Internet home of Philippine news
Back to homepage
| Bacolod | Baguio | Cagayan de Oro | Cebu | Davao | Dumaguete | General Santos | Iloilo | Manila | Pampanga | Pangasinan | Zamboanga |
 
online flower gift shop to Philippines
 
 
 

Google
Web
www.sunstar.com.ph

  Opinion
Bautista: Endless legislative inquiries
Mercado: Mga Prinsesa ng Koumintang
Pangan: Body of lies
Sapnu: Mega Dike tapunan ng mga salvage

TigerDirect



Monday, November 17, 2008
Sapnu: Mega Dike tapunan ng mga salvage
By Ric Sapnu
Dateline: Olivas


NOONG nakaraang lingo, tatlong di-kilalang lalaki na pinaghihinalaang "salvage victims" ang natagpuan sa kahabaan ng Mega Dike sa Barangay San Isidro, City of San Fernando.

Ang mga biktima ay pawang may mga tama ng bala sa iba't ibang bahagi ng kanilang katawan, nakatali ang kanilang mga kamay at nakakober ng masking tape ang kanilang mga mukha.

What's your take on the Mindanao crisis? Discuss views with other readers

Pawang may edad mula 35 hanggang 40 ang mga ito at pawang may mga tattoo ang iba't ibang bahagi ng kanilang katawan, ayon kay Senior Superintendent Keith Ernald Singian, Pampanga provincial police director.

Ilan basyo ng kalibre .45 ang narekober ng pulisya sa pinagtapunan na lugar ng mga biktima.

Sang-ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nakarinig umano ng mga putok ng baril ang mga residente mula sa Mega Dike.

Kaagad namang nagtungo doon ang Barangay Patrol ng San Isidro subali't nang papalapit na ang mga ito, sila'y pinutukan ng mga nagtapon sa salvage victims.

Biglang atras ang mga barangay tanod dahil baka pati sila ay idamay pa ng mga salarin.

Sa paunang imbestigasyon, napag-alaman na ang isa sa mga biktima ay may layo ng 50 metro mula sa dalawa pa niyang kasamahan.

Kasalukuyan pang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya sa natagpuang mga salvage victims.

Sinabi ni Singian na ang mga biktima ay hindi taga Pampanga at itinapon ng mga suspek upang iligaw ang awtoridad.

Noong nakaraang taon, dalawang biktima din ng salvage ang natagpuan ng pulisya sa kahabaan ng Mega Dike.

Dapat sigurong higpitan ng Bacolor Police ang pagbabantay sa Mega Dike baka pagdating ng araw ay magiging tapunan ito ng mga salvage victim.

Sa mga kinauukulan, kinakailangan maglagay ng mga ilaw sa kahabaan ng Mega Dike dahil masyadong madilim pagsapit ng gabi kaya madaling magtapon ng mga salvage victim doon.

Oplan Pagtugis ng CIDU3

Mula nang umupo si Senior Superintendent Marvin Bolabola bilang regional officer ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU3), pina-igting nito ang kampanya laban sa mga wanted person.

Sang-ayon sa kanya, pagka-upo nito noong Oktubre, pinulong nito lahat ang kanyang mga field officer sa Central Luzon upang pag-igtingin ang kanilang kampanyang tinaguriang "Oplan Pagtugis".

Hindi naman nabigo si Bolabola sa kanyang mga tauhan dahil halos lahat sila ay nagsikilos at maraming naging accomplisment sa Oplan Pagtugis.

Mula Oktubre hanggang Nobyembre 14, umaabot na sa 76 na wanted persons sa Central Luzon ang nahuhuli ng CIDU3, ayon kay Bolabola.

Sinabi pa ni Bolabola na nangunguna sa dami ng mga nahuhuling wanted person ang Bulacan Field Office at pumapangalawa ang Bataan Field Office.

Sang-ayon pa sa kanya, nalampasan na nito ang bilang ng mga wanted person na nahuhuli ng CIDU3 noong nakaraang taon.

Sinabi ni Bolabola na kabilang sa mga nahuli nilang most wanted persons (MWP) ay ang dalawang top MWP na sina Rogelio Roxas for kidnapping at Jenny Aquino for qualified theft.

Sa dami ng mga nahuhuling mga MWP ng CIDU3, hindi kaya mapupuno ang mga kulungan sa Central Luzon?

Grabeng trapik gawa ng Traffic Enforcer (Yellow Boys)

Noong Sabado (November 15) ng hapon, inis na inis sa galit ang mga motorista at maging ang mga shopper sa SM City Pampanga at Star Mill Robinson dahil sa grabeng trapik na kanilang naranasan.

Ang trapik ay nagsimula sa harapan ng Car World hanggang sa boundary ng Mexico. Nagkataon pa naman na iyon pa ang pagdagsa ng maraming shopper at motorista papunta sa nasabing dalawang big malls upang ibili ang kanilang mga anak ng pamasko.

Ang dahilan ng trapik ay iyong ginawang kapalpakan ng mga Yellow Boys ni Mayor Oscar Rodriguez na kung saan naglagay ng concrete barriers sa may sa U-Turn ng SM City.

Sinara ng Yellow Boys hanggang sa may arko ng Mexico boundary ng San Fernando ang kanilang inilagay na concrete barriers kaya grabeng trapik ang nangyari doon.

Nakita pa mismo ng Dateline ang nasabing trapik at lalong naging lalong grabe dahil sa tatlong sasakyan na nagbanggaan doon. Hindi na malaman ng Yellow Boys kung anong gagawin sa grabeng trapik na sila mismo ang gumawa.

Ang mga motorista at shoppers ay galit na galit sa grabeng trapik at sinisisi pa nila ang pulisya nguni't ang hindi nila alam ang gumawa ng kapalpakan ay ang mga Yellow Boys.

Sang-ayon sa source, ang may utos umano sa nasabing paglalagay ng concrete barriers ay ang administrador ni Mayor at si Councilor Dumlao.

Nagtatanong po ang taong bayan sa inyo kung bakit itinaon pa ninyo ang nasabing "order" sa araw ng Sabado at araw ng suweldo na kung saan inaasaan ang pagdagsa ng mga shopper?

Daing po ng taong bayan sa inyo, dapat sana pinag-aralan muna kung ito'y ika-aayos ng daloy ng trapiko o isang kapalpakan.

For more Philippine news, visit Sun.Star Manila.

(November 17, 2008 issue)
Write letter to the editor. Click here.




ENETWORK HEADLINE
Ship with 18 RP seamen hijacked off Somalia
ENETWORK NEWS
Congressman threatens to sue Cebu City officials
Suspension of recall petition 'unconstitutional'
Authorities heighten ban on shellfish


[return to top] [home] [network page]


Sun.Star Network Online

LOCAL NEWS
BUSINESS
OPINION
SPORTS
LIFESTYLE
FEATURE

RSS FeedRSS Feed


Classified Power Ads

Past Issues

Western Union

I © Copyright 2007 Sun.Star Publishing, Inc. I Contact the website at sunnexatsunstardotcomdotph I