Internet home of Philippine news
Back to homepage
| Bacolod | Baguio | Cagayan de Oro | Cebu | Davao | Dumaguete | General Santos | Iloilo | Manila | Pampanga | Pangasinan | Zamboanga |
 
online flower gift shop to Philippines
 
 
 

Google
Web
www.sunstar.com.ph

  Opinion
Sula: My winning choice for governor
Sapnu: Prayer Warriors Group sumuporta sa recall move
Speak-out: English or Filipino?

TigerDirect



Thursday, September 04, 2008
Sapnu: Prayer Warriors Group sumuporta sa recall move
By Ric Sapnu
DATELINE: Olivas


PARAMI ng parami ang nagpapahayag ng suporta sa recall move laban kay Gubernador Eddie Panlilio.

Matatandaan na ang recall move ay inilunsad noong Agosto 21 ng grupong Kapanalig at Kambilan Ning Memalen Pampanga (Kambilan) na pinamumunuan ni dating board member Rosve Henson.

What's your take on the Mindanao crisis? Discuss views with other readers

Noong nakaang Biyernes (Agosto 29) ang dating pangunahing supporter ni Panlilio na si Lolita Hizon, may-ari ng Pampanga's Best, ay pumirna na rin sa recall petition forms na isinagawa sa kanyang bahay sa Barangay Cabetican, Bacolor, Pampanga.

Noong Lunes, isang grupo ng mga priest ang nagpahayag ng kanilang buong pagsuporta sa recall move laban sa dati nilang kasamahan na si Panlilio.

Ang kanilang grupo na tinaguriang Prayer Warriors ay binubuo ng 30 miyembro na pawang nakatalaga sa iba't ibang parish church sa lalawigan. Nguni't noong isinagawa ang dayalogo sa pagitan ng Kambilan sa Max's Restaurant umaabot lamang sa 17 ang nakadalo dito.

Ang nagsidalo sa nasabing dayalogo ay sina Msgr. Guido Aliwalas, retired; Fr. Joel Tubig of Pulung Masle, Guagua; Fr. Bogs Moraleja, Pampanga Chancery; Fr. Rudy de Guzman of Dolores, City of San Fernando; Fr. Rustom Tanglao of Anao, Mexico; Fr. Simeon Pabustan of Del Carmen, Floridablanca; Fr. Lyndon Valenton of San Jose, Floridablanca; Fr. Mar Miranda of the Bulaon Resettlement, City of San Fernando; Fr. Bong Gopez formerly assigned in San Isidro Guagua; Fr. Donatillo Ocampo; Fr. Eric de Guzman of the Manibaug, Porac; Fr. Miles Lacanlale of Minalin; Fr. Alfred David of Baliti, City of San Fernando; Fr. Rolando Lopez of Apalit; Fr. Gabriel Torres of the Madapdap Resettlement, Mabalacat; Fr. Jay Salvador; and Msgr. Jun Mercado of Lourdes, Angeles City.

Bago nagsipirma ang mga ito sa recall petition ay nakipag-dayalogo muna sila sa mga opisyales ng Kambilan na pinamumunuan.

Pagtapos ng ilang paliwanagan sa mga isyu na gustong malaman ng mga pari ay pumirma umano ang ilan sa kanila sa recall petition laban kay Panlilio.

Napag-alaman na umaabot sa 120 na mga pare ang nakatalaga sa iba't ibang bayan sa Pampanga.

Nang tanungin si Msgr. Guido Aliwalas, 84, ukol sa division of Church and State, sinabi niya na "wala na ba kaming karapatan eh Kapampangan din kami at Filipino na puwedeng sumali sa nasabing usapin."

Si Aliwalas ay isang retiradong pari na dumalo sa nasabing dayalogo upang pumirma sa recall petition form at upang magpahayag ng kanyang pagsuporta sa recall move.

"We welcome the recall petition laban kay Panlilio," ito ang ipinahayag naman ni Msgr. Eugenio Mercado, tagapagsalita ng Prayer Warriors Group.

Ipinahayag nila na ang kanilang pagsuporta ay hindi bilang sila'y mga pari nguni't bilang Kapampangan na mayroon ding Constitutional rights.

Matatandaang noong nakaraang linggo umabot sa 12 miyemebro ng Sangguniang Panlalawigan ng Pampanga at si Vice Governor Joseller Guiao, ang nagpahayag ng kanilang pagsuporta sa recall move. Ang mga ito ay nagsipirma din sa recall petition forms.

Apat na kilabot na holdaper tiklo

Noong nakaraang linggo, apat na pinaghihinalaang holdaper ang nasakote ng Mexico Police sa Barangay Pandacaqui, Mexico.

Ang mga suspek ay kinilala ni Sr. Supt. Keith Ernald Singian, Pampanga provincial police director, na sina Nelson Domingo, 39, ng San Rafael, Bulacan; Arturo Tolentino, 49, ng Sapang Palay, Bulacan, Jayson Fajardo ng Sindalan, City of San Fernando; at isang 16 taon gulang na residente ng San Miguel, Mexico.

Sang-ayon kay Singian, ang apat na suspek ay miyembro ng isang Organized Crime Group na pinamumunuan ni Michael/Jay David alyas Ka Manok.

Ang mga suspek ay nahuli ng Mexico police nang tangkahin nilang holdapin ang dalawang kolektor ng Tri-Financial House.

Sinabi ni Singian na ang mga suspek din ang humoldap sa nasabing kolektor noong nakaraang buwan.

Ipinag-utos naman ni Singian ang madaliang paghuli kay Ka Manok na nakatakas sa mga pulis nang masakote ng mga ito ang apat na suspek.

Napag-alaman naman kay Chief Insp. Virgie Miguel, chief ng Investigation Branch ng Pampanga Police, na umaabot na sa 473 na mga wanted persons ang kanilang naaaresto mula noong nakaraang taon.

Kabilang sa mga wanted persons na mga nahuli ay kasama sa mga 10 most wanted persons sa Pampanga.

Panlilio sumakay ng pampasaherong jeepney, tricycle

Noong Lunes sumakay si Gobernador Ed Panlilio ng pampasaherong jeepney patungo sa kanyang tanggapan sa Kapitolyo. Nagmula si Panlilio sa University of the Assumption na kung saan ito natulog.

Ang kanyang dahilan, ubos na umano ang kanyang pondo para makabili ng gasoline sa kanyang sasakyan.

Subali't ayon sa mga nakakita sa kanya, oo nga sumakay siya ng jeepney nguni't kasunod naman nito ang ilang behikulo sakay ang kanyang ilang security personnel. Gaano po katotoo ito? Tanong ng taong bayan.

Nang pumunta naman siya sa isang dayalogo sa King's Royale, sumakay daw siya sa isang tricycle.

Ang tanong ng taong bayan, ano ba umano ang gustong ipakita ng butihing gubernador sa kanyang ginawa? Kasi sabi ng nakausap ng Dateline, wala ba siyang sahod para pambili ng gasolina?

O dili kaya, wala ba siyang kaibigan na may sasakyan upang ihatid siya sa Kapitolyo? At sa pagsakay nito sa jeepney at ilang security personnel niya kung sususmahin mo kanilang ibinayad sapat na rin umanong pambili ng gasoline, tanong pa ng taong bayan.

Sa ginawa ni Panlilio sa pagsakay sa jeepney, gusto lamang ba nito na magkaroon ng simpatiya ang mga Kapampangan sa kanya? Nagtatanong lang po.

Ang tanong pa po ng taong bayan, bakit hindi na lang siya ang sumakay ng jeepney at naghintay na lamang ang kanyang mga security personnel sa Kapitolyo? Tanong ng taong bayan.

For more Philippine news, visit Sun.Star Iloilo.

(September 4, 2008 issue)
Write letter to the editor. Click here.




ENETWORK HEADLINE
Arroyo wants review of peace initiatives
ENETWORK NEWS
Arrest warrant out vs Kato, Bravo
Ex-Marina chief given new job
Governor Panlilio’s aide charged


[return to top] [home] [network page]


Sun.Star Network Online

LOCAL NEWS
BUSINESS
OPINION
SPORTS
LIFESTYLE
FEATURE

RSS FeedRSS Feed


Classified Power Ads

Past Issues

Western Union

I © Copyright 2007 Sun.Star Publishing, Inc. I Contact the website at sunnexatsunstardotcomdotph I