Updates from around the country
follow Sun.Star on Twitter

ePaper
Pacquiao vs Cotto

SECTIONS


Weather Bulletin

Issued At: 5:00 a.m., 02 December 2009

  Northeast Monsoon affecting Northern and Eastern Luzon and Eastern Visayas.

Metro Manila

Partly cloudy to at times cloudy with isolated rainshowers
21°C to 32°C
Moderate to Strong:
Northeast
Manila Bay:
Moderate to Rough

More


PCSO Lotto Results
Lotto Results 12/1/2009
Superlotto 6/49: 43 29 20 01 13 24
6Digit: 6 9 1 5 2 8
Lotto 6/42: 17 37 11 20 04 40
Swertres: 168 * 950 * 961

More results

Sapnu: Traffic pass sticker ng CSFP kumita?

Ric Sapnu
Dateline: Olivas

NITONG unang linggo ng Hulyo, ipinatupad ng City of San Fernando Government ang paglalagay ng mga traffic pass stickers sa mga pampasaherong jeep na bumibiyahe ng iba’t ibang ruta sa lungsod.

Compulsory umano ang traffic pass sticker kaya walang nagawa ang mga kawawang passenger jeep driver kung hindi bumili sa City Government.

For updates from around the country, follow Sun.Star on Twitter

Ang naturang sticker ay nagkakahalaga ng P50.00 at para kay Juan dela Cruz na nakikipag boundary lamang sa kanyang minamanehong pampasaherong jeep ay malaking halaga ito para kunin sa kanya ng City Government.

Sapilitan umano ang paglalagay ng Traffic Pass Sticker sa mga pampasaherong jeep na biyaheng Guagua, Angeles City, San Matias, Bulacan, Mexico at Arayat.

Sang-ayon sa mga drayber na nakausap ng Dateline, kung susumain umano ang bilang ng mga pampasaherong jeep na pumapasada sa nasabing mga bayan ay aabot raw sa 1,500 units o mahigit pa.

Ang nasabing sticker ay isang taon lamang magagamit at sa susunod na taon panibagong P50.00 na naman ang mawawala kay Juan dela Cruz.

At dahil compulsory ang pagkuha ng mga sticker, kung 1,500 passenger jeeps ang mga pumapasada, aabot sa halagang P75,000.00 ang kikitain ng City Government.

Ang laki ng kita, ano po? Saan kaya mapupunta ito? Nagtatanong lang po.

Bukod sa Traffic Pass Sticker mayroon pang Terminal Fee

Ibinunyag din ng mga drayber sa Dateline na sinisingil din sila ng P10.00 bilang terminal fee na kinokolekta sa kanila kada araw sa Tiangge Terminal ng City of San Fernando.

Para kay Juan dela Cruz, ang P10 na mababawas sa kanyang kita sa pakikipag-boundary malaking kawalan na sa kanya na puwede nang pambaon ng kanyang anak na grade one.

Sapilitan din umano ang nasabing pagbabayad ng terminal fee ng mga drayber na pumaparada sa Tiangge Terminal na nasa Limjoco Street na kung saan doon lahat sumasakay ang mga kababayan natin na patungo sa iba’t ibang bayan sa Pampanga.

Araw-araw, ang mga drayber ay nagbabayad ng terminal fee sa Tiangge Terminal at ang ibinibigay na resibo sa kanila ay isang kapirasong papel lamang.

Mayroong ipinakitang kapirasong resibo ang mga drayber sa Dateline na naka-stamp pad lamang na may nakasulat na Tiangge Terminal CSFP-TOL KIM & MOY.

Ang mga pumaparada sa nasabing Tiangge Terminal ay iyong mayroon rutang CSFP-Angeles City, CSFP-Arayat, CSFP-San Matias, Sto. Tomas at CSFP-Bulacan.

Aabot umano sa 1,000 units ang pumparada sa nasabing terminal kaya aabot sa P10,000 ang kita ng Tiangge Terminal kada araw.

Ibig bang sabihin nito ay sa loob ng isang buwan ang sumatotal ng kita ng Tiangge Terminal ay aabot sa P300,000 at sa loob ng isang taon ay aabot naman sa P3,600,000.00 ang kita nina TOL KIM & MOY? Nagtatanong lang po.

Sino kaya sina TOL KIM & MOY na nakalagay sa kapirasong resibo ng Tiangge Terminal? Sila ba ay dummy lamang para i-cover-up ang kikita sa Tiangge Terminal Fee? Nagtatanong lang po.

Kung inyo pong pupuntahan ang Tiangge Terminal mayroong mga tent nakatayo doon at nakalagay ang “Magsilbi Tamu” slogan.

Castillo naging No. 1 sa PSO Advance Course

Sa 43 police officers na nagtapos ng Public Safety Officers Advance Course ng PNP si Senior Insp. Maylanie Castillo ang Number One sa kanilang klase.

Bukod na pagiging Number One sa klase, si Castillo din ang nakakuha ng Topgun Award sa Women Category.

Nagsimula ang PSO Advance Course schooling noong Marso ang 43 police officers na nakatalaga sa iba’t ibang provincial, city at police units na may iba’t ibang ranggo at nagtapos ito noong Hunyo 29.

Si Castillo ay dating Public Information Officer ng Pampanga Police Provincial Office na pinamumunuan noon ni Senior Superintendent Keith Ernald Singian na kasalukuyang siyang Chief ng Directorial Staff ng Police Regional Office-3 (PRO3).

Si Castillo ay miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class 2003.

Congrats Sr. Insp. Castillo.


Published in the Sun.Star Pampanga newspaper on July 6, 2009.