Thursday, February 07, 2008 Sapnu: Planong protesta ng mga may-ari ng establisyamento By Ric Sapnu Dateline: Olivas
ITO ang sinagot ng ilan sa mga may-ari ng mga establisyamento nang kapanayin ng Intelligence Officer (IO) ng Dateline kamakailan.
Ang sabi nila sa IO, ang kanilang kilos protesta ay bilang bahagi ng kanilang hinaing sa naging epekto ng pagbubukas ng City Central Terminal ni Mayor Oscar Rodriguez.
Masyadong malaki ang naging epekto sa aming negosyo nang buksan ang ang Central Terminal mula noong Enero 16. Halos wala na kaming mga kustomer na kumakain o bumubili sa aming paninda dahil sa implementasyon ng "No Loading and Unloading" along JASA.
Sang-ayon sa isang may-ari ng establisyamento (ayaw magpabanggitng
pangalan), mula umano binuksan ang terminal halos kalahating porsiento ng kanilang "sales" ay bumaba.
Dati nang wala pa ang nasabing Terminal maganda ang takbong ng kanilang negosyo dahil karamihan sa kanilang mga kustomer ay pawing mga pasaherong na sumasakay ng bus at mini-bus, pahayag nila sa IO.
Nguni't nang buksan ni Mayor ang terminal noong Enero 16, ayon sa kanya halos wala nang bumibili o pumapasok sa kanyang tindahan at dahil dito biglang bumaba ang kanilang "sales."
Sabi pa nga niya sa IO, kulang pa ng pambayad sa mga tindera namin ang kita ng tindahan kung hindi mababago ang takbo ng aming negosyo.
Sang-ayon pa sa isang empleyado ng isang establistamento na nakausap ng IO, kung maging tuloy-tuloy ang pagbaba ng sales namin e plano ng may-ari na isara ito.
Sabi pa nga niya, hindi ko nga malaman kung saan ako papasok ng trabaho kapag nagsara ang aming establistamento. Sabi pa niya hindi lang sa negosyo ng boss namin ang naging epekto ang Central Terminal maging sa amin mga empleyado dito ay mawawalang kaming trabaho sa pagsasara nito.
Sang-ayon sa pa sa mga establistamento, kagaya ng Jollibee, KFC, MacDonald, Holiday Land at iba pa ang reklamo nila malaking kabawasan sa kanilang "sales" ang epekto ng Central Terminal.
Pahayag pa nila sa IO, hindi biro ang naging epekto ng Central Terminal sa aming negosyo halos nilamon ang aming sales.
Kaya napagkasunduan ng mga ito ang isang aksyon na planong pagprotesta sa Lunes at itataon sa pagdating ni President Gloria Arroyo sa City of San Fernando na dadalo sa pagdiriwang ng Pampanga High School "Sentenaryo."
Siguro ibig ipakita ng may-ari ng mga establistamento o idulog kay Presidente ang kanilang karaingan sa pagtatayo ng City Central Terminal at ang naging malaking epekto sa kanilang negosyo.
Ano kaya ang gagawin aksyon ng City Government kung matutuloy nga ang planong protesta ng mga may-ari ng mga establistamento? Nagtatanong lang po.
Kailangan pa bang umabot sa ganitong sitwasyon ng City Government at kailangan pa ba ipaabot ng may-ari ng mga establistamento kay President Gloria Macapagal-Arroyo ang kanilang reklamo o karaingan.
Kinakailangan na siguro gumawa ng solusyon ang City Government baka darating ang araw ang mga negosyante sa JASA ay magsialisan na.
Pag-lipat ng mga police officer ng Angeles City Police.
Nang umupo si Senior Superintendent George Gaddi bilang Angeles City police director, mayroon ng ilang police officer ang nagpalipat sa ibang police offices.
Iyong iba naman mga police officer ay nagsifile ng leave, ayon sa IO ng Dateline.
Ano kaya ang dahilan kung bakit nagsisilipat ang mga police officer ng Angeles City police? Iyan po ang malaking katanungan.
Nang tanungin ng IO ang isa sa lumipat na police officer, ayaw nitong magsalita dahil siguro baka siya balikan ng kanyang superior.
Ang iba naman kaya hindi sila makalipat ng ibang police office dahil wala silang mapaglagyan kaya ang ginawa ng mga ito ay nagfile ng leave. Biro isang police officer na leave ng isang buwan na hindi naman dating ginagawa.
Sana makagawa ng paraan ang city director upang hindi lahat ng kanyang mga police officer na may plano bang lumipat ng ibang police office.
Sabi pa ng police officer, mula umupo si Gaddi tumaas umano ang crime index sa lungsod maging carnapping incident.
Dapat sigurong bigyan pansin ni City Director ang pagtaas ng crime index sa kanyang nasasakupan.
Maging ang traffic situation sa Angeles City ay naging grabe umano nang umupo si Gaddi, ayon sa mga motorista.
Buti pa umano noon naayos na ni Senior Superintendent Sonny Cunanan dating City Director ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng Balibago at maging sa kabayanan.