Sang-ayon sa Intelligence Officer (IO) ng Dateline, ang posibleng mapalitan at ma-relieve sa kanilang puwesto ay ang mga police director ng Pampanga, Nueva Ecija at Bulacan provincial police.
Sa Pampanga Provincial Police, ang mga kandidatong papalit kay Sr. Supt. Leonardo Espina ay sina Sr. Supts. Keith Singian, Cefriano Querol at Erick Javier.
Ang tatlong nasabing kandidato sa Pampanga Police ay pawang Philippine Military Academy (PMA) graduates. Si Singian ay Class ‘83 samantalang sina Querol ay ?81 at Javier ?82.
Si Singian ay siyang kasalukuyang group director ng Regional Mobile Group-3 (RMG3) at sina Querol at Javier ay kapwa nakatalaga sa National Headquarters sa Camp Crame.
Sa Nueva Ecija Police, ayon sa IO, si Sr. Supt. Allen Bantolo ang matunog na uupo o papalit kay Sr. Supt. Mongeagudo.
At sa Bulacan, ayon pa sa IO, tiyak na rin ang pag-upo ni Sr. Supt. Jesus Gatchalian, kasalukuyang deputy police director for administration ni Sr. Supt. Benedict Michael Fokno, out-going.
Sina Espina, Monteagudo at Fokno ay pawang natapos ang verbal regulation ng PNP na two-year tour of duty. Mahigit na dalawang taon na rin ang nasabing tatlong senior police officers sa kanilang puwesto
Hindi na rin mabilang ang mga nagawang big accomplishments ng Pampanga Police sa panahon ni Espina. Dahil sa kanyang 24-hour Mobile Patrol na kanyang ipinatupad sa Pampanga nabawasan ang krimen sa kanyang area of responsibility.
Kanyang ipinatupad ang ?24-hour Mobile Patrol? sa Pampanga dahil noong siya ang chief of police ng Marikina City, maayos ang peace and order sa naturang lungsod doon at siya’y pinarangalan ng Marikina City Mayor noon.
Sa naglalabang kandidato sa Pampanga Police, isa lamang ang Kapampangan dito at ito’y walang iba kungdi si Singian.
At dahil Pampanga ang pinag-uusapan na Police Office, nararapat lamang siguro na piliin ni Gubernador Mark T. Lapid ay isang Kapampangan. Di po ba?
Si Singian ay natalaga rin sa Pampanga Police bilang chief ng Provincial Mobile Group at naging hepe ng City of San Fernando Police at Mabalacat Police.
Kaya siya’y marami na ring karanasan sa Pampanga at kabisado na rin nito ang pasikot-sikot at kung paano nito masisiayos ang peace and order sa lalawigan. Sa kasalukuyang puwesto ni Singian, halos naikot o namonitor na nito ang bawat sulok ng Pampanga na kung saang bayan o barangay ang may problema sa peace and order at maging sa insurgency.
Samantalang sina Querol at Javier, kung sakaling isa sa kanila ang matatalaga sa Pampanga, tiyak na mangangapa ang mga ito dahil ni minsan ay kapwa di pa sila na-assign sa lalawigan. Di po ba?
Kung inyo pong matatandaan, sa City of San Fernando Police, ay matunog na papalit noon kay dating hepe na si Sr. Supt. Enrico Salapong si Supt. Melchor Reyes. Si Reyes ay hindi Kapampangan kaya ang pinili ni Mayor Oscar Rodriguez ay si Supt. Audie Atienza.
Sabi nga ng ilang nakausap na mga police officer at Pampanga residents ng Dateline, sana raw ay isang Kapampangan na ang piliin ni Gob. na papalit kay Espina.
*****
Ngayon (Nob. 30) ay nakatakda ang gagawing formal na turnover sa Angeles City Police.
Si Sr. Supt. Sonny Cunanan ang papalit sa nalalapit na pagretiro sa serbisyo ni Sr. Supt. Policarpio Segubre, Angeles City police director.
Si Chief Supt. Ismael Rafanan ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang guest of honor sa nasabing turn-over ceremony na gaganapin sa Camp Tomas Pepito ng dakong 10:00 a.m.
Napag-alamang dadalo sa naturang seremonya si Mayor Carmelo Lazatin.
Matatandaang naupo bilang police deputy city director si Cunanan noong Oktubre 28, at noong Nobyembre 17, siya?y nag-assume bilang City police director.
Sa pagkakatalaga ni Cunanan sa Angeles City police, aasahan na marami itong gagawing big accomplishments.