|
|
Friday, February 24, 2006
Arroyo's statement on declaration of national emergency
(Full text of President Gloria Macagapag-Arroyo's statement in declaring State of National Emergency.)
Mga kababayan, nagdeklara ako ng state of emergency dahil sa maliwanag at kasalukuyang banta sa Republika na ating napag-alaman at napigil.
May ilang sumubok lumihis sa Armed Forces chain of command, lumabag sa gobyernong sibil at magtatag ng rehimen sa labas ng saligang batas.
Nabuwag natin ang pakanang ito kasama sa pagkilos natin ang pagdakip ng mga militar at sibilyang magkakasabwat. At hindi rin palalagpasin ang mga nagbibigay ng salapi at suportang pulitika sa pag-aalsa.
Napigil na ng pamahalaan itong illegal na pagkilos. maliban sa ilang tumiwalag, nasa puwesto at matapat sa linya ng pamunuan ang lahat ng opisyal ng military hanggang sa mga batalyon.
Bilang commander in chief kontrolado ko ang sitwasyon.
Katatapos ko lamang pulungin ang aking kabinete na nagkakaisa at buong loob na ipagpatuloy ang serbisyo publiko sa kabila ng kalagayan ng seguridad.
Nananawagan ako sa lahat ng ating pamahalaang lokal na patuloy ring maglingkod. Hindi dapat malagay sa alanganin ang kaligtasan at kabuhayan ng tao.
Samantala, pinapaubaya ko sa pinuno ng AFP at hepe ng PNP ang mga nararapat na pagkilos. Mag-uulat sila sa media hinggil sa mga darating na pangyayari. Mag-uulat naman ang secretary of foreign affairs sa mga embahador.
Ito naman ang babala ko sa mga nagbabalak laban sa bayan: babagsak sa inyong pagtataksil ang buong bigat ng batas. Ipinahahamak ninyo ang mahihirap sa inyong paghatak ng bansa palayo sa ating nararapat na antas sa daigdig bilang kuta ng pagkakaisa, pagsasakripisyo, pagmamalasakit at kahusayan sa mundo. Kinakalas din nyo ang ekonomiya sa kanyang mga tumatatag na saligan.
Mga kababayan hinihiling ko naman sa inyong lahat na manatiling mahinahon. Nananawagan ako sa media na iulat ang mga pangyayari sang-ayon sa tungkulin sa bayan at huwag palampasin ang mga nakakasamang alingasngas at maling balita.
Salamat sa inyong pananalig sa bayan at sa ating magandang hinaharap. Pagpalain nawa ng diyos ang sambayanang Filipino.
Professor, 2 others nabbed (2:29 p.m.)
Arrests without warrant may be done under emergency state: Palace (2:07 p.m.)
Stocks fall on coup fears, state of emergency (1:55 p.m.)
Edsa 1 anniversary activities called off (2:05 p.m.)
Police scuffle with anti-government demonstrators (12:10 p.m.)
Arroyo declares state of emergency
Security tight amid spiraling coup rumors (11:26 a.m.)
State of emergency eyed by Palace (9:13 a.m.)
Marine Colonel denies supporting pending coup (8:45 a.m.)
'Pending coup' launched v. Arroyo |
|
|
|