Internet home of Philippine news
Back to homepage
| Bacolod | Baguio | Cagayan de Oro | Cebu | Davao | Dumaguete | General Santos | Iloilo | Manila | Pampanga | Pangasinan | Zamboanga |
 
online flower gift shop to Philippines
 
 
 

Google
Web
www.sunstar.com.ph

  Lifestyle
Baron denies getting into trouble in Venice
Jan Manual back to work after accident
Dingdong naaksidente

TigerDirect



Monday, September 15, 2008
Dingdong naaksidente

NAAKSIDENTE ang aktor na si Dingdong Dantes habang kinukunan ang isang emosyonal na eksena para sa kanyang teleserye na "Dyesebel".

Nalihis ang buto sa kanang kamay ni Dingdong matapos niyang mamiskalkyula ang pagsuntok sa isang puno. Ipinakita sa isang video sa "Showbiz Central" ang eksena kung saan paulit-ulit na sinuntok ni Dingdong ang puno na naging dahilan ng pagdurugo ng kanyang kamay at pagkalihis ng kanyang buto.

What's your take on the Mindanao crisis? Discuss views with other readers

"Nagkaroon lang ng konting mali so un mayroon ng koreksyon na ginagawa. May maliit lang na buto na medyo nalihis so kailangang lang nating i-heal so medyo matatagalan ng konti. Pero like what I said tuloy pa rin naman ang mga ginagawa ko medyo kailangan lang magbawas ng konti sa mga physical activities," pahayag ng aktor.

Ang ebidensiya naman ng nasabing aksidente ay nakita ng ilan ng kumanta ang binata sa SOP noong Linggo. "Ganoon talaga kapag committed ka sa ginagawa mo. Kahit ano pa walang makakaharang sa iyo," mariing pahayag ng aktor.

Nang mabalitaan ng kanyang kapareha sa "Dyesebel" na si Marian Rivera, ang aksidente na sinapit ni Dingdong, agad nitong tinawagan ang aktor para kamustahin.

"Wala kasi ako doon sa taping nung araw na nabalian siya. Noong dumating ako, tinawagan ko siya nasa ospital daw siya. Hindi din biro ung nangyari sa kanya, sana maayos na," pahayag ng aktres.

Dagdag pa niya ayaw ng pag-usapan ni Dindong ang nangyari sa kanya dahil hindi na rin naman nito mababalik ang kanyang pagkakamali.

"Hindi natin maiiwasan ang mga bagay na ito ang importante nangyari ito at kung mangyayari man ulit alam na namin ang gagawin," pagtatapos ni Dingdong. (JRDB/Sunnex)

For more Philippine news, visit Sun.Star Pampanga.

(September 15, 2008 issue)
Write letter to the editor. Click here.




ENETWORK HEADLINE
CA junks Lozadas' amparo plea
ENETWORK NEWS
Landslide-hit villagers won't leave homes
Military assures civilians' safety
Hospital officials seek fee increases


[return to top] [home] [network page]


Sun.Star Network Online

LOCAL NEWS
BUSINESS
OPINION
SPORTS
LIFESTYLE
FEATURE

RSS FeedRSS Feed


Classified Power Ads

Past Issues

Western Union

I © Copyright 2007 Sun.Star Publishing, Inc. I Contact the website at sunnexatsunstardotcomdotph I