Internet home of Philippine news
Back to homepage
| Bacolod | Baguio | Cagayan de Oro | Cebu | Davao | Dumaguete | General Santos | Iloilo | Manila | Pampanga | Pangasinan | Zamboanga |
 
online flower gift shop to Philippines
 
 
 

Google
Web
www.sunstar.com.ph

  Opinion
Editorial: A boon to the sickly poor
Limlingan: Resiliency
Sapnu: Gobernor Panlilio pinipilit maupo si Binag

TigerDirect




Thursday, May 15, 2008
Sapnu: Gobernor Panlilio pinipilit maupo si Binag
By Ric Sapnu
DATELINE: Olivas


MATATANDAAN nang maupo si Gob. Eddie Panlilio, sinabi nito na kinakailangan umanong mapalitan ang nakaupong Pampanga Provincial Police Office (PPPO) director.

Mga ilang buwan nang nakakaupo si Panlilio, isang grupo nito (Gob) ang nagsagawa umano ng pananaliksik sa mga Police Senior Superintendents upang maging provincial police director ng Pampanga Police at napili ng grupo si Sr. Supt. Cezar Binag, na miyembro ng Philippine Military Academy Class of 1987.

Arroyo Watch: Sun.Star blog on President Arroyo

Nguni’t ang “request” ni Gob ay hindi napagbigyan ng Police Regional Office (PRO) 3 kaya hanggang ngayon “status quo” si Sr. Supt. Keith Ernald Singian, bilang officer-in-charge ng PPPO.

Matapos na hindi naging matagumpay ang “request” ni Panlilio, hindi na siya kumibo sa ilang buwan na nakalipas.

Subalit noong nakaraang buwan, nabuhay muli ang kontrobersyal na si Binag kung saan hiningi pa umano ni Panlilio kay Chief Supt. Errol T. Pan, PRO-3 director, na maupo ang kanilang “choice.”

At dahil hindi umano inaaksyunan ni Pan ang naturang “request” ni Panlilio, kamakailan lamang siya (Gob) pumunta sa PNP National Headquarters sa Camp Crame, Quezon City at personal na iniabot nito ang kanyang “request letter” kay PNP Chief Avelino Razon Jr.

Sa ginawa ni Gob, mukha umanong gustong obligahin nito si Razon sa agarang pag-install kay Binag bilang Pampanga provincial police director.

Subali’t hanggang sa kasalukuyan wala pa ring ginagawang aksyon ang nakakataas sa PNP National Headquarters.

Sang-ayon sa mga police officer na nakausap ng Dateline, isang malaking kadahilanan kaya hindi mapagbigyan ng PNP si Gob dahil masyadong “Junior” pa si Binag sa nasabing posisyon at marami pang ibang mas Senior Police Officer sa kanya.

Dapat, ayon sa mga police officer, mauna muna ang mga Class 84, 85 at 86 na maupo sa mga provincial police office.

Kailangan umanong maghintay muna si Binag sa kanyang “termino” upang hindi masira ang sinasabing policy na seniority sa mga police officer, ayon sa kanila.

Sabi pa nga nila, marami namang “qualified” na mga senior police officer na puwedeng pagpilian ni Gob. Panlilio.

At ang isa pang dahilan, ayon pa sa kanila, hindi papayag ang Senior Police Officer Placement Board (SPOPB) committee na “junior” police officer ang uupo sa Pampanga provincial police office.

Sisirain umano ni Binag ang sinusunod na alituntunin ng SPOPB at kung sakaling ipagpipilitan ni Gob si Binag maraming mas Senior Police Officer ang magtatampo o magagalit sa kanya.

Panlilio iginiit muli si Binag noong Monday flag raising

Noong Monday flag raising ceremony (May 12) na ginanap sa PRO-3 headquarters sa Camp Olivas, naging “guest of honor” and “speaker” si Gob. Ed Panlilio.

Pagkatapos ang naturang flag raising, isang mensahe ang binasa ni Superintendent Baltazar “Jun” Mamaril, chief ng Regional Public Information Office (RPIO) 3 at tinalakay ang “Seniority Lineal List” kung saan binabase ang “placement sa mga key positions” at mga performance ng isang iuupo sa maganda o mataas na puwesto.

Sa pamamagitan ng “Seniority Lineal List” maaalis ang sinasabing “Palakasan or Bata-Bata system” at “political patronage” sa pagtalaga ng mga Senior Police Officer sa mga matataas na puwesto sa PNP.

Mukhang pinatamaan si Gob sa binasang mensahe dahil ang punto ng message ay kailangan dadaan sa seniority ang kailangan maupo sa Pampanga Police at hindi pa napapanahon si Binag.

Isang maikling mensahe din ang sinabi ni Gob at dito dalawang beses nitong binanggit ang pangalan ni Binag na mukhang gusto pa rin nitong igiit na maupo sa Pampanga Police.

Kaya matapos magsalita si Gob maraming kuro-kuro ang kumalat sa Camp Olivas kung saan sabi nila kung ipagpipilitan nito (Gob) si Binag ang resulta nito ikakasira ng Seniority Lineal List ng PNP na matagal na itong sinusunod kahit sino pang maupong Chief PNP.

Sabi pa ng mga police officer, bakit hindi mamili ng isang Senior Superintendent na Kapampangan si Gob at kinakailangan pa nitong maghanap ng hindi taga Pampanga? Nagtatanong lang po sila.

For more Philippine news, visit Sun.Star Iloilo.

(May 15, 2008 issue)
Write letter to the editor. Click here.




ENETWORK HEADLINE
Palace: Arroyo met ZTE officials in China
ENETWORK NEWS
Text hoax on earthquake stirs panic
20 families evacuated from Sinsin
Priest killer's group declares war vs NPA


[return to top] [home] [network page]


Sun.Star Network Online

LOCAL NEWS
BUSINESS
OPINION
SPORTS
LIFESTYLE
FEATURE

RSS FeedRSS Feed


Classified Power Ads

Past Issues

Western Union

I © Copyright 2007 Sun.Star Publishing, Inc. I Contact the website at sunnexatsunstardotcomdotph I