Love Notes
 

Sana'y Madama
Ethel Garcia

Habang ako'y naglalakbay sa kawalan
Buhay ko'y parang walang patutunguhan
Puno ng pighati at kasawian
Heto't gustong isuko ang laban

Ako'y napadpad sa isang halamanan
Nababalot ng hiwaga't kasiyahan
Aking nakita isang bulaklak na marikit
Pumawi sa nadaramang sakit

Tulad niya'y isang rosas
Maganda ngunit tinik ay matalas
Kahit sino mapapalingon
Rikit ay sa puso babaon

Kung siya'y magiging akin
Aalagaan at pakaiibigin
Paano ko masasabi nais kong sabihin
Kung ako'y hanggang ligaw tingin

O mahabaging langit
Tulungang aking masabit
Nilalaman ng isipa't damdamin
Na siya'y aking mamahalin

Di naman ako torpe
Ngunit sa iyo ako'y natsotsope
Maramdaman mo lamang pintig ng aking puso
Nang maipakita tapat kong pagsuyo

 
| Section Editors: Mildred V. Galarpe / Michael G. Machacon |
| © Copyright 2002 - 2005 Sun.Star Publishing, Inc. | onlinedeskatsunstardotcomdotph |