Internet home of Philippine news
Back to homepage
| Bacolod | Baguio | Cagayan de Oro | Cebu | Davao | Dumaguete | General Santos | Iloilo | Manila | Pampanga | Pangasinan | Zamboanga |
 
online flower gift shop to Philippines
 
 
 

Google
Web
www.sunstar.com.ph

  Local News
Oil firms to be summoned over fare rollback
Commemoration of All Saints' Day orderly: PNP
Isnajis' petition junked
PCGG chairman ends 'indefinite leave'
RP team places 4th in International Math contest
Arroyo invited to join summit in New York
TV monitors to be installed along Edsa
Landowners seek more private domain in Boracay
Gov't mulls resuming peace talks with MILF
Patani ayaw pa-apekto sa intriga

TigerDirect



Monday, November 03, 2008
Patani ayaw pa-apekto sa intriga

HINDI pa man tuluyang bumubukadkad ang career ng "Yaya ng Bayan" na si Patani Daño ay sunud-sunod na ang intriga tungkol sa kanya.

May mga nagsasabing lumalaki na nga ang ulo ng baguhang komedyana ngunit mariing pinabulaanan naman niya ito sa presscon ng "Survivor Philippines" noong Biyernes.

What's your take on the Mindanao crisis? Discuss views with other readers

"Hindi po totoo 'yan. Wala pa rin pong nagbabago sa akin at walang magbabago. Kung meron man pong mga nagkakalat at naninira bahala na sila basta ginagawa ko lang ang trabaho ko at malinis ang konsensya ko," depensa ni Patani.

Kwento ni Patani, sinabihan daw siya ng ilang mga kaibigan niya na parang siya ang tinutukoy sa isang blind item sa telebisyon. Gayunpaman, iginiit niya na hindi siya 'syun dahil hindi naman niya natatandaan na nasangkot siya sa nasabing insedente.

Ayon sa blind item naghahanap daw umano ng sariling dressing room ang baguhang artista na 'kala mo kung sinong umasta. Paliwanag ni Patani, "Hindi ko 'yun ginawa, naghanap ng sariling dressing room kung alam lang nila ang pinagdaanan ko. Huwag sanasilang magkalat."

Sa halip na magalit ay tinawanan nalang ni Patani ang paninira sa kanya at nagsabing mas masaya pa nga siya nagyon dahil napag-uusapan siya. Aniya, mas lalo pa siyang nabibigyan ng mas mahabang "exfosure" ng mga naninira sa kanya.

Ngunit kung ang pagbabasehan ay ang kilos ng dalaga ay wala naman talagang nagbago dito. Ganoon pa rin ang pakikitungo niya sa tao at hindi kakikitaan ng anumang pagmamalaki.

Sa kabila ng paninira, sunod-sunod pa rin ang trabaho na dumarating kay Patani kabilang na ang katatapos lang na guesting niya sa comedy show na "Nuts Entertainment". May nakakatuwa at mahalagang role din siya sa comedy series tuwing Linggo na "Ful Haus" kung saan gaganap siya bilang Ingliserang yaya.

"Masaya po ako na hindi pa napapalabas yung unang episode sa 'Ful Haus' may kasunod na. Napaka-challenge po ng English," sambit ni Patani.

Tuloy-tuloy pa din na mapapanood siya sa "Unang Hirit" araw-araw gayundin ang isa pang Survivor castaway na si Nikki Dacullo.

Ipinasok na din si Patani sa pelikulang "Iskul Bukol" na pinagbibidahan nina Tito, Vic, at Joey.

Sa dami ng ginagawa ni Patani nakapag-adjust na daw siya sa bago niyang buhay at hindi niya iniinda ang pagod dahil ito naman talaga ang pangarap niyang gawin.

"Ang sarap ng pakiramdam na busy ka kasi alam mo na panibagong 'exfosure' and kahit papano kikita ka," bulalas ng kwelang aktres. (JRDB/Sunnex)

For more Philippine news, visit Sun.Star Cebu.

(November 3, 2008 issue)
Write letter to the editor. Click here.




ENETWORK HEADLINE
Senate urged to start probe on Bolante
ENETWORK NEWS
Rebels bomb 2 electricity towers in Bukidnon
3 armed men killed in shootout
Waterways to be cleared of obstructions: mayor


[return to top] [home] [network page]


Sun.Star Network Online

LOCAL NEWS
BUSINESS
OPINION
SPORTS
LIFESTYLE
FEATURE

RSS FeedRSS Feed


Classified Power Ads

Past Issues

Western Union

I © Copyright 2007 Sun.Star Publishing, Inc. I Contact the website at sunnexatsunstardotcomdotph I