Back to homepage
| Bacolod | Baguio | Cagayan de Oro | Cebu | Davao | Dumaguete | General Santos | Iloilo | Manila | Pampanga | Pangasinan | Zamboanga |
Sun+Stars E-Magazine

Google
Web
www.sunstar.com.ph

  Opinion
Sapnu: Sibakan 'blues' sa mga PDs, nagsimula na
Malig: Improved credibility for Arroyo


Thursday, February 03, 2005
Sapnu: Sibakan 'blues' sa mga PDs, nagsimula na
By Ric Sapnu

INAASAHAN na mare-relieve na si Supt. Elmer Macapagal, Bataan provincial police director, sa anumang araw sa susunod na linggo.

Ito ang napag-alaman ng Dateline sa Intelligence Officer (IO). Ayon sa kanya, sa Monday na umano ang turn-over ceremony sa Bataan provincial police office.
Ayon sa IO, Si Sr. Supt. Hernando Safra ang papalit sa puwesto ni Macapagal. Ang dahilan ng ginawang pag-relieve ni Chief Supt. Rowland Alabano, acting regional director ng Police Regional Office-3 (PRO3) ay sa kanyang ranggo.
Dahil ang dapat daw na ranggo ng isang police officer sa Bataan police ay Senior Superintendent.

Ito raw umano ang dahilan kaya kailangan i-relieve si Macapagal dahil hanggang ngayon, nakabitin pa rin ang "promotion" nito.

Si Macapagal ay naupo noong panahon ni Police Dir. Vidal Querol at dahil sa malakas umano siya kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, napuwesto si Macapagal sa Bataan sa kabila ng kanyang ranggo.

Sa kanyang pagka-upo sa Bataan police, maraming Senior Supt. ang bumatikos dahil nga sa kanyang ranggo. Ang dami naman daw na Senior Supt. na puwedeng ipuwesto.
Sa pagkatalaga ni Gen. Albano sa PRO3, ni-relieve nito si Macapagal dahil sa kanyang ranggo, ayon sa IO.

Nakausap ng Dateline si Sr. Supt Safra, at ayon sa kanya natalaga na rin siya sa Pampanga provincial police noong 1987, kaya hindi na raw bago sa kanya ang Central Luzon.

Ayon sa kanya, "he rose from the ranks". Siya'y naging patrolman muna bago nito narating ang kanyang ranggo ngayon.

Mula sa Pampanga, marami na siyang naging "assignment" sa PNP at ang latest nitong unit ay naging deputy chief siya ng Pacer at na-assigned din ito sa Intelligence Group sa ilalim ni Gen. Delfin.

Sa nakatakdang pag-upo ni Safra sa Bataan, karamihan sa mga Senior Police Officer sa Camp Olivas na nakatalaga sa "Service Company" ay nagsisireklamo na naman.

Ang sabi nila sa Inyong Lingkod, wala na raw bang karapatan na magkaroon ng puwesto ang mga Senior Supt. na nasa "floating status" sa PRO3?

"Kung tutuusin, karamihan sa amin," ayon sa kanila "ay 'qualified' sa nasabing posisyon kaya lang ang kulang namin ay 'malakas na backer."

Hindi lang nila malaman kung si Chief Supt. Albano ang namili kay Safra o ito ang gustong iupo ni Chief PNP Director General Edgar Aglipay.

Kaya nalungkot ang mga Senior Supt. na nakausap ng Dateline sa nangyayaring umano'y "palakasan system" sa PNP organization. Kahit na raw "qualified" ka sa nasabing posisyon ay wala pa ring saysay kung wala kang "malakas na backer," daing pa nila.

Ang isa pa nilang tanong, kung bakit daw hanggang sa kasalukuyan di pa nare-relieve si Sr. Supt. Orlando Madella, Olongapo City police director, sa kabila na mahigit na itong tatlong taon ang "tour of duty."

Siya ba may malakas na "backer" kaya hindi ito ma-relive sa Olongapo City? Siya nalang ba ang magaling?, ayon sa mga Senior Supts.

Bakit pa raw kailangan pa manggaling sa ibang rehiyon o Camp Crame ang inuupo sa magagandang posisyon sa Central Luzon, ayon pa as kanila. Ganito na raw ba ang sistema ng PNP?

Sana raw mabago ang ganitong sistema sa PNP. Nakaka-low moral umano as organisasyon, dagdag pa ng mga senior supt.

Angeles City Police pinag-aagawan na?

Di pa nare-relieve si Sr. Supt Jimmy Restua, Angeles City police director, marami nang police officers ang lumalakad upang makuha ang nasabing puwesto.
Sang-ayon sa IO ng Dateline, noon pang Oktubre mayroon ng Placement Board Committee sa Camp Crame.

Ngunit sa limang kandidato, walang isinama sa nasabing listahan na isinumete ng Camp Crame kay Mayor Carmelo Lazatin, ayon sa IO.

Sa halip, ang limang Senior Supt. sa listahan na isusumite kay Lazatin ay ang apat galing ng Mindanao at ang isa ay miembro pa ng Senior Placement Board Committee.

Iyong apat, ayon sa IO, tiyak na hindi pipiliin ni Lazatin kaya lamang na ang nasabing miyembro ng SPBC.

(February 3, 2005 issue)
Write letter to the editor.Click here.
Join the Sun.Star message board.Click here.




ENETWORK HEADLINE
Laoag City vice mayor shot dead

ENETWORK NEWS
Supreme Court nixes anti-graft judge's plea to step down
P100T offered to nab robbers
P152M worth of shabu burned in Davao City


[return to top] [home] [network page]



Sun.Star Network Online

LOCAL NEWS
BUSINESS
OPINION
SPORTS
LIFESTYLE
FEATURE


Classified Power Ads

Past Issues



I © Copyright 2002 - 2005 Sun.Star Publishing, Inc. I Contact the website at online_deskatsunstardotcomdotph I