Tita Heart: Long distance relationship | SunStar

Tita Heart: Long distance relationship

Time to read
less than
1 minute
Read so far

Tita Heart: Long distance relationship

Monday, September 11, 2017

DEAR Tita Heart,

Hi tita heart. Maayong adlaw. Please tambagi ko, ako diay si Gen, 23, nagpuyo sa Brgy. Puerto. Akong problema tita mao ang long distance relationship. We have 2 kids ug 2 years na hindi kami nagkikita kasi nag-aaral pa siya. Nasa akin ang mga anak namin at dahil gusto ko ako ang magalaga sa kanila kaya nandito sila sa akin hanggang ngayon. Nahihirapan narin kasi ako parang gusto konang mamatay. Kailan ba ako pwedeng maghintay hanggang sa maging boto nalang ako? Akala ko kasi uuwi na siya sa amin ngayon e hindi naman pala, December daw sabi ng teacher sa kanilang Tesda. Anong gagawin ko dito? Mahirap palang umaasa ka nalang sa wala.

Gen

*****

Hello Gen,

Magpakatatag ka lang at dapat sa sitwasyon mo kahit nag-aaral pa siya dapat alam niya ang responsibilidad niya bilang ama ng mga anak mo. Dapat hindi mo sinosolo ang problema mo. Siguro iniisip niya na okay kalang at kayang kaya mo ang pagpalaki ng mga anak mo. Mag-demand ka ng sustento at hindi naman problema ngayon ang komunikasyon kung may social media account ka lang like Facebook. Kaya dapat magtawagan kayo lagi upang malaman niya na nahihirapan ka rin sa sitwasyon mo. Isa pa nag-aaral din siya kaya siguro busy rin siya.

Tita Heart

Gipatik sa mantalaang Superbalita Cagayan de Oro Septembre 12, 2017.

View Comments