Internet home of Philippine news
Back to homepage
| Bacolod | Baguio | Cagayan de Oro | Cebu | Davao | Dumaguete | General Santos | Iloilo | Manila | Pampanga | Pangasinan | Zamboanga |
 
online flower gift shop to Philippines
 
 
 

Google
Web
www.sunstar.com.ph

  Opinion
Malig: Trying times continue
Sapnu: Nag leave o na-relieve?

TigerDirect




Thursday, May 08, 2008
Sapnu: Nag leave o na-relieve?
By Ric Sapnu
Dateline: Olivas


SA NASAGAP na impormasyon ng Intelligence Officer (IO) ng Dateline, nagsumite umano ng 15 days leave of absence si Superintendent Renator Soria, hepe ng City of San Fernando police, kamakailan.

Nagsimula umano ang leave of absence ni Soria noong Martes, ayon sa IO.

Arroyo Watch: Sun.Star blog on President Arroyo

Nguni't sinabi ni Singian sa Dateline, ni-relieve niya sa puwesto si Soria "effective Tuesday (May 6)."

Nguni't, napag-alaman na mayroon umanong isinumiteng limang kandidatong maging kapalit ni Soria kay Mayor Oscar Rodriguez. Kasama sa listahan na ibinigay ni Senior Superintendent Keith Ernald Singian, Pampanga provincial police director, sina Superintendents Benjamin Medina, deputy provincial director for administration; Elvis Diaz, deputy provincial director for operations; Gregorio Lim, chief ng Pampanga police intelligence branch; Rolly Mendoza, hepe ng Porac Police Station; at Homer Penencilla, hepe ng Apalit Police Station.

Sa limang superintendent na isinumite ni Singian dapat mimili si Mayor Rodriguez kung sino ang gusto nitong maging hepe ng lungsod kapalit ni Soria na nag-leave umano o na-relieve? Nagtatanong lang po.

Sabi ng police officer, isang "graceful exit" kay Soria ang ginawa nitong pag-leave dahil para naman hindi masabing siya'y ni-relieve.

Matatandaan na binigyan ng 72-oras na ultimatum ni Singian si Soria upang maresolba nito ang nangyaring daylight robbery sa Bank of Porac noong nakaraang linggo.

Umaabot sa P200,000 ang natangay ng tatlong armadong lalaki na nanloob sa Bank of Porac na ilang metro lamang ang layo sa PNP Dolores Community Police Center (Compac) at hindi umano namalayan na may nangyayaring robbery doon.

Nakilala ng Pulisya ang isa sa tatlong robbers na si Charlie John Stevenson na taga Bacolor, Pampanga. Siya'y nakunan ng video at kinilala ng mga bank tellers sa rouge of gallery.

At dahil hindi kaagad nakaresponde ang mga pulis sa Dolores Compac sa nangyaring bank robbery malapit sa kanilang area, ni-relieve sa puwesto ang kanilang chief na si Senior Inspector Rogelio Alocelja.

Tatlong imbestigador ni Alocelja na hindi naman kinilala ang na-relieve din at inilipat sa City of San Fernando police station.

Bukod sa bank robbery incident, marami pa umanong dahilan kung bakit kinakailangang ma-relieve si Soria sa kanyang puwesto, ayon sa isang senior police officer.

Sa limang kandidato sa City of San Fernando Police Station, isa sa kanila ay miyembro ng Philipppine Military Academy (PMA) Class of 1987.

Dalawa sa mga rekomendado ni Singian ang Kapampangan -- sina Mendoza at Penincilla.

Sino kaya ang pipiliin ni Mayor Rodriguez na maging hepe nito?

Maraming naghahangad na mga police officer sa City of San Fernando Police Station dahil ito ba'y isang lungsod o mayroong ibang kadahilanan?

Nagtatanong lang po.

Palparan "no take over"

Ito ang ipinahayag ni Army Ret. Gen. Jovito Palparan sa isang pagtitipon sa Angeles City kung saan karamihan sa kanyang mga bisita ay mga local media.

Nilinaw ni Palparan na walang nangyaring "take-over" sa Masinloc Port sa Zambales noong Abril 29 at ito raw ay isang "legitimate work" sa State Investment House (SIH).

Sinabi ni Palparan, general manager ng 24-Hour Provider Security Agency, na ang kanyang agency ay kinontak ng SIH para sa "safeguard" ng ari-arian kabilang na ang 2.5 hektarya na malapit sa Masinloc port.

Ipinahayag ni Retired General na binantayan lamang ng kanyang mga security guard ang nasabing area at hindi ang Masinloc Port o ang Coto Mining Site, na may layong 27 kilometro sa "stockyard."

Sinabi ng Consolidated Mining Company (CMI) na sila ang may-ari ng Masinloc Port at maging ang 2.5 hektaryang lupain sa Barrio Taltal, Masinloc.

Nguni't ayon kay Palparan bago mangyari ang naturang "take over" humingi sa 24-Hour Provider Security Agency ng mga blue guards upang bantayan ang nasabing area.

"Wala akong inutusan kahit kanino maging sa CIDG o army troops," pahayag ni Palparan.

Sinabi pa ni Palparan na nandoon siya dahil mayroon silang kontrata sa SIH na i-secure ang nasabing ari-arian.

Mariin din nilinaw ni Palparan na walang "take-over" na nangyari sa Masinloc Port o sa nasabing mining site dahil mayroon umano silang koordinasyon sa mga guwardya na dating nagse=secure sa area.

* * * * *

Binabati ng Dateline ang mga anak ni SPO4 Benjie Gallano ng Regional Police Community Relations Office (PRO) 3 na nagkamit ng Gold Medals sa nakaraang Philippine Olympic Festival.

Ang mga nasabing anak ni Gallano ay sina Irving Bryan Gallano na nakakuha ng dalawang Gold sa Badminton singles. At si Patrick Clyde Gallano ay nakakuha ng isang Gold and isang Silver sa Double Badminton.

For more Philippine news, visit Sun.Star Dumaguete.

(May 8, 2008 issue)
Write letter to the editor. Click here.




ENETWORK HEADLINE
Ched sees increase in tuition this year
ENETWORK NEWS
Bank ‘robber’ slain
Garbage spills over to Tuba town
SC orders Landbank to pay landowners


[return to top] [home] [network page]


Sun.Star Network Online

LOCAL NEWS
BUSINESS
OPINION
SPORTS
LIFESTYLE
FEATURE

RSS FeedRSS Feed


Classified Power Ads

Past Issues

Western Union

I © Copyright 2007 Sun.Star Publishing, Inc. I Contact the website at sunnexatsunstardotcomdotph I