Internet home of Philippine news
Back to homepage
| Bacolod | Baguio | Cagayan de Oro | Cebu | Davao | Dumaguete | General Santos | Iloilo | Manila | Pampanga | Pangasinan | Zamboanga |
 
 
 
 

Google
Web
www.sunstar.com.ph

  Opinion
Malig: Symbols of authority
Sapnu: CIDU3 pinarangalan ni Coronel

TigerDirect




Thursday, January 10, 2008
Sapnu: CIDU3 pinarangalan ni Coronel
By Ric Sapnu
DATELINE: Olivas


NOONG Monday flag-raising ceremony sa Police Regional Office (PRO) 3 headquarters sa Camp Olivas pinarangalan ang tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) 3.

Ang nasabing parangal ay natanggap ni Superintendent Florendo Suligao, field officer ng CIDU3 sa Pampanga kung saan naaresto nito ang isang opisyal ng National Police Commission (Napolcom) dahil umano sa kanyang "extortion activities."

Sun.Star Network Online's coverage of the Sinulog 2008 Festival

Mismong si Napolcom Commissioner Miguel Coronel ang nagbigay ng Napolcom commendation kay Suligao.

Si Coronel ang guest of honor and speaker noong Monday flag-raising ceremony at nagkataon namang nasa National Police Headquarters sa Camp Crame si Chief Superintendent Errol T. Pan dahil sa New Year's Call kay Chief PNP Director General Avelino Razon.

Pinuri ni Coronel si Suligao sa pagkakahuli nito kay Mar Porquirino, head ng technical services division ng Napolcom-Region 3 sa isang entrapment operation sa Angeles City.

Ganoon din pinuri ni Coronel si Senior Superintendent Guillermo Eleazar, CIDU3 regional officer sa magandang trabaho ng kanyang mga tauhan.

Kabilang sa pinarangalan ni Coronel ang anim pang tauhan ni Suligao na kasama nito sa nasabing entrapment operation na naganap sa loob ng isang food-chain sa Robinsons, Balibago, Angeles City, noong Nobyembre 7, 2006.

Si Porquirino ay inaresto ng mga tauhan ng CIDU3 matapos inireklamo ni Gng. Maribel Marzan, asawa ni SPO2 Noel Marzan na nakatalaga sa Nueva Ecija police at binaril at napatay sa isang sabungan noong 2005.

Sa reklamo ni Marzan di makukuha nito ang mga benepisyo ng kanyang asawa na halagang P100,000 kung hindi ito umano magbibigay ng P50,000 kay Porquirino.

At dahil doon, lumapit na si Gng. Marzan sa CIDU3 at doon isinagawa ang entrapment operation laban kay Porquirino.

Sa maikling pananalita ni Coronel, sinabi niya na "that Napolcom wants to cleanse itself of misfits and shall not tolerate its persons on their wrongdoings."

Ipinahayag din ni Coronel na noong siya'y PRO3 director, kusa niyang ne-relieve ang kanyang sarili dahil sa kanyang binitawan na salita noon na "kung hindi ko mapapahinto ang jueteng sa Central Luzon ako'y kusang aalis sa aking puwesto."

Kaya naman maraming humangang police officer at government officials sa kanyang ginawang kusang pag-alis sa kanyang puwesto.

Si Coronel ay naging PRO3 director ito noong 1996 at mahigit lamang siyang walong buwan dahil sa kanyang isang salita.

Congratulations sa CIDU3!

City Ordinance 93-004

Kamakailan, ipinasa ng City of San Fernando ang City Ordinance 93-004 kung saan mahigpit nitong pinagbabawal ang mga tri-wheeler na pumasok sa mismong Poblacion.

Matatandaang matagal nang nirereklamo ng ibang motorista ang mga tri-wheeler na pumapasada sa pangunahing lansangan dahil ang mga ito ay nagiging sanhi ng pagsikip ng daloy ng trapiko.

Ang mga nasabing tri-wheeler ay delikado din sa mga motorista lalo kapag sa gabi na dahil karamihan sa mga ito ay walang mga reflector o ano mang bagay na nagbibigay ilaw sa kanilang di-padyak na behikulo.

Maging sa loob ng Poblacion ay naglipana ang mga tri-wheeler at kung minsan ay nakakasagi pa ito ng mga behikulo at pagkatapos kanilang tinatakasan dahil wala silang pambayad.

Sa City Ordinance 93-004, inaaashan ng mga motorista at iba pang pribadong behikulo na sana ipatupad ng mga opisyales ng City of San Fernando ito.

Kailangan ang paghihigpit sa mga tri-wheeler at dapat palaging mayroong mga Traffic Enforcer na nagbabantay upang di sila makapasok sa loob ng Poblacion.

Kung kinakailangan ang mga tri-wheeler ay ipagbawal na pumasada sa mga pangunahing lansangan at nararapat sa mga subdviison ang mga ito pumasada.

Sa kabila ng nasabing ordinansa, noong isang araw may namataan ang Dateline na pumasadang tri-wheeler sa loob ng poblacion.

Mayroon po bang palakasan o nakakalusot na mga tri-wheeler na nakakapasok sa loob ng poblacion ng City of San Fernando? Nagtatanong lang po ang taong bayan sa inyo.

Sana daw, sang-ayon sa taong bayan, iyong ipinasa ninyong City Ordiance 93-004 ay ipatupad at huwag sana umanong gawin itong Ningas Cogon.

Mayor Oscar Rodriguez paki-imbestigahan po ninyo kung bakit mayroon pang mga tri-wheeler na nakakapasok sa loob ng poblacion sa kabila ng ipinatutupad na City Ordinance 93-004.

For more Philippine news, visit Sun.Star Iloilo.

(January 10, 2008 issue)
Write letter to the editor. Click here.
Join the Sun.Star message board. Click here.




ENETWORK HEADLINE
2 killed, 44 hurt at Black Nazarene feast
ENETWORK NEWS
Gov’t seeks to create Muslim federal region
Councilman, sis-in-law killed in rebel attack
Third suspect on shooting of cops, falls


[return to top] [home] [network page]


Sun.Star Network Online

LOCAL NEWS
BUSINESS
OPINION
SPORTS
LIFESTYLE
FEATURE

RSS FeedRSS Feed


Classified Power Ads

Past Issues

Western Union

I © Copyright 2007 Sun.Star Publishing, Inc. I Contact the website at sunnexatsunstardotcomdotph I