Internet home of Philippine news
Back to homepage
| Bacolod | Baguio | Cagayan de Oro | Cebu | Davao | Dumaguete | General Santos | Iloilo | Manila | Pampanga | Pangasinan | Zamboanga |
 
online flower gift shop to Philippines
 
 
 

Google
Web
www.sunstar.com.ph

  Opinion
Editorial: Alarming incidents
Sapnu: Kontrobersyal na stalls sa Central Terminal ni Mayor Oca

TigerDirect




Thursday, January 31, 2008
Sapnu: Kontrobersyal na stalls sa Central Terminal ni Mayor Oca
By Ric Sapnu
Dateline: Olivas


BUKOD sa naging masalimuot ang nangyaring unang araw ng pagbubukas ng Central Terminal na nasa kahabaan ng Jose Abad Santos Avenue (Jasa), mayroon na naman isang kontrobersya -- ang mga stalls na ang mga nagungupahan ay mga city officials.

Bago natin talakayin kung sino-sino ang mga nagmamay-ari ng mga stalls sa Central Terminal, ibig pa rin ipahatid ng mga commuters at mga negosyante sa City of San Fernando ang kanilang hinaing dahil sa pinatutupad na loading and loading sa kahabaan ng Jasa.

Sun.Star Network Online's coverage of the Sinulog 2008 Festival

Malaking pahirap kay Juan dela Cruz ang nasabing ipinatutupad na bagong traffic scheme dahil kung hindi dalawa ay tatlong beses ito dapat sumakay ng jeep bago makarating sa kanyang pinagtatrabuhan.

Sa maliit na kinikita ni Juan Dela Cruz bilang isang waiter sa isang restaurant na nasa kahabaan ng Jasa, halos P80 ang nauubos sa pamasahe bago ito makarating sa lugar ng kanyang pinagtatrabauhan.

Ito po ang hinaing o reklamo ni Juan sa Dateline. Malaking kabawasan sa kanyang kita ang tatlong beses na pagsakay papunta sa trabaho.

Sabi nga niya, buti pa noong wala pa ang Central Terminal ay isang beses lamang siyang sumasakay ng jeep papunta sa kanyang trabaho at halos P15 lamang ang ginagasta niya sa pamasahe.

Maging ang mga commuter na galing sa Manila ay nagulat sa ipinatutupad na no loading at unloading sa Jasa. Ayon sa kanila, dalawa hanggang tatlong beses din silang sumakay ng jeep bago makarating sa kanilang barangay.

Hindi kagaya noon, pagbaba nila sa Dolores Junction, isang sakay na lang ng jeep patungong kabayanan ng City of San Fernando at maglalakad na lang ng konti ay nasa bahay na sila.

Hindi lang sa dagdag na pasahe sila naiinis kundi pati na rin sa oras na kanilang ginugugol dahil umaabot na sa isa't kalahating oras ang kanilang pag-uwi dahil lamang sa ipinatutupad ng City Government ng No Loading and Unloading sa Jasa.

Sa isang information gathering na isinawa ng Intelligence Officer (IO) ng Dateline, napagalaman na ang lahat ng mga stalls sa Central Terminal ay pag-aaari umano ng ilang mga city officials kabilang ang mga konsehales.

Siguro napag-isipan ng mga opiyales na ito na darating ang araw ay lalakas at kikita sila ng malaki sa kanilang tindahan dahil sa ipinatutupad na new traffic scheme ng City Government kung saan lahat ng mga pampasaherong bus, mini-bus at jeep ay dapat magbaba at magsakay sa terminal.

Ayon sa ating informante, maaaring hindi raw nakapangalan sa mga opisyales ang mga stalls na kanilang inuupahan kundi sa kamag-anak
nila.

Kung totoo nga na ang mga city officials ang nangungupahan sa lahat ng mga stalls sa Central Terminal, hindi po ba isa itong "Monopoly."

Ang pinupunto ng mga negosyante ay bago sana binuksan ang mga stalls ay nagpalathala muna ang City Government para sa inpormasyon ng iba pang mga negosyante na interesado o gustong mangupahan sa mga ito.

Sa isang programa sa CLTV 36, ipinahayag ni City Administrator Fer Caylao na hindi umano totoo na ang mga nangungupahan sa mga stalls sa Central Terminal ay mga konsehal o opisyales ng City Government.

Iyon po ang kanyang paliwanag ngunit karamihan sa mga nakausap ng Dateline ay medyo hindi konporme sa kanyang ipinahayag.

Kung talagang hindi raw ang mga konsehsal o opisyales ang may-ari ng mga stalls ay dapat sana ay isinapubliko muna na may pauupahang puwesto bago binuksan ang Central Terminal. Bakit ngayon pa lang sila nagpapaliwang? Nagtatanong lang po ang taong bayan sa inyo.

24-hour patrol sagot sa karnaping

Mukhang lumalala ang insidente ng karnaping sa City of San Fernando, kung saan dalawang Mitsubishi Pajero na ang naiulat na natangay ng mga karnapers sa loob lamang ng dalawang linggo sa kahabaan ng McArthur Highway, Barangay Dolores.

Naglunsad na ang kapulisan sa siyudad, sa pangunguna ni Superintendent Renato M. Soria ng ng malawakang anti-criminality kagaya ng 24-hour na pagpapatrolya, checkpoints at pinaigting na police visibility.

Inilunsad din ni Soria ang pag-iinspeksyon sa mga parking area ng mga establishments sa lungsod. Pinakiusapan ni Soria ang mga nakatalagang guwardiya sa mga puwesto na mag-ronda sa kani-kanilang parking areas.

Sa pamamagitan ng 24-hour patrolling, tiyak na mahihirapan na ang mga karnapers na gumawa pa ng kanilang ilegal na gawain sa lungsod, pahayag ni Soria sa Dateline.

Maging ang pagtatayo ng maraming checkpoint ay ipinag-utos na ni Soria sa kanyang mga tauhan upang walang maging escape route ng mga karnaper.

Noong Sabado ng gabi, isang Mitsubishi Pajero na pagaari ni Rolando Cortez ng Cortez Trading na nasa General Hizon Street ang kinarnap habang nakaparada ito sa harapan ng San Fernandino Hospital sa kahabaan ng McArthur Highway, Barangay Dolores.

Ang 2003 Pajero na may plakang XMB 623 ay iniwan ni Cortez upang dalawin sa nasabing ospital ang isang kamag-anak. Pagkatapos ng isang oras, wala na ang nasabing sasakyan.

Inireport naman niya kaagad sa Dolores Police Compac 2 station, na wala pang isang kilometro ang layo sa lugar ng pinagyarihan ng karnaping.

Noong Enero 13, isang ring Mitsubishi Pajero model 2005, na pag-aari ni Lilian Basilio ang kinarnap sa kahabaan ng McArthur highway sa Dolores.

Ipinarada ni Basilio ang kanyang sasakyan sa harapan ng isang bangko at nagtungo sa Mely's restaurant upang kausapin ang kanyang mga kaibigan. Laging gulat nito ng wala na ang kanyang sasakyan sa lugar nang siya'y bumalik.

Wala pa sigurong 100 meters mula sa pinagyarihan ng karnaping ang layo
ng Dolores Police Compac 2.

Mukha yatang sinusubukan ng mga karnaper ang bagong hepe ng City of San Fernando police. Si Soria ay dating nakatalaga sa Traffic Management Group bago ito naging hepe ng Mabalacat, Apalit at ngayon sa City of San Fernando.

For more Philippine news, visit Sun.Star Iloilo.

(January 31, 2008 issue)
Write letter to the editor. Click here.
Join the Sun.Star message board. Click here.




ENETWORK HEADLINE
Senate orders arrest of Neri, Lozada over NBN deal
ENETWORK NEWS
3 killed, 27 hurt in GenSan explosion
CA issues injunction on city spray ban
Suspected drug peddler slain in Cebu


[return to top] [home] [network page]


Sun.Star Network Online

LOCAL NEWS
BUSINESS
OPINION
SPORTS
LIFESTYLE
FEATURE

RSS FeedRSS Feed


Classified Power Ads

Past Issues

Western Union

I © Copyright 2007 Sun.Star Publishing, Inc. I Contact the website at sunnexatsunstardotcomdotph I