Internet home of Philippine news
Back to homepage
| Bacolod | Baguio | Cagayan de Oro | Cebu | Davao | Dumaguete | General Santos | Iloilo | Manila | Pampanga | Pangasinan | Zamboanga |
 
 
 
 

Google
Web
www.sunstar.com.ph

  Opinion
Malig: Hope and the New Year
Sapnu: CL New Year's celebration 'generally peaceful'
Limlingan: New Year With A Bang

TigerDirect




Thursday, January 03, 2008
Sapnu: CL New Year's celebration 'generally peaceful'
By Ric Sapnu
Dateline: Olivas


NAGING matahimik at maayos ang selebrasyon ng Bagong Taon sa Central Luzon.

Ito ang ipinagmalaki ni Chief Superintendent Errol T. Pan, Police Regional Office (PRO) 3 director, kung saan ayon sa kanya "no untoward serious incidents" in Central Luzon sa pagsalubong sa Bagong Taon ng ating mga kakabayan.

Post your comments here on the Makati siege

Pinagmamalaki rin ni Pan na wala umano ni isang pulis na ginamit o pinaputok ang kanilang service firearms sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Matatandaang bago sumapit ang Bagong Taon, ang lahat ng Philippine National Police (PNP) personnel sa PRO3 headquarters ay nilagyan ng masking tape at may mga lagda nina Senior Superintendent Alfredo Caballes, deputy regional director for administration, at Senior Superintendent Silvestre Primeo, chief ng intelligence.

Sa pagsilyado ng mga service firearms ng PNP, binalaan ni Chief Superintendent Pan na ang sinumang magtangkang gamitin ang kanilang baril sa pagsalubong sa 2008 ay kanyang kakasuhan at posible ring mauwi sa pagsibak sa serbisyo.

Pagkatapos ginawa ang pagsilyado ng mga baril ng mga PNP personnel sa PRO3 headquarters, kinabukasan ay ginawa rin ng mga iba't ibang provincial at city police office sa rehiyon.

Iniulat din ni Pan na maging ang mga reveler sa Central Luzon ay wala rin gaanong grabeng naputukan o nasugatan dahil sa patuloy na kampanya ng Department of Health laban sa paggamit ng malalakas na firecrackers.

Iilan lamang na mga kababayan natin ang naputukan at dinala sa mga iba't ibang ospital sa Central Luzon at ang ibig sabihin nito ay malaki ang ibinaba ng bilang ng mga reveler na naputukan, hindi kagaya ng nakaraang taon, ayon pa kay Pan.

Sinabi din ni Pan na walang tinamaan ng stray bullet sa mga taga Central Luzon.

Ang maaari lamang na malaking insidente ay ang nangyaring pagsabog ng mga firecracker sa Barangay Turo, Bocaue, Bulacan, noong bisperas ng Bagong Taon.

Ilang tindahan ng mga firecracker ang nasunog dahil sa naturang pagsabog. Ang mga ito ay ang Princess, Lenjem, Sky Light, Josie and Jovy, Ding;s Fireworks, Rosalie Navarro fireworks, R.T. fireworks at City Light fireworks.

Tatlo katao ang nasugatan kabilang ang dalawang empleado umano ng GMA7 na nagkataon nagdoroon ng maganap ang pagsabog.

Ang isa pang insidente ng pagsabog ay nang sumabog ang mga nakumpiskang firecracker ng Munoz Police sa komparment ng kanilang Mobile Patrol na Toyota Altis.

Habang binababa ng pulis ang nakumpiskang firecrackers sa naturang kotse bigla umanong sumindi ang isang kwitis at doon nahawa na ang ibang paputok at doon nangyari ang pagsabog.

Halos nasira ang Toyota Mobile Patrol ng Munoz Police sa nangyaring pagsabog ng mga firecracker.

Bukod dito, ayon kay Chief Superintendent Pan wala ng nangyaring malaking "untoward incidents" sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Kaya masasabi natin na "generally peaceful" ang CL sa pagsalubong sa Bagong Taon, malaking pahayag ni Pan.

For more Philippine news, visit Sun.Star Dumaguete.

(January 3, 2008 issue)
Write letter to the editor. Click here.
Join the Sun.Star message board. Click here.




ENETWORK HEADLINE
Boy shoots girl with pa’s gun
ENETWORK NEWS
Palace dismisses opposition's 'term-sharing' proposal
Rebel raid on mine firm violates own truce
Broadcaster nabbed while holding radio program


[return to top] [home] [network page]


Sun.Star Network Online

LOCAL NEWS
BUSINESS
OPINION
SPORTS
LIFESTYLE
FEATURE

RSS FeedRSS Feed


Classified Power Ads

Past Issues

Western Union

I © Copyright 2007 Sun.Star Publishing, Inc. I Contact the website at sunnexatsunstardotcomdotph I