Internet home of Philippine news
Back to homepage
| Bacolod | Baguio | Cagayan de Oro | Cebu | Davao | Dumaguete | General Santos | Iloilo | Manila | Pampanga | Pangasinan | Zamboanga |
 
 
 
 

Google
Web
www.sunstar.com.ph

  Opinion
Estremera: Why the children?

TigerDirect




Sunday, July 01, 2007
Estremera: Why the children?
By Stella A. Estremera
spider's web


I'VE been answering questions emailed by communications students from Dela Salle University, which they said were for their thesis. One student, after the initial questions about journalism and journalists asked about child-friendly journalism and why there is a need for that.

Pinoy Votes: Sun.Star Election 2007 Coverage

View here the list of local winners

The following is my off the cuff reply, a long one (which I warned her about before reeling off), in regular college lingo in the hope of pushing my message...

You're second year, right? Then you're around 16-18. You're technically a child. You're in school. Gasgas na masyado yung sinabi ni Rizal -- the youth is the hope of the nation or something like that (sa sobrang gasgas squeaky na at garbled kaya hindi ko na alam ano ang exact words).

Go ka lang sa kalsada, makikita mo ang mga rugby boys at mga hip-hop gangs: ang babastos, mga walang modo, ang sarap pag-uupakan kasi akala mo kung sinong siga kung umasta, ayaw pang magpatabi sa kalsada nag-aastang hari... Admit it, hindi ba nakaka-eeewww at arrrggghhh! Lalo na kung naghahabulan sila o nagpapalaboy na bangag na bangag or di kaya nag lalakad with that hip-hop swagger with all their metals and bling-blings? And yes... don't you feel scared like eeky-scared pag lumalapit sila sa iyo, feeling mo: Oh my god, bangag siya!

Pity is what you feel when you see them at a distance. But up close, the feeling is more like, oh no! (sabay shift to shopping mall vision mode -- that's what i call yung vision mo when you're in a shopping mall, na while you get to glance at the people walking toward you pero yung parang walang focus, parang wala lang, malayo ang tingin hindi kita kilala and no, I'm not staring type of focus).

Naghahalong awa at galit sa tatay at nanay (isama mo na ang pulis na hindi man lang pinansin yung bangag na bata) ang prevailing feeling. 'Yan pa yung mga rugby boys at hip-hop na seven to 12 years old. Yung mga 15 years old pataas, eh mukhang kanto boy na talaga yun at mas bastos pa, so ang feeling now is YUCK! Pag lumalapit sa iyo instinctinvely humihigpit ang kapit mo sa iyong bag kasi ang nasa isip mo is baka madukutan ka o di kaya saksakin ka.

Yun namang mga babaeng kasama nila na malamang naka-itim na baby tees na labas ang pusod na may stud at kung makatayo naku talaga namang super-project ng boobs, akala mo kung sino pa kung humawak ng yosi at pataas at paismid pa ang buga ng usok! Hindi ba ang nasa isip mo talaga is: Haynaku, mukha talagang mga kaladkarin, que babata pa ang lalaswa na nasaan ba ang mga nanay ng mga lintek na babaeng ito!

At kung nagbabatuhan na sila sa kalye, nagra-riot, ay talaga namang ang sarap tapunan ng granada.

Graphic na ba masyado ang description. Now balik tayo kay Rizal. Sila ang ating future.

It's not you and your classmates kasi konti lang naman kayo; konti lang rin kami noon. Kalahati pa niyang batch ninyo magiging corrupt, magnanakaw, magba-vice lord, politikong pulpol, at kung ano-ano pang kalokohang expertise ng Pinoy.

Kayo yung magiging upper management or supervisorial or entrepreneur (whether in good or bad). Yung magpapatakbo ng mga makinarya ninyo, ang magtatao ng mga pabrika ninyo, ang magbubuhat ng mga gamit ninyo... sila. Can you trust them to do those? And the more basic question: Can they even do those? Wasted na sila ngayon pa lang, meron pa kayang matitirang utak at katinuan when they grow older? Paano naman yung mapasok sa magiging vice lord sa batch ninyo? Siguradong gagawin ang lahat noon para lang maka-kidnap, makabenta ng shabu, babae, whatever... like beg, steal, borrow and kill at the mere promise of money.

The bigger problem is they are fast-growing, and are sooo sexually active. Kaya... teenager pa lang usually 15, mag live-in na, nanay at tatay na. Meron nang isang supling na magiging dalawang supling to the nth power.

Yung 15-year-old na nanay, hindi naman makakapag-trabaho yun except maglaba o maging kasambahay, which is not the thing for these children in gangs and inner city settlements, so ang mangyayari mangangariton, magsa-sideline ng shabu, etc. walang skills eh, ni hindi man lang makakapagtahi o maging karpentero ba. Wala ring puhunan para makapagluto man lang ng mani.

In the meantime, lumalaki na yung supling. At 7, nasa kalsada na rin at ang nanay 22 pa lang na wala pa ring pagkukunan ng makain so nangangariton pa rin siguro o nagbebenta ng shabu, whatever. By 9 yung bata at 24 na ang nanay, rugby na ang bata... tapos buntis na naman yung bata by 15 while ang nanay ay 30 pa lang na nangangariton o nagpapasugal na. Ilang buwan pa, maghihiwalay na ang bata dahil meron nang anak at "asawa" at baka mangangariton na rin ng hiwalay. Ilang kariton ba ang kaya ng ating mga kalsada?

Bakit child-friendly? Kasi malaki ang problema at lahat ng problema ng mundo ang mga bata ang most affected. And yet, wala lang, subject lang sila na ginagaawang pang-add ng drama so istorya at photos. Para bang, wow, kawawa naman. I feel good kasi naawa ako. Pero... hindi man lang tinanong yung bata kung type niyang magpa-picture at ano pa ang type niyang gawin.

Parating kinakaawaan... parating charity. But... and the big but is... resilient ang mga bata. Give them a little guidance and skills, give them a little opportunity and chance, give them a little voice and just listen to them for a change, malaki ang magagawa nila. Ang hirap nga lang, parating the "poor and deserving" ang binibigyan ng chance and opportunities, ng guidance and skills. The streetboys here refer to them as mga "genius".

Ang parati kong tanong, eh paano ang "poor and undeserving"? Eh sila yung nangangailangan ng tulong kasi sila yung gagawa ng mas marami pang bata at mananatili sa iskwater at bangketa at bihirang makakuha ng opportunity makausad pataas kung isasantabi mo na lang sila parati.

It might be "a voice in the wilderness" pero darn, do something about the "undeserving". (Btw, parating naga-cringe mga child rights advocates when I call these children "undeserving". Ang parati kong sagot, bakit, sino ba ang nag-coin at repeatedly gumagamit ng "poor and deserving" hindi ba civil society with good intentions lang rin? And since merong deserving, ang implication is merong "undeserving", so all I'm saying is go give attention to the bigger sector na ayaw niyong i-label maybe because ayaw rin ninyong makita...) (email: saestremera@yahoo.com

For more Philippine news, visit Sun.Star General Santos.

For Bisaya stories from Davao. Click here.

(July 01, 2007 issue)
Write letter to the editor.Click here.
Join the Sun.Star message board.Click here.




ENETWORK HEADLINE
ENETWORK NEWS


[return to top] [home] [network page]


Sun.Star Network Online

LOCAL NEWS
BUSINESS
OPINION
SPORTS
LIFESTYLE
FEATURE

SUPERBALITA
WEEKEND

RSS Feed RSS Feed


Classified Power Ads

Past Issues

Western Union

I © Copyright 2007 Sun.Star Publishing, Inc. I Contact the website at sunnexatsunstardotcomdotph I