Internet home of Philippine news
Back to homepage
| Bacolod | Baguio | Cagayan de Oro | Cebu | Davao | Dumaguete | General Santos | Iloilo | Manila | Pampanga | Pangasinan | Zamboanga |
 
online flower gift shop to Philippines
 
 
 

Google
Web
www.sunstar.com.ph

  Opinion
Editorial: Zero sum
Malig: No oil price rollback?
Bautista: Understanding the US financial crisis (Part II)
Tulabut: Pinoy Stories
Sapnu: Akyat muna ng 10-storey bldg. bago ka ma-promote

TigerDirect



Thursday, October 09, 2008
Sapnu: Akyat muna ng 10-storey bldg. bago ka ma-promote
By Ric Sapnu
Dateline: Olivas


ANG pag-akyat sa 10-storey building ang pinakamahirap o mabigat na "policy" ni bagong upong Philippine National Police (PNP) Director General Jesus Versoza.

Hindi nga malaman kung biro ang ipinahayag kamakailan ni Versoza sa mga senior police officer na kung saan bago ito ma-promote to next rank higher kailangan na muna nitong akyatin ang 10-storey building.

What's your take on the Mindanao crisis? Discuss views with other readers

Kapag nagawa ng senior police officer ang pag-akyat, ang ibig sabihin nito siya ay "physically-fit" ito sa kanyang trabaho.

Kung ang isang senior police officer na gustong maupo bilang police regional director o provincial police director kinakailangan na muna nilang makapasa sa tinaguriang Versoza Test.

Versoza Test (pag-ayat sa 10-storey) ang magiging basehan ni PNP chief kung ang senior police officer na ibig ma-promote at nag-aambisyong magkaroon ng magandang posisyon ay fit sa trabaho.

Kailangang patunayan ng mga senior police officer na gustong mag-apply sa posisyon police regional director at provincial police director na maaakyat muna nila ang 10-storey buiding.

Kapag ang isang police officer ay bigong maakyat ang 10-storey building, hindi ito puwedeng ma-promote, ayon pa sa policy ni Versoza.

Ang nasabing Versoza Test ay bahagi ni PNP chief sa kanyang kampanya sa Integrated Transformation Program.

Ang mga police officer na mayroong "pending service-related cases" sa Office of the Ombudsman ay hindi rin puwedeng ma-promote, ayon pa kay Versoza.

Marami pang "policy" na ipinalabas si PNP chief subali't ang Versoza Test ang naging kontrobersyal kasi karamihan po sa mga senior police officer ay matataba at naglolobo ang kanilang mga waistline.

Sa pamamagitan ng Versoza Test, kinakailangan ng isang police officer na magsimulang magdiyeta sa pagkain at maghehersisyo kung ibig nitong ma-promote, lalo na iyong mayroong ambisyong maging regional at provincial police director.

Matatandaan na noong si Senador Panfilo Lacson ang PNP chief, ang kanyang batayan sa physically fit ay dapat ang waistline ng isang police officer ay 34 inches.

Sa Lacson Waistline Policy maraming police officer ang nadisgrasya.

Sa Versoza Test kaya mayroon kayang Senior Police Officer na maaaring madisgrasa? Sana wala naman po.

Quarry operations sa loob ng Clark Freeport?

Kamakailan ay pinuna ni butihing Gubernador Eddie Panllilio ang umano'y quarry operations sa loob ng Clark Feeport.

Ang gusto kasing mangyari ni Panlilio, kailangan umano magbayad din sa Provincial Capitol ang nagsasagawa ng quarry operations sa Clark Feeport.

Ito, aniya, dahil sakop pa rin ng lalawigan ng Pampanga ang nasabing quarry operations sa Freeport.

Ang pahayag naman ng Clark Development Corporation (CDC), hindi umano quarry operations ang paghahakot ng buhangin sa may Sacobia River na nakapaloob sa Clark Freeport.

Ang Sacobia River ay nasa pagitan ng bayan ng Mabalacat at Bamban, Tarlac na kung saan hanggang ngayon ay pinagtatalunan pa umano ng mga alkade ditto.

Sinabi ni CDC President at Chief Executive Officer Benny Ricafort na ang tinutukoy na quarry operations ni Panlilio ay isang "desilting" umano.

Hindi umano nagbabayad ang mga quarry truck operators sa CDC bilang quarry fee nguni't bawat dumaan dito ay nagbabayad lamang ng halagang P75 bilang pagmentine sa kalsada.

Matagal na ang nasabing quarry o desilting operations sa loob ng Clark Feeport na kung saan pinagkakakitahan umano ng Mabalacat at CDC.

Ito ang sinabi ng isang concerned citizen sa Intelligence Officer (IO) ng Dateline, na kung saan matagal na umano ang quarry operations sa Sacobia River at hindi umano ito isang desilting.

Kasi kung isang desilting ito, ayon sa concerned citizen, hindi ito dapat umano pag-aawayan ng dalawang alkalde na nasa kapwa boundary ng Mabalacat at Bamban.

Aabot umano sa isang libo ang mga quarry trucks ang nakikitang naghahakot araw-araw ayon sa concerned citizen.


Maraming mga nakaparadang quarry trucks na puno ng buhangin sa kahabaan na malapit sa gate ng Marcos Village sa loob ng Clark Freeport.

Ano po sa palagay ninyo, sino ang tama CDC o Panlilio sa usapin tungkol sa desilting o quarry operation sa loob ng Clark Freeport?

For more Philippine news, visit Sun.Star Dumaguete.

(October 9, 2008 issue)
Write letter to the editor. Click here.




ENETWORK HEADLINE
Melamine-contaminated milk not in stores
ENETWORK NEWS
Court junks schools, hospitals plea against taxes
Lawmaker: No politics in aide's death
Oil firms cut prices by P1 per liter


[return to top] [home] [network page]


Sun.Star Network Online

LOCAL NEWS
BUSINESS
OPINION
SPORTS
LIFESTYLE
FEATURE

RSS FeedRSS Feed


Classified Power Ads

Past Issues

Western Union

I © Copyright 2007 Sun.Star Publishing, Inc. I Contact the website at sunnexatsunstardotcomdotph I