Internet home of Philippine news
Back to homepage
| Bacolod | Baguio | Cagayan de Oro | Cebu | Davao | Dumaguete | General Santos | Iloilo | Manila | Pampanga | Pangasinan | Zamboanga |
 
online flower gift shop to Philippines
 
 
 

Google
Web
www.sunstar.com.ph

  Opinion
Mercado: Jun Lozada in Pampanga
Pangan: Bull's-eye hit where it hurts
Sapnu: Babala sa mga kumukuha ng driver's license

TigerDirect




Monday, March 31, 2008
Sapnu: Babala sa mga kumukuha ng driver's license
By Ric Sapnu
Dateline: Olivas


NAGBABALA ang Land Transportation Office (LTO) 3 sa mga kumukuha ng driver's license baka mapeke lang kayo kung dadaan kayo sa mga fixer.

Ito ang ipinahayag ni Arnel Abrera, chief ng Law Enforcement Unit ng LTO-3, sa mga reporter ng Camp Olivas Press Society (COPS) matapos maaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) 3 noong nakaraang Huwebes ng umaga sina Dexter Padilla, 33, ng Barangay Sto. Nino at Alexander Morales, 64, ng Barangay San Juan, kapwa sa City of San Fernando.

Arroyo Watch: Sun.Star blog on President Arroyo

Matapos ang tatlong surveillance ng kanyang mga tauhan, ayon kay Senior Superintendent Guillermon Lorenzo Eleazar, CIDU-3, kanilang nasakote ang dalawang fixer.

Sa pamamagitan ng isang entrapment operation, kaagad inaresto ng CIDU-3 si Padilla matapos nitong tanggapin ang marked money na limang pirasong tig-isang daan piso mula kay Jaime Olaco.

Nahuli ang dalawang fixer sa loob ng compound ng LTO-3 sa Barangay Sto. Nino, City of San Fernando.

Narekober mula sa mga suspek ang driver's license sa pangalan ni Jaime Olaco, isang LTO official receipt at ang mga marked money.

Ayon kay Eleazar, si Olaco ang huling nagreklamo sa tanggapan ni Abrera dahil sa paghingi ng mas malaking halaga ng dalawang nahuling fixer sa driver's license na kanyang kinukuha.

Ang dalawang fixer ay humihingi umano ng mula P1,200 hanggang P1,800 sa mga gustong makakuha ng mga driver's license nang madalian at hindi alam ng mga drayber na ang mga ito ay peke pala.

Ang dalawang naarestong fixer ay sinampahan ng kaukulang kaso sa korte at kasalukuyang idinitene sa CIDU-3 na nakabase sa Camp Olivas.

Kaya kayong gustong makakuha ng driver's license nang madalian. Ang ibig nang madalian at walang pagsusulit at drug test ang hindi lang ninyo alam peke pala ang ibibigay ng lisensya sa inyo.

Kayong mga drayber na dumaan sa mga fixer, tingnan ninyong mabuti kung ang inyong driver's license ay hindi peke. Para kayo ay makatiyak ipasuri ninyo sa Database ng LTO-3.

Kayo rin, kapag nahuli kayo ng LTO-3 personnel sa anumang paglabag sa batas trapiko at nasuri ang inyong driver's license na peke, e tiyak huli kayo at puwede pa kayong makulong dahil ang inyong nilabag ay "driving without license."

Mga hinukay ng City of San Fernando Water District

Noong nakaraang buwan nakita ng Inyong Lingkod ang ginagawang paghuhukay ng City of San Fernando Water District sa gilid ng kahabaan ng kalsada sa lungsod.

Mula sa harapan ng Philippine Long Distance Telephone Company hanggang sa may hangganan ng Philippine Life Plan Insurance building ang ginawang paghuhukay.

Ang sementado o aspaltadong kalsada na kanilang hinukay ay hindi man lang inayos ng mga naghukay, bagkus iniwan na lamang na tinambakan lang ng lupa.

Grabe ang ginawa ng mga inatasang maghukay ng Water District dahil sinira nila ang maayos na kalsada at ngayon naging mukhang lubak ito.

Ang hinukay ding kalsada mula sa dating Essel Supermaket sa Consunji Street ay basta na lang din iniwan na nakatiwawang at tinambakan lang ng lupa.

Saan pa kaya gagawa ng paghuhukay ang Water District at pagkatapos ay iiwanan na lang na hindi inaayos.

Dapat siguro kasuhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) regional office ang mga naghukay dahil sinira nila ang sementadong kalsada. Aba hindi biro ang halagang sinira ng Water District. Di po ba?

Kahabaan ng McArthur Highway mula Baliti hanggang Telebastagan grabe

Ano na kaya ang ginawa ang DPWH-Region 3 sa grabeng kalsada mula Barangay Baliti hanggang Barangay Telebastagan, City of San Fernando.

Grabe na po ang nasabing kahabaan ng naturang kalsada lalo kung pauwi ka galing ng Angeles City dahil mula sa Barangay Telebastagan sa harapan ng Total Gas Station ay grabe na ito.

Ang ginawa lamang ng DPWH ay kanyang tinambakan ng aspalto ang mga malalaking butas ng kalasada. Nguni't ang ginawang paglalagay ng aspalto ay hindi maayos. Ang ibang itinambak ay nakaumbok at iyong iba ay medyo malalim pa rin.

Ang dahilan ng pagkakasira ng ating kalsada ay iyong mga quarry truck na araw at gabing dumadaan dito. Karamihan sa mga naghahakot ng buhangin ay pawang "overloaded" na nakaka-apekto sa kalsada.

Kung walang pondo ang DPWH para ayusing mabuti ang nasabing kalsada dapat lamang na magbigay ng pondo ang Provincial Capitol dahil kung hindi sa mga quarry truck hindi masisira ang naturang highway. Di po ba?

Sa laki umano ng koleksyon Capitol sa quarry fees, dapat lamang sila ang magbigay ng pondo sa pagsasa-ayos ng kalsada mula Telebastagan hanggang Baliti.

Sa mga kinauukulan umaksyon naman po kayo.

For more Philippine news, visit Sun.Star Manila.

(March 31, 2008 issue)
Write letter to the editor. Click here.




ENETWORK HEADLINE
Davao to 'hoard' rice if shortage happens
ENETWORK NEWS
Cabinet to invoke SC ruling on executive privilege: Ermita
Sumilao farmers set foot on reclaimed land
Nutrition, food security plans await City's action


[return to top] [home] [network page]


Sun.Star Network Online

LOCAL NEWS
BUSINESS
OPINION
SPORTS
LIFESTYLE
FEATURE

RSS FeedRSS Feed


Classified Power Ads

Past Issues

Western Union

I © Copyright 2007 Sun.Star Publishing, Inc. I Contact the website at sunnexatsunstardotcomdotph I