Friday, April 25, 2008 Sapnu: STL ba ang pagsibak kay Gaddi? By Ric Sapnu DATELINE: Olivas
ISANG malaking katanungan kung ang naging sanhi ba sa ginawang pagsibak kay Senior Superintendent George Gaddi, Angeles City police director, ay ang pag-raid sa STL outlet sa Lourdes Northwest sa Angeles City.
Sa naglabasan na mga peryodiko, lumalabas na nasibak si Gaddi dahil sa ginawang raid ng Angeles Police Force sa STL outlet operated by Lake Tahoe Amusement and Gaming Corp noong Lunes.
Sa nasabing raid sa STL outlet, isang empleyada nito na si Florita Beltran, 36, anim na buwan na buntis, ang tinamaan ng bala nang magpaputok umano ang isang security guard na si Emilio Daperoc, ayon sa report ng Angeles City police.
Dahil nabaril itong si Beltran, isang "factor" din ang ginawang agarang pag-relieve kay Gaddi ni Chief Superintendent Errol Pan, Police Regional Office (PRO) 3 director.
Sang-ayon kay Senior Superintendent Gil Meneses, PRO-3 deputy regional director for operations, "administrative relief" ang ginawang pagtanggal kay Gaddi sa kanyang puwesto dahil sa shooting incident.
Sinabi pa ni Meneses, binuo nila ang Task Force Lake Tahoe upang masusing imbestigahan ang naturang raid na isinagawa ng Angeles City at naging dahilan upang sibakin si Gaddi.
Si Senior Superintendent Silvestre Primero, chief ng Regional Investigation and Detection Management Division (RIDMD), ang mamumuno sa Task Force Lake Tahoe upang imbestigahan ang mga "lapses" na naganap noon.
Pansamantalang itinalaga bilang officer-in-charge (OIC) ni Pan si Superintendent Edilberto Castillo ng Angeles City police. Si Castillo ay dating hepe ng Malolos City police.
"Temporarily relieved" lamang si Gaddi, ayon kay Meneses at puwede o hindi na siya puwedeng bumalik sa kanyang puwesto depende sa resulta ng ginagawang imbestigasyon ng Task Force.
Bukod sa STL raid, marami pang ibang dahilan kung bakit ni-relieve si Gaddi. Ayon sa Intelligence Officer (IO) ng Dateline, kabilang sa mga naging "cause for his immediate relief" ay ang pagtaas ng crime incidents sa kanyang area of responsibility, kagaya ng mga robbery/holdup, snatching, shooting incidents, carnapping at sensational crime ayon sa IO.
Sang-ayon pa sa IO, bukod pa sa pagtaas ng crime rate sa Angeles City, marami pa umanong dahilan kung bakit na-relieve si Gaddi sa kanyang puwesto.
Noong Lunes, ni-raid ng Angeles City Task Force ang nasabing STL outlet sa pamumuno nina Gaddi at Councilor Agapito del Rosario upang ipatupad ang "closure order" ng STL operation dito.
Matatandaan din na-relieve si Senior Superintendent Sonny Cunanan, dating Angeles City police director, dahil din sa ginawang pagsalakay at pagsarado sa STL outlet ng Lake Tahoe.
At si Gaddi ang pumalit sa kanyang puwesto at ngayon siya naman ang sinibak ng PNP.
Mobile Patrol cars binawi?
Gaano katotoo kaya ang balita na binawi umano ng Angeles City Government ang mga Toyota Vios at isang Toyota Innova na ibinigay nito sa Angles City police?
Ito ang napag-alaman ng Intelligence Officer (IO) ng Dateline kung saan nang i-relieve ni Chief Superintendent Errol Pan si Gaddi ang mga kulay blue na patrol cars na ibinigay ng Angeles City Government ay bigla itong binawi.
Sa pagbawi ng mga patrol cars, malamang na tataas ang crime incidents sa Angeles City dahil mawawala ang police visibility ng mga nagpapatrolyang pulis sa lungsod.
Malaking bagay ang mga patrol car na ibinigay ng Angeles City Government dahil ang mga ito'y nakakatulong sa "peace and order" ng lungsod.
Sa pagbawi sa mga patrol car, ano na kaya ang mangyayari sa peace and order situation sa Angeles City, nagtatanong lang po ang taong bayan sa inyo.
Hanggang sinusulat ang kolum na ito, kinukumpirma pa ng Dateline kung talaga bang binawi ang mga patrol car na kulay blue?
Ang tanong po dito, kinakailangan pa bang bawiin ang mga patrol car dahil lamang sa ginawang pagsibak kay Gaddi?
Mga bagong promoted senior superintendents
Noong Abril 10, 2008, 18 superintendents ang na-promote sa next rank (senior superintendent).
Kabilang sa mga na-promote na senior superintendents ay sina Oscar Albayalde ng Regional Police Community Relations Office, Renato Angara ng CIDG, Aaron Aquino ng Police Regional Office (PRO) 11, Nestor Belga (IAS), Eddie Benigay (MG), Leonardo Cesneros (PRO-8), Julio Chavez (IS), Sonny David (MG), Cornelio Defensor (PRO-6), Elmer Doyo (CIDG), Jeoffrey Gigantoca (IAS), Aleto Mirasol (NCRPO), Philip Phillipps (IG), Ernesto Reyes (Avsegroup), Agustin Senot (PNP-TS), Mario Soriano (NCRPO), Alfredo Valdez (NCRPO), at Napoleon Villegas (NCRPO).
Ang promotion ng 18 police officers ay inaprobahan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong Abril 10, 2008.
Sa mga na-promote congratulations sa inyong lahat. Ang mga opisyales at miyembro ng Camp Olivas Press Society (Cops) ay binabati si Albayalde sa kanyang promotion. Sir Congrats.