Internet home of Philippine news
Back to homepage
| Bacolod | Baguio | Cagayan de Oro | Cebu | Davao | Dumaguete | General Santos | Iloilo | Manila | Pampanga | Pangasinan | Zamboanga |
 
online flower gift shop to Philippines
 
 
 

Google
Web
www.sunstar.com.ph

  Opinion
Editorial: Of autocracy, mobocracy and sanctity
Mercado: PGMA, Among Ed compared
Pangan: Building with a conscience
Sapnu: Panlilio history sa Pampanga?

TigerDirect



Monday, September 01, 2008
Sapnu: Panlilio history sa Pampanga?
By Ric Sapnu
DATELINE: Olivas


NANG manalo si butihing Gubernador Eddie Panlilio sa nakaraang eleksyon, ang sabi ng lahat ay isang "history" sa Pampanga na isang pari ang nagging gubernador ng probinsya.

Ang sabi pa nila, si Panlilio lamang daw ang tumalo sa dalawang dambuhalang kalaban nito sa pulitika na sina dating Board Member Lilia Pineda at dating Gob Mark Lapid.

Visit the Beijing Olympics 2008 blog

Sina Pineda at Lapid ay popular sa mga Kampampangan dahil pareho silang naging government officials ng Pampanga. Lalo na si Pineda na kilalang matulungin sa kapwa lalo na noong sila'y nakaupo sa kani-kanilang mga puwesto.

At ngayon isang "history" na naman ang mangyayari sa Pampanga dahil sa unang pagkakataon ngayon lamang nagkaroon na "recall move" laban kay Panlilio.

Kung makakalap ng 100,000 signatures ang Kambilan at matapos maberipika ng Comelec provincial level ang mga ito ay siguradong tuloy na tuloy ang eleksyon sa pagka-gubernador.

Sa nakikita po natin sa ngayon, karamihan sa mga pulitiko sa Pampanga ay sumusuporta na sa recall petition na inilunsad ng Kapanalig at Kambilan Deng Memalen Pampanga (Kambilan).

Nito lamang nakaraang Martes, ang ating Bise-gubernador Joseller "Yeng" Guiao at 10 Board Members ay nagpahayag ng buong suporta sa recall petition.

Lahat sila ay nilagdaan ang recall petition forms sa ginanap na isang press conference sa Max’s Restaurant sa City of San Fernando.

Nasaksihan ng Dateline ang nasabing lagdaan at dahil 12 pages ang nasabing recall petition form, 12 beses silang nagsipirma.

Ang absent sa mga board member ay si Catalina Bagasina at J.Q. Quiambao. Si Bagasina kaya di siya umano nakarating dahil kasama nito si Pangulong Arroyo samantalang si Quiambao ay nasa ibang bansa.

Subali't tiniyak ni Guiao na buo din ang ibibigay na suporta ni Bagasina sa recall move.

Noong nakaraang Biernes, lumagda na rin ang dating number 1 supporter ni Panlilio na si Lolita Hizon, may-ari ng Pampanga's Best.

Sa kanyang paglagda sa recall petition form ay kasamang sumaksi ang kanyang mga kabarangay at kanyang hinakayat na suportahan din ang recall move laban kay Gob. Panlilio.

Ipinahayag ni Hizon na "she regrets supporting Panlilio in his election campaign." Ang ibig bang sabihin nito, siya'y nagsisi umano sa buong suporta na ibinigay ni Hizon kay Panlilio partikular na sa aspetong "financial."

Matatandaan na binatawan ni Hizon ang kanyang suporta kay Panlilio dahil umano sa hindi maayos na pamamalakad nito sa Provincial Capitol.

Isa pang kilalang supporter ni Panlilio na si Rene Romero, presidente ng Pampanga Chamber of Commerce (PanCham), ang nagpahayag na rin ng buong suporta sa recall move.

Sang-ayon kay Rosve Henson, presidente ng Kambilan, maging ang Pampanga Mayors' League ay ibinigay na rin nila ang suporta ng mga ito sa recall petition.

At sang-ayon pa kay Henson, marami na ring mga negosyante na dating sumuporta kay Panlilio ang nagpahayag na rin ng buong suporta sa recall move.

Kapag natuloy ang eleksyon sa pagka-gubernador sa Pampanga, isang "history" na naman ang magaganap sa lalawigan dahil sa kanya (Panlilio) pa lamang nagawa ito. Di po ba isang "history" ito?

80 porsiento pabor sa recall petition

Sa isinagawang survey ng ilang kaibigan ng Dateline, lumilitaw na marami umano ang pabor sa recall petition.

Umaabot sa 55 na respondents ang tinanong ng mga nag-survey kung saan sa sumatotal ay halos 80 porsiento sa kanila ay talagang pabor na magkaroon ng eleksyon sa pagka-gubernador.

Sang-ayon sa mga respondent, kabilang ang mga housewife, teachers, government employees at students, dahil marami na ang nangyayari umanong gulo sa Kapitolyo at karamihan sa mga pulitiko ay walang kasundo si butihing gubernador, mas maganda na umano na matuloy ang recall petition laban sa kanya.

Karamihan sa mga napagtanungan ng nag-survey ay bumoto kay Panlilio noong nakaraang eleksyon at ngayon sila'y nagsisisi umano dahil sa nakikita nilang kaguluhan sa Kapitolyo.

Dito malalaman kung gusto pa ng mga Kapampangan si Panlilio at mawala ang agam-agam na hindi maayos ang kanyang pamumuno ngayon sa lalawigan.

Ang sabi pa ng ilang mga respondent, sa mahigit na isang taong pamumuno ni Panlilio sa Kapitolyo ay wala rin umanong substansyal na nangyari sa sinasabi nitong pagbabago.

Sabi pa nila na ang mga mahihirap ay mukhang walang puwang na umakyat sa Kapitolyo.

Ang 20 porsiento naman ng mga respondent ang nagsabi na bakit hindi na lang patapusin ni Panlilio ang kanyang termino dahil malapit na rin ang 2010 eleksyon.

Sabi pa nila, bakit hindi bigyan "chance" si Panlilio dahil baguhan ito sa pulitika at siya'y nangangapa pa kung paano nito patatakbuhin ang Kapitolyo.

For more Philippine news, visit Sun.Star Manila.

(September 1, 2008 issue)
Write letter to the editor. Click here.




ENETWORK HEADLINE
Moro rebels skeptical on peace deal with Arroyo
ENETWORK NEWS
Advocate urges Cebu mayor: Don't take law into your hands
Search for missing C-130 plane continues
Lanao folks eat root crops in absence of rice


[return to top] [home] [network page]


Sun.Star Network Online

LOCAL NEWS
BUSINESS
OPINION
SPORTS
LIFESTYLE
FEATURE

RSS FeedRSS Feed


Classified Power Ads

Past Issues

Western Union

I © Copyright 2007 Sun.Star Publishing, Inc. I Contact the website at sunnexatsunstardotcomdotph I