaerlan bilang Officer-In-Charge ng Pampanga Police Provincial Office (PPPO), inaasahan na may gagawin itong pagbalasa sa mga hepe at ibang staff nito.
Matatandaan noong Marso umupo si Gaerlan sa PPPO at pinalitan nito si Senior Superintendent Gil Lebin Jr., na itinatalaga naman bilang commander ng Regional Public Safety Management Battalion (dating Regional Mobile Group-3) na nakabase sa Camp Olivas.
Click here for Election 2010 updates
Ngunit ayon kay Gaerlan wala muna itong gagawin na pagbalasa sa mga hepe sa Pampanga. "Bibigyan ko sila (mga hepe) ng ilang linggo para mag-perform sa kanilang trabaho, pahayag ni Gaerlan sa Dateline.
Ayon pa sa kanya, kailangan magpakitang ng gilas ang mga hepe sa kani-kanilang mga trabaho kung gusto nilang manatili sa kanilang mga puwesto.
Sa kanilang performance nakabase ang kanilang pananatili sa kanilang mga puwesto, pahayag pa ni Gaerlan.
"Ang gusto ko kapag trabaho talaga trabaho," ayon pa sa bagong upong OIC.
Nang tanungin ng inyong lingkod tungkol sa election ban, pwede rin naman daw mag request and Comelec para mapalitan ang isang hepe.
Kaya mga hepe pagbutihin ninyo ang inyong trabaho para hindi kayo tamaan ng pagbalasa.
Gaerlan sinalubong ng tatlong shooting incidents
Wala pang isang linggong nakaka-upo si Gaerlan sa PPPO sinalubong na ito ng tatlong shooting incidents.
Ang una ay nangyari sa Barangay Betis na kung saan ay isang Amerjan Eusoff Guiam, 59, ay tambangan ng isang grupo ng armadong kalalakihan lulan ng isang kotse habang ang biktima ay papunta sa isang court hearing.
Ang anak ni Guiam ay hindi naman malubhang nasugatan samantalang ang isang bystander na si Nancy Layug na tinamaan ng stray bullet ay binawian ng buhay habang ginagamot ito. Si Amerjan ay namatay din sa ospital.
Pinagbabaril din ng hindi nakilalang gunmen sina Edwin Limpio at Angel Ruz, kapwa ng Barangay Bano, Arayat, Pampanga. Ang dalawa ay dumalo sa piyesta sa lugar ng kanilang kaibigan bago ang insidente.
Samantalang si Wilfredo dela Cruz, ng Zaragoza, Nueva Ecija ay pinagbabaril din habang nakatayo sa isang tindahan sa Mexico, Pampanga.
Sa nangyaring tatlong shooting incidents sa pag-upo ni Gaerlan, ito’y ba ay isang pagsalubong sa kanya? Nagtatanong lang po.
Binabati ng Dateline ang dalawang bagong promote na senior superintendents ng kapulisan.
Ito'y sina Superintendents Cornelio Barrios na nakatalaga sa Regional Intelligence Division at Rosueto Ricaforte, chief ng Regional Headquarters Service Group.
Ang kanilang order sa kanilang promotion ay lumabas kamakailan lamang. Noong nakaraang Monday Flag raising ay sinabit o inilagay na ang isa pang “bulaklak” sa kanilang mga balikat bilang Senior Superintendent. Kung baga sa military full-pledge colonel na ang dalawa.
Si Barrios at Ricaforte ay kapwa miyembro ng Philippine Military Academy Class ’84.
Sa inyong dalawa sir, congratulations at Mabuhay kayo!







