Monday, October 08, 2007 Sapnu: Pan binalaan ang PDs ukol sa illegal gambling By Ric Sapnu Dateline: Olivas
MULA nang umupo si Chief Superintendent Errol T. Pan, bagong talagang Police Regional Office (PRO) 3 director, marami na itong ginawang direktiba na kabilang sa kanyang "eight-point agenda."
Unang direktiba ni Pan ang pag-atas nito sa mga police provincial director, city police director at maging ang mga "support units" kagaya ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) 3, Regional Intelligence Group at iba pa.
Sang-ayon kay Pan, gusto nito na maging "free from illegal drugs" ang Central Luzon sa lalong madaling panahon.
At dito nakita naman natin na lahat ng kanyang mga provincial police director ay puspusang nagtrabaho talaga dahil halos silang lahat ay mayroong isumiteng mga accomplishment report ukol sa mga nahuhuli na mga illegal drug traffickers at users sa loob lamang ng mahigit isang buwan.
Sa Pampanga, mahigit 100 katao na ang nasasakote ng Pampanga provincial police director na si Senior Superintendent Keith Ernald Singian sa kanyang mga isinagawang "saturation drive" sa bayan ng Mabalacat. Hindi na rin mabilang ang mga sinampahan ng kaukulang kaso sa korte ni Singian.
Matatandaang sa bayan ng Mabalacat umano'y maraming illegal drug trafficker at kapag may nahuli ka dito may mga papalit na iba pang drug traffickers. Ang sabi nga nila parang mga "kabuteng" nagsusulputan.
Ang pangalawang may maraming "accomplishment" ay ang Tarlac provincial police office, sa pamumuno ni Senior Superintendent Nicanor Bartolome, kung saan ilang personalities ng illegal drug trafficker at user ang kanilang naaaresto mula ng sinmulan ang kanilang kampanya laban sa pinagbabawal na gamot.
Pumangatlo ang Bulacan provincial police office kung saan marami na rin itong nasakoteng mga drug pushers at users sa kanyang area of responsibility.
Sa mga provincial police offices ng Bataan, Zambales at Nueva Ecija ay mukhang kokonti ang kanilang nairereport na nahuhuling drug pushers/users sa kanilang kampanya laban sa pinagbabawal na gamot.
Pagkatapos ng direktiba sa illegal drugs, inatasan ni Pan ang lahat ng kanyang police directors sa rehiyon na pag-igtingin ang kampanya laban sa pinagbabawal na sugal partikular ang jueteng operation kung mayroon.
Binalaan din ni Pan ang kanyang mga provincial at city police director at maging mga hepe ng mga police station na hindi ito mangingiming kasuhan ang mga ito kung sila'y mga protektor o sangkot sa mga illegal na sugal sa kanilang area of responsibility.
Sa kampanya ng illegal gambling, kabilang din ang Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) 3 na tumalima sa direktiba ni Pan.
Sang-ayon sa ulat ni Senior Superintendent Guillermo Lorenzo Eleazar, regional officer ng CIDU3, ang kampanya nila laban sa illegal gambling ay tinawagan nilang Oplan Roullete.
Ilan mga "bookies" ng small-town lottery (STL) ang naaresto ng CIDU Pampanga sa pamumuno ni Superintendent Florendo Saligao nitong nakaraang linggo at mayroon pa itong nahuling mga menor-de-edad.
Ang CIDT ng Bulacan sa pamumuno ni Superintendent Archie Posadas mga umano "bookies" ng STL ang kanilang pinaghuhuli sa mga bayan ng Meycauyan, Obando, San Miguel at Malolos City.
Chief Superintendent Pan, sana ipagpatuloy po ninyo ang kampanya laban sa pinagbabawal na droga at maging ang illegal gambling. At sana General huwag sana maging "ningas cogon" lamang ang inyong magandang kampanya upang maging magandang ang imahe ng Central Luzon.
Dolina v. Mendoza
Matagal na ang kontrobersyal at masasabi po nating magaling na si Senior Superintendent Asher Dolina, officer-in-charge ng Bulacan Provincial Police Office.
Matatandaan nang umupo si Bulacan Governor Joselito "Jon-Jon" Mendoza , ibig na nitong tanggalin ang kanyang provincial police director na si Dolina.
Si Mendoza at ilan sa kanyang mga alkalde ay gustong patalsikin si Dolina sa kanyang puwesto dahil tumaas umano ang "crime rate" sa kanyang nasasakupan mula nang ito'y umupo bilang officer-in-charge ng Bulacan Police.
Nguni't ito'y pinabulaanan ni Dolina dahil sa kanyang report mula nang siya'y itinalaga bilang OIC ay bumaba ang bilang ng "Crime Rate" at maging ibang illegal activities sa kanyang AOR.
Noong nakaraang linggo, isang advertisement sa tatlong malalaking national dailies ang pina-publish ni Governor Eddie Panlilio kung saan hiniling nito kay Pangulong Arroyo ang agarang pag-relieve kay Dolina.
Malaking pera ang ginastos ng pamahalaan ng Bulacan ng kanilang pina-diyaryo ang kontrobersyal na si Dolina kung saan hanggang ngayon ay nakikipaglaban ito sa kanyang posisyon.
Si Dolina ay suportado ni Interior and Local Government Secretary Rolando Puno at sinabi pa umano kay Dolina na "stay put."
Maging si Chief Superintendent Pan ay sinuportahan si Dolina bilang pag-upo nito na OIC sa Bulacan Police.
Hanggang sa kasalukuyang hindi magkasundo sina Gubernador at Dolina. Napag-alaman maging ang konting ibinibigay na suporta ng Bulacan goverment sa Bulacan police ay nahinto na rin umano dahil lamang sa gusto nilang ma-relieve si Dolina.
Paano na kaya ang "peace and order" sa Bulacan kung ang dalawang panig ay hindi magkasundo?
Sang-ayon sa IO, si Senior Superintendent Jesus Gatchalian umano ang napipisil na maging provincial police director ni Gov. Mendoza.
Sa mga readers, kailangan po bang umalis na si Dolina sa kanyang puwesto at si Gov ang masunod sa gusto niya? Nagtatanong lang po.
Sang-ayon sa mga nakausap ng mga police officer ng Dateline, "kung ako kay Dolina kusa na akong aaalis dahil hindi ko kapanalig ang gubernador at baka maapektuhan pa ang 'peace and order' sa lalawigan ng Bulacan at siya ang masisi sa bandang huli."