Internet home of Philippine news
Back to homepage
| Bacolod | Baguio | Cagayan de Oro | Cebu | Davao | Dumaguete | General Santos | Iloilo | Manila | Pampanga | Pangasinan | Zamboanga |
 
online flower gift shop to Philippines
 
 
 

Google
Web
www.sunstar.com.ph

  Opinion
Editorial: Marooned
Sula: Touched by a hero
Sapnu: Hanggang kailan ang protesta ng Balas Boys?

TigerDirect



Thursday, August 21, 2008
Sapnu: Hanggang kailan ang protesta ng Balas Boys?
By Ric Sapnu
DATELINE: Olivas


MATATANDAANG nagsimula noong Agosto 11 ang protest action ng Biyaya a Luguran at Sisikapan (Balas) boys.

Hanggang kahapon, nakita ng Dateline na patuloy pa rin ang ginagawang pakikibaka ng Balas boys upang mapaalis ng mga ito si Atty. Vivian Dabu, provincial administrator ni Gov. Ed Panlilio.

Visit the Beijing Olympics 2008 blog

Mahigit sa 25 empleyado ng Balas ang nagsagawa ng kanilang protest rally sa harapan ng Provincial Capitol noong Agosto 11. Nguni't ang mga ito ay pinapa-disperse ni Panlilio dahil ilegal umano ang kanilang ginawa at wala silang permit mula sa City Government.

Sa bandang huli, nahikayat ng Philippine National Police (PNP) sa pamamagitan ng pakikidayalogo ni Supt. Benjamin Medina, officer-in-charge ng lungsod.

Sa pamamagitan ni Medina, nakipag-usap ang mga Balas boys kay Sr. Supt. Keith Ernald Singian, Pampanga provincial police director, at ang mga ito ay lumipat naman sa malapit sa kalsada sa may bakuran pa rin Kapitolyo.

Ginawa ni Singian ang paghikayat sa mga Balas boys na umalis sa harapan ng Kapitolyo at lumipat sa ibang lugar dahil na rin sa direktiba ni butihing Gov. Panlilio.

Sa pangatlong araw ng Balay boys sa protest action, dumalo doon si Pampanga Chamber of Commerce (PanCham) president Rene Romero upang magibigay ng kanyang suporta sa grupo.

Dumating din ang dating kongresita ng Bulacan na si Willie Villarama para ipakita sa Balas boys ang kanyang suporta. Biro po ninyo ang layo pa ng pinanggalingan ni Villarama ay pumunta pa sa Pampanga upang magpakita lamang ng kanyang suporta sa Balas Boys.

Bukod sa nabanggit na personalities, marami pa ring mga dating supporter ni Panlilio ang nagbigay suporta sa patuloy na ginagawang protest action ng Balas Boys.

Umulan man o umaraw, nandoon pa rin ang Balas Boys at patuloy sa kanilang protesta laban kay Dabu na in-charge sa Task Force quarry kung saan nasa pamamahala niya ang Balas.

At upang maging epektibo ang protesta ng mga ito, naglunsad ang Balas Boys ng signature campaign para sa madaliang pagbibitiw ni Dabu sa kanyang puwesto.

Si Villarama ay kabilang sa mga lumagda sa signature campaign at pagkatapos marami na rin mga dating supporter ni Panlilio ang boluntaryong lumagda upang mapatalsik umano si Dabu sa Kapitolyo. Ang tanong po ng taong bayan, sa pamamagitan ba ng signature campaign for the ouster of Dabu ay kusa ba itong aalis sa kapitolyo? Iyan po ang malaking tanong.

Matatandaan na sinabi ni Dabu na hindi ito magbibitiw sa kanyang tungkulin bilang administrator ni Panlilio kung saan mayroon itong sinabi sa interview sa CLTV-36 na "only God" can make her resign.

Bilang reaction ng Balas Boys, ayon sa kanila, "the voice of the people is the voice of God."

Sa pahayag ng magkabilang panig sino kaya sa kanila ang mananalo? Magbibitiw kaya si Dabu o kaya sila (Balas Boys) ang talunan.

Ang tanong ng taong bayan, hanggang kailan magsasagawa ng protest action ang Balas Boys? Hindi ba sila hihinto hangga't di magbibitiw si Dabu?

Ang biro ng police officer sa Dateline, kung gusto nilang mapaalis si Dabu sa Kapitolyo dapat mauna umano si butihing gubernador.

Zero crime rate sa City of San Fernando

Mula nang nagtalaga si Supt. Benjamin Medina, hepe ng City of San Fernando Police, ng mga pulis sa kahabaan ng McArthur Highway wala na umanong nangyaring krimen.

Ito ang ipinahayag ni Medina kung saan kanyang ipinagmalaki na mahigit nang isang buwan na walang matinding krimen na nangyayari sa kanyang area of responsibility.

Ang mga itinalagang pulis mula sa Barangay Telabastagan hanggang Poblacion ng lungsod ay halos 12 oras ang mga ito na nagdu-duty sa kanilang area.

Naging epektibo ang mga pulis na nakadeploy sa mga kanto sa kahabaaan ng pangunahing kalsada kasi buhat noon ay medyo nag lay low ang mga lawless elements na gustong gumawa ng kalokohan sa lungsod.

Maging ang patuloy na isinasagawang checkpoint ng PNP sa mga motorcycle riding in tandem ay isa na rin sa naging dahilan kaya maganda ang peace and order sa lungsod, ayon pa kay Medina.

Ang kulang lamang sa City Police Station ay iilan lamang ang kanilang patrol cars na umiikot sa lungsod.

Matatandaan na ipinangako umano ni City Mayor Oscar Rodriguez na magbibigay ito ng 10 Toyota Hi-Lux pick-up sa kapulisan nguni't hanggang ngayon ay wala pa umano ni isang pick-up. Nagtatanong lang po.

For more Philippine news, visit Sun.Star Iloilo.

(August 21, 2008 issue)
Write letter to the editor. Click here.




ENETWORK HEADLINE
Territorial deal signing suspended
ENETWORK NEWS
9 hurt in Zambo grenade explosion
All-out war against MILF ruled out
Talisay City’s boat used for ‘joyride’


[return to top] [home] [network page]


Sun.Star Network Online

LOCAL NEWS
BUSINESS
OPINION
SPORTS
LIFESTYLE
FEATURE

RSS FeedRSS Feed


Classified Power Ads

Past Issues

Western Union

I © Copyright 2007 Sun.Star Publishing, Inc. I Contact the website at sunnexatsunstardotcomdotph I