Internet home of Philippine news
Back to homepage
| Bacolod | Baguio | Cagayan de Oro | Cebu | Davao | Dumaguete | General Santos | Iloilo | Manila | Pampanga | Pangasinan | Zamboanga |
 
online flower gift shop to Philippines
 
 
 

Google
Web
www.sunstar.com.ph

  Opinion
Mercado: Wild dog chase
Pangan: Rendition
Sapnu: Crime incidents sa Tarlac nakaka-alarma na?
Hizon: A full-filling experience at Everybody's Café

TigerDirect



Monday, July 07, 2008
Sapnu: Crime incidents sa Tarlac nakaka-alarma na?
By Ric Sapnu
Dateline: Olivas


NITONG nakalipas na buwan, marami nang shooting, holdup at carjacking incidents ang naiuulat na nangyayari sa lalawigan ng Tarlac.

Sang-ayon sa mga reporter na nagkokober sa Tarlac Provincial Police Office (TPPO), kadalasan ang nakikita nilang report ay pawang mga insidente ng pamamaril, holdup at maging carjacking. At kung minsan hindi pa umano nire-report.

Arroyo Watch: Sun.Star blog on President Arroyo

Marami na umanong nababahalang mga Tarlaquenos sa mga crime incidents sa kanilang lalawigan dahil ang mga ito ay hindi nareresolba umano ng pamunuan ng TPPO.

Nitong nakaraang buwan ng Hunyo, maraming naiulat na holdup incidents sa mismong city proper ng Tarlac City na kung saan ilan na ang naging biktima ng motorcycle riding gunmen na usually in tandem.

Hindi biru-biro ang ginagawa nilang panghoholdup dahil kapag ang kanilang nabibiktima ay pumapalag o ayaw ibigay ang kanilang cash money, hindi sila nagdadalawang isip na barilin ito.

Opo, ganito na katindi ang mga holdupper sa Tarlac, wala silang takot sa mga kagawad ng pulisya dahil kahit na sa "broad daylight" nagbibiktima ang mga ito, sang-ayon sa mga concerned citizen.

Ang latest, na naging biktima ng mga gunmen riding in tandem ay ang isang businessman na kagagaling lamang na mag withdraw sa bangko ng halagang P100,000 na hinoldup sa Tanedo Street sa city proper.

Noong Hunyo 23, isang pang naholdap ay si Rogelio Manalan, 36, ng Barangay Pinasling, Gerona, Tarlac. Pagkatapos mag-withdraw ng halagang P100,000 si Manalan sa Metro Bank, Paniqui, Tarlac habang pauwi noon sakay ng kanyang motorsiklo ay hinarang ito ng two armed men riding on tandem at sapilitan kinuha sa kanya ang pera.

Ang latest na masaklap dito ay ang nangyaring panghoholdap sa isang overseas Filipino worker (OFW) na si Susan Alonzo, 42, ng Poblacion, Camiling, Tarlac na binaril pa.

Si Alonzo, kasama ang kanyang asawa at anak, ay nagdeposito sa Metro Bank Camiling branch at sa ilan sandali lamang, nag-aya ang kanyang anak na babae upang bumili ng softdrinks sa isang tindahan malapit sa bangko. At doon sa harap ng tindahan, hinoldup ng dalawang motorcycle-riding men ang biktima at dahil ayaw ibigay ni Susan ang bag niya, siya ay binaril.

Umaabot sa halagang P200,000 cash at P100,000 assorted jewelry ang natangay ng mga suspek sa nasabing OFW. Ang biktima ay namatay habang ginagamot sa ospital.

Ang masakit dito natulala umano ang anak ng biktima dahil nasaksihan niya mismo ang pagbaril ng mga suspek sa kanyang ina.

Ito lamang po ang ilan sa mga crime incidents na naiuulat sa lalawigan ng Tarlac nitong nakaraang buwan hanggang sa kasalukuyan.

Marami pa umanong mga insidente ng panghoholdap ang hindi pa umano naiulat ng pulisya na nangyayari sa Tarlac. Kaya nababahala na ang mga Tarlacquenos sa mga sunud-sunod na holdup incidents sa kanilang lalawigan.

Bakit ang mga nangyaring mga robbery/holdup incidents at iba pang crime related incidents sa Tarlac ay wala pa umanong ni isaang nareresolba ang Tarlac Police. Nagtatanong lang po ang mga Tarlacquenos.

Buti pa noong si Senior Superintendent Nicanor Bartolome ang TTPO director, tahimik ang lalawigan ng Tarlac at kung sakaling mayroon crime incidents ay nalulutas nito kaagad.

At sa kanyang administrasyon, halos lahat ng kanyang Kapulisan ay nagtatrabaho sa kanilang area of jurisdiction at iilan lamang ang naiuulat na mga crime incidents sa lalawigan.

Marami pa umanong naging "big accomplishments" si Bartolome na na-promote na kamakailan bilang Director at siya ngayon ang Public Information Officer ni Chief PNP Director General Avelino Razon.

Sa ilalim din ng administrasyon ni Bartolome napaayos nito ang Kampo ng TPPO at siya lamang ang nakagawa nito.

Kailan kaya kikilos ang Tarlac Police sa mga nangyayaring crime incidents? Nagtatanong lang po.

Ang panawagan ng mga Tarlacquenos, partikular ng mga negosyante, ay sana gawan ng "AKSYON" ni Chief Superintendent Errol T. Pan, Police Regional Office-3 (PRO3) ang lumalalang holdup, shooting at iba pang crime incidents sa lalawigan ng Tarlac.

For more Philippine news, visit Sun.Star Manila.

(July 7, 2008 issue)
Write letter to the editor. Click here.




ENETWORK HEADLINE
House inquiry on Stars starts
ENETWORK NEWS
Basilan power firm given ultimatum to raise ransom
Palace denies chasing anti-admin groups
NPA's propaganda unit allegedly entered Davao City


[return to top] [home] [network page]


Sun.Star Network Online

LOCAL NEWS
BUSINESS
OPINION
SPORTS
LIFESTYLE
FEATURE

RSS FeedRSS Feed


Classified Power Ads

Past Issues

Western Union

I © Copyright 2007 Sun.Star Publishing, Inc. I Contact the website at sunnexatsunstardotcomdotph I