Thursday, November 06, 2008 Sapnu: Superintendent Medina pinuri By Ric Sapnu Dateline: Olivas
SA UNANG pagkakataon nitong nakalipas na Undas, naging matahimik ang sitwatsyon sa City of San Fernando o sa madaling salita, "zero crime."
Ito ang pinagmalaki ni Superintendent Benjamin Medina, chief of police ng City of San Fernando, nang kapanayin ng Dateline na kung saan sinabi nito na bukod sa walang krimen na nangyari sa lungsod, naging maayos din ang daloy ng trapiko.
At dahil dito, pinuri ni Mayor Oscar Rodriguez, Vice Mayor Edwin Santiago at mga city councilor, partikular na si Ruperto Dumlao, chairman ng peace and order committee.
Noong nakaraang Monday flag raising ceremony, doon binati ni Rodriguez, Santiago at mga konsehal at maging ni city administrator Fer Caylao si Medina, sampu ng kanyang mga tauhan, dahil naging tahimik at maayos ang nakaraang Undas.
Sang-ayon kay Medina, walang nangyaring krimen noong Undas dahil sa pagtatalaga nito ng mahigit 172 Philippine National Police (PNP) personnel sa mga iba't bang sementeryo sa lungsod.
Naging malaking tulong din ang mga kagawad sa bawa't barangay sa lungsod na nag-assist sa ating kapulisan, ayon pa kay Medina.
Bukod sa pagtatalaga ng mga PNP personnel sa mga sementeryo, ang mga iba dito ay nagpatrolya sa mga 21 villages at maging sa mga private subdivisions upang matiyak na walang magtatangkang mangloob sa mga bahay.
Dahil maganda o maayos ang pagtatalaga ng mga PNP personnel at mga Traffic Enforcer sa pangunahing lansangan sa lungsod, naging "smooth" ang flow of traffic, ayon pa kay Medina.
Sabi pa ni hepe, mula Oktobre 31 hanggang Nobyembre 2, karamihan sa kanyang mga pulis ay halos walang tulog para matiyak ang kaayusan sa lungsod.
Natuwa o binati din ni Senior Superintendent Keith Ernald Singian, Pampanga provincial police director, si Medina sa naganap na kaayusan sa kanyang nasasakupan nong nakaraang Undas.
Ipinagmalaki din ni Singian na naging peaceful and orderly ang nakaraang Undas sa kanyang nasasakupang mga bayan sa lalawigan.
Sang-ayon kay Singian, halos lahat ng kanyang nasasakupang bayan ay naging maayos at tahimik ang naging sitwasyon noong Undas.
Conferment of Pese
Noong nakaraang Huwebes (October 30) nagtungo sa PNP National Headquarters sa Camp Crame ang pitong police officers sa kanilang Conferment of Police Executive Service Eligibility (Pese).
Ang mga pumasa sa nasabing Pese ay sina Senior Superintendent Gil Meneses, deputy regional director for operations; Senior Superintendent Keith Ernald Singian, Pampanga provincial police director, Senior Superintendent Arrazad Subong, intelligence and investigation chief; Senior Superintendent Pierre Bucsit, officer-in-charge of Angeles City police; Superintendent David Poklay ng Bulacan police; Superintendent Edgar Allan Okubo ng Nueva Ecija police at Superintendent Renato Soria ng Pampanga police at Senior Superintendent Silvestre Primero, kasalukuyang deputy ng Maritime sa Camp Crame.
Matatandaang maraming pumasa sa written examination sa Pese na mga police officer sa Central Luzon nguni't pagdating sa "interview" marami din umano ang bumagsak.
Maraming senior police officers ang kumukuha ng Pese exam para sa next rank promotion.
Binabati ng Dateline at mga opisyales ng Camp Olivas Press Society (Cops) ang pitong nabanggit na senior police officers na pumasa sa Pese. Congratulations sirs.