Internet home of Philippine news
Back to homepage
| Bacolod | Baguio | Cagayan de Oro | Cebu | Davao | Dumaguete | General Santos | Iloilo | Manila | Pampanga | Pangasinan | Zamboanga |
 
online flower gift shop to Philippines
 
 
 

Google
Web
www.sunstar.com.ph

  Opinion
Editorial: The whole truth
Mercado: A vision of 2010
Pangan: The long-running feud
Sapnu: Protest rally ng mga Anti-Panlilio

TigerDirect



Monday, September 22, 2008
Sapnu: Protest rally ng mga Anti-Panlilio
By Ric Sapnu
Dateline: Olivas


MAHIGIT sa 1,200 ang mga nag-rally sa Arnedo Park sa compound ng provincial Capitol na kung saan ang kanilang panawagan ay ang madaliang pagbibitiw ni butihing Gubernador Eddie Panlilio at ng kanyang Provincial Administrator na si Vivian Dabu.

Ang mga nag-rally ay binubuo ng mga sinibak na mga miyembro ng Biyaya A Luluguran at Sisikapan (Balas), Pro-Recall Movement, mga dating opisyales at supporters ni Panlilio at mga kababayan natin mula sa iba't ibang bayan ng lalawigan.

What's your take on the Mindanao crisis? Discuss views with other readers

Dumating ang mga rallyists ng dakong 8:00 ng umaga sakay ng ilang pampasaherong jeepney at doon sila nagtipon-tipon sa Arnedo Park upang ihayag ang kanilang panawagan.

Nagkaroon ng programa ang mga rallyists sa itinayong isang maliit na stage ng Balas boys at umabot ng hanggang tanghali bago natapos ang ito.

Ang mga dumating na mga dating opisyales ni Panlilio na nagsibitiw sa kanilang puwesto ay sina Archie Reyes, dating chief of staff, at Fil Rodriguez, dating head ng Balas.

Dumating din doon si dating Representante ng Bulacan na si Willie Villarama na nagpahayag ng agarang pagbibitiw ni Panlilio dahil sa maraming kadahilanan.

"Mabuti pang bumalik na lamang siya sa kanyang trabaho bilang 'priest' dahil doon siya umano nababagay," pahayag ni Villarama.

Nandoon din si Rene Romero, pangulo ng Pampanga Chamber of Commerce (PanCham) at tinuligsa nito si Panlilio sa kanyang
kasalukuyang pamamahala sa Kapitolyo.

Si Romero ay dating nangungunang supporter ni Panlilio at siya din umano ang nag-indorso upang tumakbo ito sa pagka-gubernador.

At ngayon, isa rin siya na nakiki-isa upang maalis si Panlilio sa Kapitolyo. Si Romero ay sumusuporta din sa Recall Petition na inilunsad ng Kapanalig at Kambilan Deng Memalen Pampanga (Kambilan) na pinamumunuan ni Rosve Henson.

Sa unang panawagan ng Balas boys sa rally sa Kapitolyo ay hindi nabigo ang mga ito dahil maraming kababayan natin ang sumuporta sa kanila at nagpakita na gusto na rin nilang magbitiw si Panlilio sa kanyang puwesto.

Napag-alaman na magsasagawa pa umano ng pangalawang big rally ang Balas at ng grupo ng anti-Panlilio.

Hindi naman umano nabahala si Gub Panlilio sa nasabing rally dahil, ayon sa kanya, karapatan nilang magpahayag ng kanilang
damdamin.

Nguni't ang tanong po ng taong bayan, bakit umano si Panlilio lamang na naging gubernador ng Pampanga ang maraming kababayan natin ang nagpro-protesta sa kanya? Nagtatanong lang po.

Mukhang nakakahiya na umano ang Pampanga sa nangyayaring kontobersya sa Kapitolyo mula nang maupo si Panlilio.

Sabi ng isang kababayan natin, mas maganda matuloy na ang recall election para malaman ni Panlilio kung siya pa umano ang gusto ng mga Kapampangan.

Dito umano ang magiging basehan ng mga Kapampangan kapag nanalo kayo e di talagang marami pang sumusuporta at naniniwala sa inyong pamamahala sa Kapitolyo.

Signature Campaign sa Recall Move

Umaabot na umano sa mahigit 70,000 na voters' signatures ang nalilikom ng Kambilan mula noong Agosto 21 hanggang Septiyembre 17.

Ito ang ipinahayag ng Kambilan kamakailan na kung saan kanilang sinabi na hindi aabot ng isa at kalahating buwan ay mahihigitan pa nila ang 100,000 voters signatures na kinakailangan para maaprubahan ng Commission on Elections (Comelec) ang recall petition.

Kumpiyansya ni Henson na matutuloy ang recall election laban kay Gubernador Panlilio dahil sa maraming Kapampangan umano ang sumusuporta sa nasabing inilunsad ng grupong Kambilan.

Kung hindi magkakaroon ng "questions" sa mga nagsipirma sa recall petition forms malamang sa buwan ng Disyembre magkakaroon ng recall election, ayon pa sa Kambilan.

Nguni't hanggang sa kasalukuyan, wala pang ipinapahayag ang Kambilan kung sino ang tatakbong gubernador upang labanan si Panlilio.

Ang lumilitaw na balita ay si Vice-Gov Joseller "Yeng" Guiao ang posibleng makakalaban ni Panlilio sa recall elections.

Hindi pa naaaprubahan ng Comelec ang recall election ay marami nang lumilitaw na mga problema kagaya ng kung saan daw kukunin ang pondo para sa special elections na ito.

Ang sabi naman ng Sangguniang Panlalawigan, kaya nilang magpasa ng isang resolution para sa nasabing pondo sa recall elections.

Dapat lamang siguro na problemahin na lamang ito ng Comelec-Manila kung saan kukunin ang pondo para sa nasabing recall elections. Di po ba?

For more Philippine news, visit Sun.Star Manila.

(September 22, 2008 issue)
Write letter to the editor. Click here.




ENETWORK HEADLINE
GSIS, SSS urged to disclose Lehman investment
ENETWORK NEWS
Troops rescue 2 children, capture 'abductors'
3 killed in Negros Oriental clash
Mindanao war cuts Panay rehab fund by P5B


[return to top] [home] [network page]


Sun.Star Network Online

LOCAL NEWS
BUSINESS
OPINION
SPORTS
LIFESTYLE
FEATURE

RSS FeedRSS Feed


Classified Power Ads

Past Issues

Western Union

I © Copyright 2007 Sun.Star Publishing, Inc. I Contact the website at sunnexatsunstardotcomdotph I