Monday, December 31, 2007 Olivas: Turnover sa TPPO By Ric Sapnu Dateline
NOONG nakaraang Biernes (December 28) naganap ang hindi naasahan na mapalitan na si Senior Superintendent Nicanor Bartolome, Tarlac Provincial Police Office (TPPO) director.
Si Senior Superintendent Rudy Lacadin ang pumalit kay Bartolome bilang Officer-In-Charge ng TPPO. Ang nag-officiate ng turn-over of ceremony ay sina Senior Superintendent Gil Meneses, deputy regional director for operations at Senior Superintendent Danilo Bautista, chief ng Regional Human Resource and Development Division.
Maraming dumalong mga government official at non-government organizations (NGO"s) sa turn-over sa Camp Makabulos sa Tarlac City.
Nang magsalita si Bartolome, pinagmalaki nito ang pagbaba ng "crime rate" sa kanyang nasasakupan maging ang illegal drugs, carnaping incidents at mga pagbuwag sa mga crime syndicate.
Kanya rin ipinagmalaki ang kanyang mga ipinagawang mga bagong building ng Intelligence and Investigation (I&I) at ang pagpapa-ayos ng gate ng kampo at parade ground.
Sa termino ni Bartolome, napaayos din nito ang Administrative Building at iba pang support unit office sa loob ng Kampo.
Maging ang pag-aayos o pagpagawa ng "firing range" ay kanya rin binanggit na kung saan ang kanyang mga PNP personnel sa Kampo ay nakapag-practice ng "firing."
Sa pag-upo ni Bartolome sa TPPO marami itong napaayos sa Kampo kaya bilib ang mga PNP personnel dito dahil siya lamang umano ang nakapagpa-ayos ng Camp Makabulos.
Sa kanyang speech, hindi niya umano magagawa ang lahat ng kanyang sinabi kundi sa tulong ni dating gubernador Jose "Apeng" Yap, kasalukuyang second district Congressman ng Tarlac) at ang iba pang mga mayor at board member.
Naging madamdamin ang huli nitong pananalita dahil "mukhang lumuha" si Bartolome. Ito ba dahil sa "tuwa" o hindi nito maiwan-iwan ang TPPO dahil napamahal na sa kanya maging ang kanyang mga "personnel."
Ang lahat ng mga hepe ng lalawigan ay dumalo din sa nasabing turn-over upang magbigay suporta sa paalis nilang mabait na provincial director.
Ang sabi nga nila sa Dateline, ibang iba si Bartolome sa naging provincial director ng Tarlac dahil marami silang natutuhan sa kanya lalo na ang ginagampanan nilang trabaho.
"Wala daw silang masabi kay Bartolome" kundi pinaka-mabait daw ito, dagdag pa nila.
Si Bartolome na siguro ang masasabi nating ang mayroon pinakamahabang naging termino nito sa TPPO dahil siya'y umabot sa dalawang taon at pitong buwan.
Naging mahaba ang "tour of duty" ni Bartolome dahil sa kanyang mga magagandang "accomplishment" at halos ang lahat ng mga goverment official sa lalawigan ay kanyang kasundo.
Kung tatanungin mo ang mga ito at maging mga PNP personnel sa TPPO ayaw na nilang ma-releave si Bartolome.
Si gubernador Vic Yap ang "guest of honor" ang speaker ng nasabing turn-over.
Nandoon din ang kanyang mga board member, Congressman Bong Lapus ng 3rd district ng Tarlac, Tarlac City Mayor Aro Mendoza, Mayor Noel Villanueva ng Concepcion at marami pang iba.
Si Bartolome ay matatalaga bilang PNP Spokesman sa Camp Crame, papalitan nito si Chief Superintendent Samuel Pagdilao na matatalaga naman sa PRO6.
Ang puwestong pupuntahan ni Bartolome ay pang one Star na kaya magiging Chief Superintendent na rin ito.
Sa inyo Sir Mabuhay po kayo sa bago ninyong "assignment."
Ang Dateline Olivas ay bumabati ng manigong bagong taon sa inyong lahat.