Monday, October 13, 2008 Ogie Diaz sinibak sa show
SIMULA sa Lunes, hindi na mapapanood ang pampa-gising na locomotion ng TV host na si Ogie Diaz sa pang-umagang programa ng ABS-CBN na "Umagang Kay Ganda."
Base sa report, si Ogie mismo ang nagkumpirma na nadismiss siya sa nasabing programa at ipapatupad ito agad sa Lunes, October 13.
Hindi pa rin malinaw maging sa TV host ang dahilan ng kanyang pagkakatanggal sa show. Aniya may kinalaman daw ito sa code of ethics ng management.
Hindi din inaasahan ni Ogie na ganoon kabilis ang effectivity ng nasabing dismissal dahil noong Biyernes lamang daw siya inabisuhan ng mga opisyal ng ABS-CBN News Current Affairs.
Ito din diumano ang unang pagkakataon niyang makagawa ng pagkakamali at hindi man lamang siya na-warningan tungkol sa pagsuspende sa kanya.
"Actually it's internal...it's a conflict between my principle and their code of ethics. Ang ending I had a violation. Non-renewal of services," pahayag ni Ogie hango sa report ng ABS-CBN website.
Inihayag din ng TV host ang kanyang pagkakatanggal sa "Umagang Kay Ganda" sa programa niya sa radyo na "Talakan."
Nilinaw ni Ogie na hindi siya nag-resign at natapos lang daw ang serbisyo niya sa programa. Dagdag pa niya hindi daw niya kagustuhan ang nangyari ngunit kailangan niyang sumunod at respetuhin ang desisyon ng management.
Sa huli kahit hindi niya naintindihan ang dahilan kung bakit siya tinanggal ay nagpasalamat pa rin ito sa ABS-CBN News and Current Affairs sa ilang taon din pagtitiwala nila sa kanya. (JRDB/Sunnex)