Sapnu: Dayag sa Bataan Provincial Police? | SunStar

Sapnu: Dayag sa Bataan Provincial Police?

Time to read
1 minute
Read so far

Sapnu: Dayag sa Bataan Provincial Police?

Thursday, November 30, 2017

NOONG Nobiembre 10, ang epektibo ng pagkaka-relieve ni Senior Superintendent Benjamin Silo bilang Bataan police provincial director.

Dalawang buwan bago ma-relieved si Silo sa kanyang puwesto dahil natapos nito ang two-year term, marami ng senior superintendent ang lumakad upang makuha ang kanyang puwesto.

Karamihan sa mga Senior Superintendent ay nakipagkita kay Bataan Governor Albert Garcia upang sila ang mairekomenda sa PNP national headquarters, Camp Crame para pumalit kay Silo.

At karamihan din ng mga ito ay naglakad din sa Camp Crame sa Senior Officers and Placement Promotion Board (SOPPB) na kung sila ang mag-a-approve kung karapat dapat maupo sa isang provincial o city police offices.

Hindi lang ng malaman ng Dateline kung anong “criteria” ng SOPPB members sa pagpili para provincial director (PD) o city director (CD) ang senior superintendent. Kung ito ba ay sa “qualification,” dahil mistah o sa ibang dahilan? Nagtatanong lang po...

Napag-alaman ng Dateline, lima umano ang inirekomendang kandidato sa Bataan Provincial Police. Ang mga ito ay sina Senior Superintendent Oscar Jacildo, chief ng Regional Police Community and Relation Division; Eduardo Tuazon, chief ng Regional Investigation and Detective Management; Jesus Rebua, chief ng Regional Operations and Plans Division, Abrenica at Marcelo Dayag nakatalaga sa Police Regional Office-7.

At ang naging ma-suwerteng napili ng SOPPB ay si Marcelo Dayag at siya rin umano ang inirekomenda ni Silo kay Gob Garcia.

Si Dayag ang naging dating chief of police ng City of San Fernando noong panahon ni dating Mayor Oscar Rodriguez.

Bakit kaya nanggaling pa sa PRO7 ang naging officer-in-charge ng Bataan police provincial office e samantalang tatlong Senior Superintendent sa PRO3 ang “qualified” sa nasabing posisyon.

Di ba dapat taga PRO3 ang maupo sa Bataan Police? Nagtatanong lang po...

Bata-bata system pa rin ba ang pinaiiral ng SOPPB sa pagpili o sa ibang bagay? Nagtatanong lang po.

View Comments