Internet home of Philippine news
Back to homepage
| Bacolod | Baguio | Cagayan de Oro | Cebu | Davao | Dumaguete | General Santos | Iloilo | Manila | Pampanga | Pangasinan | Zamboanga |
 
online flower gift shop to Philippines
 
 
 

Google
Web
www.sunstar.com.ph

  Opinion
Editorial: Learning curve
Cortez: The Permanence of Organizational Change
Sapnu: Kawawang Juan dela Cruz sa concrete barriers
Malig: Wanted - Law vs drunk driving

TigerDirect



Thursday, December 04, 2008
Sapnu: Kawawang Juan dela Cruz sa concrete barriers
By Ric Sapnu
Dateline: Olivas


SA MGA inilagay na concrete barriers ng City Government of San Fernando, si Juan dela Cruz ang nagsakripisyo at pinahirapan ni butihing alkalde.

Sang-ayon kay Mang Juan, tuwing mamasyal ito sa SM City, e grabe ang trapik na kanyang nararanasan dahil sa "diyaskeng" itinayong concrete barriers ng City Government.

What's your take on the Mindanao crisis? Discuss views with other readers

Matatandaan na noong Nobyemre 15, inilagay ng City Government ang mga concrete barrier na nagkataong araw ng Sabado at bagong sahod ang mga tao kaya grabe ang trapik na naranasan ng ating mga kababayan.

Kaya ang nangyari tuloy nagkabuhol-buhol ang daloy ng trapiko noong araw na iyon dahil sa pagdagsa ng mga shoppers at motorista sa SM City at Robinson Star Mills upang mamili ng kani-kanilang Pamasko.

Lalong naloko ang grabeng trapik at halos dahil hindi na ito gumalaw makaraang magbanggahan ang tatlong behikulo sa pagliko sa SM City na nalito sa concrete barriers.

Ang mga Yellow Boys ng Lungsod ay walang nagawa sa grabeng trapik kundi panoorin ang mga motorista sa kanilang ginawang "kapalpakan."

Halos galit na galit si Juan Dela Cruz dahil sa "kapalpakan" umano ng inilagay na concrete barriers.

Sang-ayon sa City Government, ang pagalalagay niya ng concrete barriers ay isang "experiment" lamang upang maayos ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng Jose Abad Santos Avenue (JASA), partikular sa harapan ng dalawang dambuhalang mall.

Sa ginawa nilang "experiment," lalong naging grabe ang trapik sa halip na maayos nila ang daloy ng trapiko.

Ang tanong ni Juan Dela Cruz, bakit naman tinaon ng City Government ang paglalagay ng concrete barriers at papalapit na ang Kapaskuhan at sinubukang gumawa ng "experiment" para maayos ang trapiko?

Sang-ayon kay Mang Juan, sa ginawang "experiment" ng City Government, lalong nagkaloko-loko ang daloy ng trapiko sa harapan ng dalawang mall. Sang-ayon pa kay Mang Juan, buti pa noong walang concrete barriers maluwag at walang nagiging sanhi ng grabeng trapiko.

Sa kabila ng karaingan ng ating mga motorista at mga kababayan natin, bakit kaya hanggang ngayon hindi pa tinatanggal ang concrete barriers kahit na nakita na City Government na "palpak" ang inilagay nila.

Gusto ba nila na may nagagalit na mga kababayan natin? Nagtatanong lang po si Mang Juan sa inyo.

Kaya ang duda tuloy ni Mang Juan, mukhang mayroon umanong "agenda" ang City Government sa pagtatayo nila ng concrete barriers. Nagkaroon ba ng problema ang SM City sa City Government kaya itinayo ang concrete barriers? At mukhang binigyan ng pabor ang Robinsons? Ito ang malaking tanong ni Mang Juan sa City Government.

Kinakailangan po ba na magprotesta ang maraming kababayan natin para alisin ng City Government ang concrete barriers? Nagtatanong lang po.

****

Pagbisita ni Chief Superintendent Dela Cruz sa Pampanga Police

Humanga si Chief Superintendent Leon Nilo Dela Cruz, bagong director ng Police Regional Office-3 (PRO3), kay Senior Superintendent Keith Ernald Singian, Pampanga provincial police director, sa nakita nitong pagpapa-ayos sa Pampanga Police Office.

Noong Martes ang unang pagbisita ni Dela Cruz sa Pampanga Police na kung saan siya'y natalaga noon bilang Intelligence Officer (S2), 23 taon na ang nakakalipas.

Sabi pa nga niya, halos ang mga "structure" na kanyang iniwanan noon ay nawala na, tanging ang punong acacia na lamang ang natira na kanyang natatandaan.

Sang-ayon kay Dela Cruz, noong siya'y S2, doon sa quarters nito siya natutulog at bihira itong umuwi sa kanila dahil noong panahon na iyon ay maraming rebelde sa Pampanga.

"Double efforts" ang ginagawa ko sa monitoring or keeping watch sa mga terorista noon," ayon pa kay Dela Cruz.

Ang mga pulis noon ay hindi "safe" lumabas ng kampo dahil nga "active" pa noon ang tinaguriang Sparrow Unit na maaring pumatay sa kanila.

Nguni't ngayon, ang isang pulis ay "safe" itong maglakad sa kalsada at "no attempt" sa kanilang buhay, ayon pa kay Dela Cruz.

Sa mga bagong structure ng Pampanga Police Office ngayon ay "proud" ang mga PNP personnel dito dahil sa mga ginawang pag-aayos ni Singian.

Maraming naging bisita si Singian sa nasabing okasyon, kabilang na dito sina Mayor Boking Morales ng Mabalacat, Mayor Eduardo Guererro ng Floridablanca, Rene Romero, president ng Pampanga Chamber of Commerce, Vic Quizon at Francisco Sison ng San Miguel Corp., Luchie Gutierrez, Provincial Social Welfare and Development, Ador Punzalan ng Land Transportation Office (LTO) at iba pang VIPs.

For more Philippine news, visit Sun.Star Dumaguete.

(December 4, 2008 issue)
Write letter to the editor. Click here.




ENETWORK HEADLINE
Fares for jeeps, cabs rolled back
ENETWORK NEWS
Palace to seek dialogue on Charter change
Suspected JI member nabbed
Fighting escalates in Basilan


[return to top] [home] [network page]


Sun.Star Network Online

LOCAL NEWS
BUSINESS
OPINION
SPORTS
LIFESTYLE
FEATURE

RSS FeedRSS Feed


Classified Power Ads

Past Issues

Western Union

I © Copyright 2007 Sun.Star Publishing, Inc. I Contact the website at sunnexatsunstardotcomdotph I