Internet home of Philippine news
Back to homepage
| Bacolod | Baguio | Cagayan de Oro | Cebu | Davao | Dumaguete | General Santos | Iloilo | Manila | Pampanga | Pangasinan | Zamboanga |
 
online flower gift shop to Philippines
 
 
 

Google
Web
www.sunstar.com.ph

  Lifestyle
'Himala' honored as CNN's best Asian film
Yul Servo bags 2 awards in Brussels filmfest
Geoff, Maja unite in MMK
'Da Spooftacular Showdown' humakot ng papuri

TigerDirect



Friday, November 14, 2008
'Da Spooftacular Showdown' humakot ng papuri

MULING pinatunayan ng tatlong pinagpipitagang komedyante ng bansa na sina Jon Santos, John Lapus, at Candy Pangilinan na karapat-dapat silang mapabilang sa tinatawag na "comedy royalties" matapos ang matagumpay na unang dalawang gabi ng "Da Spooftacular Showdown."

Napuno ng halakhak at palakpak ang buong Music Museum nang sinimulan ng magbatuhan ng kani-kaniyang skit ang tatlong komedyante at isabuhay ang kani-kanilang ginagayang karakter gaya nila Kris Anino, Charos Pempengco, Okra, Celine Doon, at Vicki Bolo.

What's your take on the Mindanao crisis? Discuss views with other readers

Lumipas man ang panahon ay tila hindi pa rin kumukupas ang husay ng tatlong ito sa pagbibigay aliw sa mga tao.

Sabi nga nila ang sekreto marahil ay ang magandang pagkakaibigan at closeness nila sa isa't isa kaya naman click na click ang tandem nila mapa-pelikula man o sa entablado.

Kasama ang dalawang baguhang komedyante na sina Vice Ganda at Kim Idol, inulan ng magagandang papuri at malalakas na palakpak mula sa mga manood at maging sa mga nagsidalong entertainment press ang "Da Spooftacular Showdown" at inaasahan pang magpapatuloy ito sa mga susunod nilang pagtatanghal.

Sa loob ng halos tatlong oras ay matagumpay nilang napasaya at napagulong sa kakatawa ang mga manood na kahit sa paglabas ay pinag-uusapan pa rin ang ilan sa mga nakaka-aliw na eksena nila.

Tiyak na kaabang-abang naman ang ikatlo at ikaapat na gabi ng "Da Spooftacular Showdown" ngayong Biyernes (November 14) at Sabado (November 15) dahil isa pang magaling na komedyante ang makikigulo sa tatlo. Si Pokwang na naging kontrobersiyal mula sa kanyang nakaraang show na "Poohkwang."

Siguradong panibagong batch na naman ng manonood ang sasakit ang tiyan sa mga comical skit ng tatlo at para sa mga taong gustong makalimot ng lungkot at mag-aliw, ito na ang hinihintay ninyong gabi.

Mula sa direksyon ni Phillip Lazaro at sa script nina Kim Idol, Ador Cuntapay at Joel Mercado, ang "Da Spooftacular Showdown" ay hatid sa inyo ng “Asap Live!” na naghatid din sa inyo ng "Poohkwang" at "Rock Da Vote."

Matutunghayan ang comedy show na ito sa lahat ng Biyernes at Sabado ng buong buwan ng Nobyembre hanggang unang Linggo ng Disyembre.

Para sa ticket inquiries at reservations sa "Da Spooftacular Showdown," maaaring tumawag sa Ticketworld (891-9999) o sa Music Museum (721-6726). (JRDB/Sunnex)

For more Philippine news, visit Sun.Star Davao.

(November 14, 2008 issue)
Write letter to the editor. Click here.




ENETWORK HEADLINE
Bolante clears Arroyo, drags Yap
ENETWORK NEWS
Camotes got P5M, says Durano
Suspects in rape-slay of nursing coed named
Army: Captive soldier is wounded, weak


[return to top] [home] [network page]


Sun.Star Network Online

LOCAL NEWS
BUSINESS
OPINION
SPORTS
LIFESTYLE
FEATURE

RSS FeedRSS Feed


Classified Power Ads

Past Issues

Western Union

I © Copyright 2007 Sun.Star Publishing, Inc. I Contact the website at sunnexatsunstardotcomdotph I