Monday, December 22, 2008 Sapnu: Twin Rider inilunsad kontra motorcycle-riding armed men By Ric Sapnu Dateline: Olivas
KAMAKAILAN, inilunsad ng Pampanga Provincial Police Office (PPPO) ang "Project Twin Rider" upang sugpuin ang mga "criminals riding in tandem on motorcycles."
Sang-ayon kay Sr. Supt. Keith Ernald Singian, PPPO director, kasabay ng nasabing paglunsad ng programa ang pag-activate ng Quick Reaction Force (QRF) ng Pampanga Police.
Ang layunin nito ay upang maibsan o ganap na masugpo ang pagtaas ng insidente ng snatching, holdup at robbery sa lalawigan na kung saan pawang "riding in tandem on motorcycle" ang mga suspek.
Sang-ayon kay Singian, ang QRF ay binubuo ng pitong PNP personnel at kaagabay ang mga tauhan ng Highway Patrol Group (HPG) at ng Special Weapons and Tactics (Swat) sa pagtugis sa mga "riding in tandem criminals."
Dahil sa Holiday Season, tiyak na maraming lawless elements ang magsasagawa ng kanilang ilegal na aktibades kaya minarapat naming ilunsad ang QRF at ito'y sa pamamagitan ng Twin Rider, pahayag ni Singian sa Dateline.
Sabi nga nila dahil mabilis makaeskapo ang mga sakay ng motorsiklo ginamitan din namin sila ng "Twin Rider" upang mahabol ang mga ito, ayon pa kay Singian.
Malimit mangyari ang snatching at holdup incidents tuwing 7 p.m. hanggang madaling araw, kaya ang Twin Rider hindi hihinto sa kanilang pagpapatrolya kasama ang isa pang Mobile Patrol sa pag-iikot ng 24-hour basis sa lalawigan, dagdag pa ni Singian.
Ito, aniya, ang pinakamabisang "police visibility," ang Twin Rider ng PNP, dahil magdadalawang isip ang mga kriminal na ituloy ang kanilang balakin sa araw man o gabi.
Bukod sa pagpapatrolya, magsasagawa din ang Pampanga Police ng checkpoint sa kahabaan ng McArthur highway at Jose Abad Santos Avenue (Jasa) upang sitahin ang lahat ng mga motorcycle-riding men, ayon pa kay Singian.
Lahat ng mga motorcycle na walang plaka ay aarestuhin at i-impound ang kanilang bike sa Pampanga Police headquarters o sa HPG sa Camp Olivas.
Ayon pa kay Singian, kapag naging epektibo ang Project Twin Rider sa Pampanga, maari din itong ilunsad ng ibang provincial police sa Central Luzon.
"Ito ang pinaka-mabisang paraan upang labanan at ganap na masugpo ang armed men riding in tandem on motorcycles," ayon pa kay Singian.
Sana ang miyembro ng QRF ay tuloy-tuloy na magpatrolya partikular nitong Kapaskuhan...
VK ni Sumera sa Bulacan namamayagpag
Isang nakilalang Somera ang di-umano ay walang takot sa mga kinauukulan sa kanyang ilegal na operasyon na Video Karera sa lalawigan ng Bulacan partikular sa San Jose Del Monte City, ayon sa Intelligence Officer (IO) ng Dateline.
Sang-ayon sa IO, parang kabute umano ang mga VK na nagkalat sa SJDM na kung saan halos ang mga barangay ng lungsod ay mayroon itong nakapuwesto at malimit pa umano malapit pa sa mga eskuwelahan.
Hindi umano ginagalaw o hinuhuli ng SJDM City police ang nakilalang Somera dahil umano sa mga pangako ng huli? Nagtatanong lang po.
Matagal na umano ang operasyon ng VK sa nasabing lungsod at ito'y kumalat na rin sa ibang lalawigan ng Bulacan at hindi umano pinapansin ng kinauukulan, ayon pa sa IO.
Mukha daw may koneksyon o malakas na protector itong si Somera kaya hindi ito pinapansin ng kinauukulan kahit na mga bata ang halos nagiging biktima ng VK.
Hanggang sa kasalukuyan namamayagpag pa rin umano ang VK ni Sumera sa Bulacan at wala umanong pakialam ang kinauukulan sa kanyang ilegal na operasyon.
Kaya nanawagan ang mga magulang na sana bigyan kaagad ng aksyon ni Chief Supt. Leon Nilo dela Cruz, Police Regional Office-3 (PRO3) director.
Panawagan...
Ang Class '70 ng Jose Abad Santos High School (JASH) ay mayroong reunion sa December 30.
Ang venue ng affair ay sa Gigster Resto Bar sa Jose Abad Santos Avenue (dating GSO road) sa may harapan ng Terminal ng City of San Fernando.
Ang programa ay magsisimula ng 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m.
Maraming ipararapol ng mga appliances kaya mga classmate dumating kayo sa ating reunion.
See You There...
For other information please contact:
Willy Sapnu, president (09185610888)
Susan Uy (09185279599)
Elmor Dizon (09273750403)