Bonding with Jennylyn

-A A +A

Tuesday, July 10, 2012

Troy Ciar
Super Kah

SI Jennylyn Mercado, 25, ang icon sa mga artista search isip labing unang mananaug sa Starstruck sa Kapuso Network. Nisikat kaluha ang mga intriga sa showbiz apan nagpabiling lig-on luyo sa mga pagsuway. Atol sa promo tour sa iyang bag-ong seryeng “Hindi Ka Na Mag-Iisa,” subli niyang gibuksan ang iyang kinabuhi sa press. Jennylyn, Super Ka!

Is it true na sa Labangon ka raw dati nakatira hindi ka pa sikat noon?

Dati po, sa kapatid ng father ko, kina Tito Ricky (Pineda) pero nag-transfer na sila ng bahay. Si Tito Ricky nga yung tumawag sa akin ngayon eh. Kalilipat lang po nila sa isang subdivision sa Consolacion.

Kumusta na yung relationship n’yo ng father mo?

We’re okay. Bihira kaming magkita kasi he works in Korea. Pero ipinanganak at lumaki talaga ako sa Las Pinas.

Yung nagpalaki at nag-adopt sa `yo (si Lydia Mercado, ig-agaw sa iyang inahan nga niabandonar niya niadtong baby pa siya), how’s your relationship?

Maayos naman po pero yung kanyang husband pumanaw na po.

Si Luis (Manzano) gaano na rin kayo katagal?

Bago pa lang but we’ve been dating for one and a half years. Yung family niya sobrang bait nila sa akin talagang mararamdaman mo yung love and acceptance nila… Opo last month na-confine si Luis for four days (due to acid reflux), ako ang nag-alaga.

Wala pa kayong balak lumagay sa tahimik?

Ay Diyos ko, wag naman bata pa kami. Lumagay sa tahimik para namang mamatay na ako. (Laughs)

Di ba nag-guest ka sa show ni Luis?

Siya din nag-guest siya sa show ko sa Showbiz Central.

Walang kumakalabit na lumipat ka sa ibang estasyon?

Secret... But my contract for GMA-7 sa May next year pa matatapos.

Bakit hanggang July na lang daw ang Showbiz Central?

Di ko rin alam. Sobrang nalungkot nga po kami nung nalaman namin. Wala talaga akong
idea.

Isa raw si Regine Velasquez sa magi­ging host sa bagong show na ipapalit sa Showbiz Central? Nag-pictorial na raw sila.

Wala pa, baka next, next week. Kasali pa rin kasi ako sa bagong show. Pero hindi pa namin alam kung ano ang concept.

Di ba ikaw rin ang magho-host sa season 2 ng Protégé? Tapos bida ka pa sa soap operang Hindi Ka Mag-Iisa, hindi ka masyadong busy. Pero kung papipiliin ka ano talaga sa `yo?

Singing pa rin. May ginagawa nga akong album ngayon under PolyEast Records. All-original, both English and Tagalog, iba-ibang genre. Ang mga composers nito sina Gab sa Urbandub, Wency Cornejo at Nyoy Volante.

Wala kang upcoming movie?

I’ll be doing The Bride and the Lover for Regal films with Lovi Poe and Paolo Avelino.

I understand you’re also into triathlon?

Opo, sasali ako sa Iron Man Triathlon 70.3 on August 5 sa Shangri-La Mactan. Ba-back out na nga sana ako kasi two months na akong walang training sa sobrang busy pero sayang naman yung binayad ko.

Pang ilang triathlon mo na ito?

Pang 6th. Finisher lang ako, hindi naman ako nag-aambisyong manalo. Yung last ko 600 meters swim, 45km tri-bike, at 10 km run. Dati kasi sakitin ako: nagpatanggal ako ng tonsil, may sakit ako sa puso. Pero since nag-triathlon ako bihira na akong magkasakit.

Kumusta na kayo ni Patrick Garcia?

I think ok naman. Di ko lang siya na-aabutan kapag dumadalaw siya kay baby Jazz kasi palagi akong wala.

Ilang taon na ngayon si Jazz?

Three years old. Nag-aaral siya sa British school. Recently, nagbakasyon kami dito, doon kami sa Plantation Bay, first out of town niya yun. Sobrang saya.

Anong paborito mong lugar dito sa Cebu?

Yung Tops. Kasi tahimik, kita mo buong Cebu. Hindi pa ako nag-e-Starstruck, dati na kaming pumupunta ng mga pinsan ko.

Anong year `yun nung nanalo ka sa Starstruck?

2003, first season at pinaka-first artista search ng GMA.

Anong sikreto ng isang Jennylyn Mercado na hanggang ngayon surviving pa rin ang career?
Di pa rin ako pinababayaan ng Diyos. Siguro ano, dapat mahalin lang talaga yung trabaho kasi di lahat nabibigyan ng pagkakataon sa showbiz.

Saan mo gustong sabihin ang “Hindi Ka Na Mag-Iisa?”

Sa baby ko, kay Jazz, siya talaga ang love of my life ko. Kaya ako nagsusumikap dahil sa kanya. Hindi Ka Na Mag-Iisa is a drama series sa July 9 na po yan sa GMA afternoon prime pagkatapos ng Eat Bulaga.

Gipatik sa mantalaang SuperBalita Cebu Hulyo 11, 2012.

Kalingawan

DISCLAIMER: Sun.Star website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessary reflect the views of the Sun.Star management and its affiliates. Sun.Star reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.

Forum rules: Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent and respectful. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

FOREX: US$ 1.00 = PhP 41.508

Bangko Sentral ng Pilipinas

Philippine Lotto Results

Gamesort iconCombinations
Superlotto 6/4938-34-43-22-29-17
6Digit3-9-1-9-9-4
Swertres Lotto 11AM0-3-3
Swertres Lotto 4PM9-2-6
Swertres Lotto 9PM9-1-0

Today's front page

superbalita-cebu-2013-05-24
  • SunStar Celebrity
  • Philippine Polls
  • Filipino Abroad
  • Calamity Report
  • Festivals
  • tell it to sunstar
  • Sinulog
  • Obituary
  • Pacman blog
  • Pnoy
  • ePaper
  • Technology
  • Habemus Papam
  • SunStar Sports
  • kidsters
Sun.Star Jobs