Internet home of Philippine news
Back to homepage
| Bacolod | Baguio | Cagayan de Oro | Cebu | Davao | Dumaguete | General Santos | Iloilo | Manila | Pampanga | Pangasinan | Zamboanga |
 
online flower gift shop to Philippines
 
 
 

Google
Web
www.sunstar.com.ph

  Opinion
Mercado: Pres. Benigno Ricafort of CDC
Sapnu: I text mo si PD at Hepe, aksyon agad

TigerDirect



Monday, August 18, 2008
Sapnu: I text mo si PD at Hepe, aksyon agad
By Ric Sapnu
Dateline: Olivas


NOONG nakaraang Huwebes, inilunsad ni Senior Superintendent Keith Ernald Singian, provincial director ng Pampanga Provincial Police Office (PPO), ang "I-text mo si PD at HEPE, aksyon agad."

Kabilang sa inilunsad ni Singian ang Anti-Kotong Dialogue na ginanap sa Bale Katimawa (Freedom Hall) sa loob ng PPO compound.

Visit the Beijing Olympics 2008 blog

Halos lahat ng mga barangay captain, kabilang ang kanilang ilang konsela ang at ilang media personalities, ang dumalo sa nasabing dayalogo na nagsimula ng dakong 2:00 p.m. at nagtapos ng 4:30 p.m.

Si Alfrito "Bong" D. Mah, Assistant Governor ng Rotary Club 3709, ang guest of speaker and honor na nag-lecture ukol sa paglulunsad ng I text Mo Si PD at Hepe.

Nilinaw ni Mah ang importansya sa pagbibigay ng report kay PD sa pamamagitan ng text upang mahinto o masugpo ang di-umano'y pangongotong sa kalsada, partikular iyong nasa traffic unit.

Sa pamamagitan ng text magdadalawang isip ang mga umano'y Kotong Cops na ipagpatuloy ang kanilang ilegal na gawain.

Sumunod namang nagsalita si Superintendent Wilson Santos, deputy provincial director for operations, sa mga naging "accomplishments" ng PPO mula nang maupo si Singian.

Si Chief Inspector Virginia Miguel, chief ng investigation branch ng PPO, ang nagbigay paliwanag ukol sa mga aktibidades kaugnay sa Kotong. Malinaw ang paliwanag ni Miguel ukol sa nasabing topic.

Sang-ayon kay Singian, sa pamamagitan ng I Text Si PD at Hepe ay mapapabilis ang aksyon ng Kapulisan sa mga Kotong at higit sa lahat ang pagresponde sa nagaganap na krimen.

Magiging epektibo ang nasabing programa ni Singian kung ang lahat ng mga "concerned citizens" ay makikipagtulungan sa Kapulisyan.

"Kung ang lahat ng ating kababayan ay mayroon concern, natitiyak ko na masusugpo natin kaagad ang krimen sa lalawigan," ayon pa kay Singian.

Para sa reklamo sa mga abusadong pulis, i text lang po si Singian sa # 0917-2095219, ang mga cellphone numbers ng mga Hepe ay sa susunod na kolum po natin ililista.

Ang tanong naman ng mga drayber na nakausap ng Dateline, papaano naman kung ang isang Traffic Enforcer ng City of Government ay abusado kanino naman po namin puwedeng i text, kay PD po puwede rin ba?

Kung hindi puwede kay PD, maaari daw ibigay ang cellphone # ng namamahala sa mga Traffic Enforcer upang ma-text din nila ang mga abusadong Traffic Enforcer.

* * * * *

Anim na police patrol vehicles, 2 motorsiklo pinamigay

Personal na sinaksihan ni Representative Juan Miguel "Mikey" Arroyo (second district of Pampanga) ang distribution ng limang Toyota Altis, isang Toyota Hi-Lux pick-up at dalawang motorcycle na ginanap sa Police Regional Office (PRO) 3 headquarters noong Biyernes.

Kasamang dumating ni Arroyo ang anim na alkalde ng lalawigan sa nasabing distribution of patrol vehicles.

Kasabay ng distribution of patrol vehicles ang groundbreaking ceremonies ng Regional Crime Laboratory at Resident Auditors' buildings.

Ang nasabing mga police vehicles ay ibinigay ng PNP National Headquarters, Camp Crame sa PRO3 sa inisyatiba ni Representative Arroyo, ayon kay Chief Superintendent Errol T. Pan, PRO3 director.

Dumating din sa nasabing groundbreaking ng Regional Crime Laboratory si Director Arturo Cacdac, head ng PNP Crime Laboratory, Camp Crame.

Ang mga patrol vehicles ay ibibigay sa mga police station ng Porac, Sta. Rita, Guagua, Floridablanca, Magalang at Arayat, ayon kay Pan.

Ang dalawang Honda motorcycles ay sa City of San Fernando Police na kung saan personal na tinanggap ni Superintendent Benjamin Medina, hepe ng lungsod.

Sinabi ni Pan na nag-release ng P3.6 milyon ang PNP Trust Funds sa Camp Crame para sa inisyal na pondo sa kunstruksyon ng nasabing dalawang gusali.

Sa mga nakatanggap ng mga bagong patrol cars, sana inyo pong iayos ang maintenance nito upang hindi ito maluma kaagad.

At sana ang mga nasabing patrol cars ay gamitin po ninyo sa police activities at hindi sa personal.

For more Philippine news, visit Sun.Star Manila.

(August 18, 2008 issue)
Write letter to the editor. Click here.




ENETWORK HEADLINE
7 killed, 12 wounded in ambush
ENETWORK NEWS
Veco to lose P100M on system loss cap
Bomb explodes near Mlang mayor's house
Firms ask Cebu City to solve boundary row


[return to top] [home] [network page]


Sun.Star Network Online

LOCAL NEWS
BUSINESS
OPINION
SPORTS
LIFESTYLE
FEATURE

RSS FeedRSS Feed


Classified Power Ads

Past Issues

Western Union

I © Copyright 2007 Sun.Star Publishing, Inc. I Contact the website at sunnexatsunstardotcomdotph I