Internet home of Philippine news
Back to homepage
| Bacolod | Baguio | Cagayan de Oro | Cebu | Davao | Dumaguete | General Santos | Iloilo | Manila | Pampanga | Pangasinan | Zamboanga |
 
online flower gift shop to Philippines
 
 
 

Google
Web
www.sunstar.com.ph

  Opinion
Mercado: Asthma is also an ailment
Pangan: Same faith and credit
Sapnu: Problema o sigalot sa operasyon ng quarry

TigerDirect




Monday, March 03, 2008
Sapnu: Problema o sigalot sa operasyon ng quarry
By Ric Sapnu
Dateline: Olivas


MGA sigalot o problema sa quarry operations sa lalawigan ng Pampanga dahil nagkakawendang na ang pamamalakad ng Provincial Capitol?

Matatandaan nang umupo si Governor Ed Panlilio, kanyang ipinahayag na aayusin niya ang koleskyon sa quarry operation at magiging "transparent" ito.

Arroyo Watch: Sun.Star blog on President Arroyo

Itinatag niya ang Biyaya A Luguran at Sisikapan (Balas) na binubuo ng karamihan ay mga "seminarista" umano ang mga opisyales at miyembro nito.

Si Fil Rodriguez ang "head" ang naatasan na maging "head" ng Balas at naging maganda naman ang takbo nito kung saan sa loob umano ng isang araw ay kumikita ang Kapitolyo ng P1.2 milyon.

Ilan buwan na ang nakakaraan, sa hindi maintindihan ng taong bayan ay nagkaroon ng maraming problema o sigalot sa quarry operation kung saan hanggang ngayon hindi na nahinto ang maraming problema sa Capitol dahil sa pamamalakad ng quarry operations.

Ang huling problema ng Kapitolyo ay kung bakit umano ayaw o hindi mabigyan ng quarry permits iyong sinasabi nilang "small-scale quarry operators" sa bayan ng Floridablanca.

Ito'y matapos mapag-alaman kay Floridablanca Mayor Eduardo Guerrero na ayon sa kanya nahihirapan o ayaw bigyan ng quarry permits ang mga maliliit na quarry operator sa kanyang bayan.

Ayon pa kay Guerrero, ang binigyan umano ng pabor ng Kapitolyo ay ang "Palacol Quarry Operator" kung saan walang humpay itong naghahakot na buhangin sa kanyang bayan.

Sa hindi pagbibigay ng quarry permits sa mga "small-scale operator" sa kanyang bayan, sinabi ni Guerrero na naapektuhan ng malaki ang kanilang proyekto dahil sa Kapitolyo.

Noong nakaraang lingo, sa isang committee hearing sa Kapitolyo, ipinahayag ni Board Member Catalina Bagasina na dapat magkaroon ng malalim na imbestigasyon sa mga "aligasyon" ni Mayor Guerrero.

Sinabi pa ni Bagasina na magsagawa ng imbestigasyon ang "legislative body" sa mga pagbibigay ng quarry permits maging sa big o small scale operator, upang malinawan kung ano talaga ang nangyayari sa Kapitolyo kung sila ba ay nagiging "SELECTIVE' na ngayon.

Ito kasi ang duda ni Mayor Guerrero kung saan kanyang ipinahagyag na nagiging "SELECTIVE" umano ang Kapitolyo sa ang pagbibigay ng quarry permits sa mga quarry operators.

Sa Apalit nagkaroon din ng problema sa quarry operations doon kung saan ilang quarry trucks ng isang malapit sa isang opisyales sa Kapitolyo ang naghahakot doon.

Ang pahayag kay Mayor Jun Tetangco ang hinahakot daw nila ay itatambak sa isang paaralan doon nguni't nang puntahan ito ay walang buhangin na sinasabing ibinibigay na libre.

Kaya ang duda baka ang paghahakot ng nagsasagawa ng quarry doon ay ibinebenta ito. Sino kaya ang kumikita dito? Nagtatanong lang po ang taong bayan sa inyo.

Sa mga maraming problema o sigalot na nangyayari sa Kapitolyo ukol sa quarry operations, nagtatanong na ngayon ang taong bayan sa nagpapalakad ng Kapitolyo kung bakit nangyayari ang ganito.

Kung talagang "SELECTIVE" ang Kapitolyo sa pagbibigay ng quarry permits sa mga quarry operator, ang duda tuloy ng taong bayan baka umano may kumikita na sa Kapitolyo. Nagtatanong lang po ang taong bayan sa Inyo.

Dating head ng BALAS nasaan na?

Matatandaang si Fil Rodriguez ang itinalaga ni Governor Ed Panlilio bilang head ng Balas.

Maganda naman ang naging koleksyon ng quarry fees ng Kapitolyo noong ilan buwan ng quarry operations sa ilang bayan sa Pampanga.

Nguni't nitong huling buwan mukhang bumaba ang koleksyon sa quarry fees kung bakit ay isang malaking katanungan na dapat sagutin ng Kapitolyo.

Sa hindi malaman dahilan, napag-alaman ng Dateline, hindi na pala si Rodriquez ang head ng Balas. Maraming nagtatanong kung bakit siya biglang inalis sa kanyang puwesto.

Dahil ba nagkaroon itong problema sa Kapitolyo?

Ito ba ay dahil mayroong isang opisyales ng Balas na nagkaroon ng mga quarry trucks? Nagtatanong lang po.

Si Allan Cunanan ang bagong head ng Balas sa ngayon.

For more Philippine news, visit Sun.Star Manila.

(March 3, 2008 issue)
Write letter to the editor. Click here.
Join the Sun.Star message board. Click here.




ENETWORK HEADLINE
6 people injured in Jolo bomb attack
ENETWORK NEWS
Vidal defends bishops' stand
3 persons probed for 'coddling' rebels
Critics to hold more protests v. Arroyo


[return to top] [home] [network page]


Sun.Star Network Online

LOCAL NEWS
BUSINESS
OPINION
SPORTS
LIFESTYLE
FEATURE

RSS FeedRSS Feed


Classified Power Ads

Past Issues

Western Union

I © Copyright 2007 Sun.Star Publishing, Inc. I Contact the website at sunnexatsunstardotcomdotph I