Internet home of Philippine news
Back to homepage
| Bacolod | Baguio | Cagayan de Oro | Cebu | Davao | Dumaguete | General Santos | Iloilo | Manila | Pampanga | Pangasinan | Zamboanga |
 
online flower gift shop to Philippines
 
 
 

Google
Web
www.sunstar.com.ph

  Opinion
Mercado: The Poor Boy from Lubao
Bautista: Arnedo Park and free speech
Pangan: Alter ego
Sapnu: Shabu lab aksidenteng nadiskubre?

TigerDirect



Monday, September 29, 2008
Sapnu: Shabu lab aksidenteng nadiskubre?
By Ric Sapnu
Dateline: Olivas


ISANG pinaghihinalaang shabu laboratory ang nabuwag ng Pampanga Police at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang pagsalakay sa isang hektayang lote sa Barangay Consuelo, Floridabalanca, Pampanga.

Dakong 1:30 p.m. ng Huwebes, ng salakayin ng magkasanib puwersa ng Pampanga Police at PDEA ang nasabing pinaghihinalaang shabu laboratory na kung saan nakakumpiska ang mga ito ng chemical substances kagaya ng chloroform, pyridine at iba pang drug precursors at mga equipment na ginagamit sa paggawa ng shabu.

What's your take on the Mindanao crisis? Discuss views with other readers

Umaabot umano sa P1.4 milyon ang halaga ng mga shabu substances at mga kagamitan ang nakumpiska ng raiding team.

Sang-ayon kay Sr. Supt. Keith Ernald Singian, Pampanga provincial police director, ang mga operator ng umano'y shabu laboratory ay sina Peter Pei, Caroline Dy at Eugene Bao, pawang mga Chinese national, ay kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya.

Nang salakayin ito, isang nakilalang Renei Reyes, di-umano caretaker ng shabu laboratory, ang kanilang dinatnan doon. Siya'y inimbita ng pulisya upang magpaliwanag sa naturang shabu laboratory.

Ang mga nakumpiskang shabu substances at kagamitan ay dinala sa PDEA office sa Manila upang masuri, ayon kay Singian.

Sinabi pa ni Singian na hanggang noong Biernes ay naroon pa ang mga kagawad ng pulisya sa nasabing compound upang bantayan ang dalawa pang gusali na kinandado ng mga Chinese nationals.

Napag-alaman na noon pang Huwebes nag-apply ng search warrant ang Floridablanca Police para mabuksan ang dalawang bodega na pinaghihinalaang mayroon pang nakatagong mga illegal drugs sa loob.

Sinabi ni Chief Superintendent Errol Pan, Police Regional Office-3 (PRO3) director, siya'y nagtataka kung bakit hanggang noong Biernes ay hindi pa nagpapalabas ng search warrant ang korte.

Kaya tuloy hanggang noong Biernes ay hindi mapasok-pasok ng Pampanga Police at PDEA ang dalawang nasabing gusali.

Ang pagkakadiskubre sa nasabing pinaghihinalaang shabu laboratory ay isang aksidente lamang dahil habang nagsasagawa noon ng imbestigasyon ang Pampanga Police tungkol sa isang land dispute doon, nakita o nasilip ng pulisya ang isang gusali doon at nakita nilang mayroong mga kagamitan sa paggawa ng illegal drugs, ayon kay Singian.

Humingin kaagad ng "assistance" si Singian sa awtoridad ng PDEA at noon din ay kanilang pinlano ang pagsalakay at nakakumpiska ang mga ito ng unfinished products ng illegal drugs.

Isang malaking "accomplishment" sa Pampanga Police ang nasabing pagdiskubre ng shabu laboratory.

Karapat-dapat na bigyan ng "awards" ang mga miyembro ng Pampanga Police na nakadiskubre sa nasabing shabu laboratory na itinuturing na isang "big accomplishment." Ano po ang say ninyo Chief Supt. Pan?

Peace and Order sa Barangay Quebiawan nakaka-alarma

Sa kabila ng isinasagawang pagpapatrolya ng mga barangay tanod sa kanilang nasasakupan sa Barangay Quebiawan, City of San Fernando, mukhang nakaka-alarma na ang peace and order sa lugar.

Sang-ayon sa sumbong ng concerned citizens sa Intelligence Officer (IO) ng Dateline, mula umano nang umupo ang Barangay Captain ng Quebiawan, mukhang dumami ang nangyayaring nakawan at petty crime sa kanyang nasasakupan. Napapabayaan ba ni kapitan ang peace and order sa barangay?

Sinabi pa nila, hindi umano maganda ang public service ng nakaupo ngayon dahil maging ang basura ay madalang na ring kinokolekta ng barangay garbage truck.

Kung minsan, ayon pa sa kanila, sa loob ng isang linggo minsan lamang kinukuha ng garbage truck ang kanilang mga basura.

Sinabi pa ng concerned citizens sa IO, ang mga barangay konsehal ni kapitan ay nagsipagbitiw sa kani-kanilang hawak na committees.

Maging ang mga barangay secretary, barangay police at barangay health workers ay nagsibitiw din umano dahil nila umano kasundo ang kapitan.

Kaya pala tumataas ang bilang ng pagnanakaw sa Barangay Quebiawan dahil ang mga barangay police at tanod ay nagsibitiw na rin ang dahilan di umano nila makasundo ang kapitan.

Sabi pa ng concerned citizens, isang konsehal na lamang ang kasundo ng kapitan at sila na lamang umano ang nagtatrabaho.

Paano kaya maaayos ang peace and order sa Quebiawan e kung ang Barangay Captain ay walang kasundo? Nagtatanong lang po ang mga residente ng Quebiawan.

For more Philippine news, visit Sun.Star Manila.

(September 29, 2008 issue)
Write letter to the editor. Click here.




ENETWORK HEADLINE
China milk scare spread in cyberspace
ENETWORK NEWS
Bacolor rehabilitation act signed into law
City Hall starts talks on 2 projects
Davao watersheds found with pesticides: study


[return to top] [home] [network page]


Sun.Star Network Online

LOCAL NEWS
BUSINESS
OPINION
SPORTS
LIFESTYLE
FEATURE

RSS FeedRSS Feed


Classified Power Ads

Past Issues

Western Union

I © Copyright 2007 Sun.Star Publishing, Inc. I Contact the website at sunnexatsunstardotcomdotph I