Back to homepage
| Bacolod | Baguio | Cagayan de Oro | Cebu | Davao | Dumaguete | General Santos | Iloilo | Manila | Pampanga | Pangasinan | Zamboanga |
 
 
 
 

Google
Web
www.sunstar.com.ph

  Opinion
Editorial: No to drugs
Mercado: When it's inevitable relax and enjoy it
Mapiles: P1.6M worth of Narra missing?
Sapnu: Media, malaki ang papel sa Dau hostage-taking




Monday, September 11, 2006
Sapnu: Media, malaki ang papel sa Dau hostage-taking
By Ric Sapnu
Dateline Olivas


MALAKI ang ginampanan na papel ng media sa naganap na hostage-taking sa Western Union Money Transfer branch sa Barangay Dau, Mabalacat, Pampanga, noong Setyembre 2.

Ito'y matapos hilingin ng mga hostage takers na sila'y makikipag-negosasyon lamang sa kanilang pagsuko sa pulisya kung si Susan Enriquez, reporter ng GMA7, ang kanilang makakausap.

Arroyo Watch: Sun.Star blog on President Arroyo


Matatandaan na 12:30 p.m. nang pasukin ng limang hold-up men ang Western Union Money Transfer.

Kaagad dumating ang mga miyembro ng Mabalacat Police, Pampanga Police at Regional Intelligence and Investigation Division sa naturang establisyamento kaya ang limang holdupper ay nasukol sa loob.

Sa pangyayaring ito, ang ginawa ng mga suspek ay hinostage ng mga ito ang tatlong empleyado na sina Glen Simion, Aida Quiambao, Rosalie Manapol, customers na sina Charina Hermosora at Lorenzo Palo at ang nag-iisang security guard na si Rizalito Besandi.

Umabot ng halos apat na oras ang "hostage-taking" kung saan patuloy na nakipag-negosasyon sina Superintendent Nicanor Targa ng Provincial Intelligence and Investigation Branch at Superintendent Rosve Manulid, provincial director for operations.

Kaagad ding dumating si Chief Superintendent Ismael Rafanan, Police Regional Office-3 (PRO3) director, upang siya mismo ang mangasiwa sa nangyayaring "hostage-taking".

At dahil wala na talagang magagawa ang mga suspek, minabuti na lang ng mga ito na mag-"request" sa pulisya na si Susan Enriquez ang gusto nilang makausap sa kanilang pagsuko.

Ipinatawag naman ng pulisya si Enriquez at dumating ito ng dakong 4 p.m. at nagkaroon ng usapan sa pagitan ng mga suspek hanggang ang mga ito ay kusa na ring sumuko.

Na-rekober mula sa mga suspek ang apat na kalibre .45 at isang .9mm pistola at halagang P516,000 at ang shotgun ng guwardya.

Sa nangyaring hostage-taking, dito pinakikita na malaki ang tiwala ng mga kriminal sa media.

PNP members na na-promote at binigyan ng recognition

Noong dumating si PNP Chief Oscar Calderon sa Police Regional Office-3 (PRO3) sa Camp Olivas, Pampanga, kasama sa kanyang pagbisita dito ang "pinning of rank" at pagbibigay ng medalya sa mga police officer dito.

Sina Abelardo Villacorta, chief ng regional operations and plans, at Danilo Bautista ng Regional Investigation Service ay na-promote sa ranggong police senior superintendents. Matagal na panahon din bago na-promote ang dalawa at noong Setyembre 1, si Calderon pa ang nag-pinning sa kanila. Isang malaking karangalan sa kanila na si Calderon ang nag-pinning sa kanilang bagong ranggo.

Anim na police non-commissioned officers (PNCOs) ang na-promote "meritoriously" sa "next rank" sa kanilang "bravery in combat". Ang mga ito ay sina PO3 Danilo Nazareno, PO2 Noel Maglalang at PO2 Ferdinand Flores nang ma-enkuwentro ng mga ito ang mga miyembro ng Dacpano Group, isang notorious criminal syndicate sa Bataan kung saan anim na miyembro nito ang kanilang napatay.

Sina PO3 Abelardo dela Cruz, PO3 Orlando Cruz, at PO2 Rolando Sanchez II, ay na-promote dahil sa enkuwentro sa miyembro ng kidnap-for-ransom (KFR) sa Barangay San Miguel, Magalang, Pampanga kung saan isang KFR member ang napatay. Na-rescue ng mga ito ang mag-asawang biktima na sina Dr. Sabino Santos at Dra. Sylvia Santos.

Ang tumanggap naman ng Medalya ng Kadakilaan ay sina Superintendent Amador Corpuz; Chief Inspectors Rommel Batangan at Prudencio Legaspi; SPO1s Emerson Perez, Monchito Ramos at Fernando Barte; PO3 Joel Maranon; at PO1 Teodoro Juan.

Ang binigyan naman ng Medalya ng Kagalingan ay sina Superintendent Renato Soria, hepe ng Mabalacat Police Station, at PO3 Jose Almeda.

Pagkatapos ng "pinning" at "awarding" ay ginanap ang ground breaking sa proposed evangelical church, ang capsule laying ng renovation ng Regional Crime Laboratory Office3, Dental Service at Bachelor's Quarters at ang renovation ng Main Gate ng Camp Olivas.

Sr. Insp. Ponseca-Rosales (TOPWP)

Ipinagmamalaki ng mga police officer si Senior Inspector Jhoanna Ponseca-Rosales dahil sa pagkapanalo nito bilang isa sa "Ten Outstanding Policewomen of the Philippines 2006."

Ang nasabing paligsahan ay inisponsor ng Zonta Club of Makati Paseo de Roxas at ng Armscor Philippines.

Si Ponseca-Rosales ay dating chief ng Regional Public Information Office-3.
Ang search for the Ten Outstanding Policewomen ay ginaganap taon-taon sa mga policewomen sa bansa.

Ang iba pang nanalo sina Superintendent Evangeline Candia, Superintendent Lilian Castilllo, Inspector Anita Araullo ng National Capital Regional Police Office (NCRPO), Chief Inspector Emma Galero ng Makati City Police, Senior Inspector Ma. Cecelia Detablan at Inspector Rubenie Grandeza ng Police Regional Office 6, Senior Inspector Flor Mirasol ng PRO5 at PO3 Rosalie Aglanang ng PRO4-A.

Congratulations!

(September 11, 2006 issue)
Write letter to the editor. Click here.
Join the Sun.Star message board. Click here.




ENETWORK HEADLINE
Arroyo elated over gov’t takeover of airport terminal

ENETWORK NEWS
Victims knew gunman: cops
5 years after Sept. 11, a search for 700 missing fathers
Anti-terror agent asks for mayor's forgiveness


[return to top] [home] [network page]


Sun.Star Network Online

LOCAL NEWS
BUSINESS
OPINION
SPORTS
LIFESTYLE
FEATURE


Classified Power Ads

Past Issues



I © Copyright 2002 - 2006 Sun.Star Publishing, Inc. I Contact the website at onlinedeskatsunstardotcomdotph I