Kathryn and Daniel: Must be love

-A A +A

Super ka!

Tuesday, March 12, 2013


ANONG feeling grabe ang daming taong nag-aabang sa labas?

DANIEL PADILLA (DP): Masaya po pero hindi pa kasi namin nakikita eh. Masaya sa sinabi nyong balita. Ipagdasal na lang natin walang masaktan.

Naka-experience ka na bang dumugin ng mga tao?

Advertisement

DP: Oo naman, maraming beses na. Pero di talaga maiiwasan pag sa isang mall show. Mas mabuti ng ganoon kesa walang pumunta. 

Kathryn, tutuo bang gumagamit ka ng glutathione kaya ka pumuti?

KATHRYN BERNARDO (KB): Ay! Hindi po. Olay yung ginagamit ko.

Ano bang level ng friendship n’yo ngayon?

KB:  Siguro from 1 to 10, mga 8.

DP: Ganun din, mga 8 or 7.

Malaki ba ang chances na maging kayo sa tutuong buhay?

DP: Siguro naman ho. Pero di pa siguro ngayon masyado pang maaga para sa aming dalawa.

Marami pa kaming gagawin.

KB: Ok na kami sa M.U. muna.

Saan kayo nag-enjoy ng sobra while doing this movie?

DP: Ako yung basketball namin.

KB: Siguro ako yung basketball din. Marami po kaming basketball scenes dito. 

Anong moral lesson ng Must Be Love?

KB: Marami po eh siguro yung first sa love na huwag matakot na sabihin yung feelings mo habang maaga, at siguro yung mas magtiwala ka sa sarili mo dahil lahat tayo may potential inside na puwede nating i-develop. 

What’s your next teleserye after Princess and I?

DP: Wala pa pong confirmation pero ang balita meron na po, di pa lang pormal na
sinasabi. Masyado naman sigurong mabilis kung meron na kaagad.

KB: Siyempre sa movie excited na kami kasi kami na talaga ang bida.

Si Daniel nakabili na ng sports car, what about Kathryn?

KB: Wala eh, nag-iipon pa kasi ako ngayon para magpatayo ng dream house ko, kailangan ko pang pagtrabahoan ng ilang years. Siguro bibili muna ako ng condo bago magpagawa ng bahay. Ipon muna. 

Kumusta na yung pag-aaral ninyo?

DP: Ayun, steady pa rin. Magka-college na. Pero sa ngayon stop muna ako. Kasi kung nag-aaral pa ako di ko na alam anong gagawin ko sa sarili ko. Masyado ng magulo yung schedule ko eh.

KB: Nagho-home schooling po sa Angelicum college.  

Anong kursong kunin nyo kung sakali?

DP: Siguro ako music.

KB: Advertising.

Daniel, di ba dati ayaw mong mag-artista?

DP: Yeah, ayaw ko talaga pero… siguro naisip ko na rin na kailangan at puwede naman talaga.

What made you change your mind?

DP: Kasi yung chances nandyan na sa harap ko eh, di ba? Kung hindi ko tatanggapin sayang din naman. Ang daming nag-o-audition para mag-artista lang, maghapon, magdamag hanggang umagahin. Ako andyan lang lalapit lang ako wala pang isang oras. 

Malaki bang factor yung pagiging isang Padilla mo kaya madali na lang?

DP: Oo naman, pero di ko naman ginagamit yun. Kung iisipin n’yo siguro gumagawa ako ng sarili kong pangalan, di ako nagpapadala sa Padilla man, o sa nanay ko o sa tatay ko. 

Paano ka gustong makilala ng tao?

DP: Di ko pa alam eh, tingnan natin maaga pa masyado para sabihin ko. Nag-e-explore pa po kasi ako eh. Actually, bago pa lang naman ako di ba? So di ko pa alam kung ano ang forte ko. 

Sa pagiging sobrang sikat mo ngayon, anong say ng parents mo?

DP: Basta proud lang naman ho sila, ang sabi nila alagaan syempre, wag lalaki ang ulo, alagaan, wag sayangin. 

Kumusta yung life ninyo as normal teenagers?

KB: Normal lang din po eh. Masarap lang siyang panoorin na akala nila pag-artista, pa-chill-chill lang, hindi eh. Lahat kami pag behind the camera ang dami-dami rin naming ginagawa, tapos pinagdadaanan din namin yung mga normal problems ng teenagers. 

Nagkakatampuhan din kayong dalawa?

DP: Di naman ho yun maiiwasan, pero mga malilit lang na bagay, sobrang di ko na nga matandaan eh, pero ang alam ko nagkaroon na kami noon. 

How do you describe yourself?

KB: Simple lang, makapag-mall lang ako super saya na.

DP: Well, simpleng tao lang din naman ho ako, nagagalit, natutuwa, sumasaya,
nalulungkot. Di naman ako na parang robot na pwede nyo akong utos-utosan lang. Kasi ganun yung tingin nung iba sa amin eh parang robot lang na pwedeng pangitiin mo ngingiti, tao lang din naman kami, minsan napapagod din kami. Ganun lang ho ako normal na tao lang ako. 

Mahirap yung trabaho ninyo pero mas malaki naman ang kita, that’s the price you pay, di ba?

DP: Oo naman, lahat naman ng bagay may kapalit.

KB: Siguro, patient lang. Pag-artista kasi dapat mahaba talaga yung pasensya mo. At tsaka, pag may problema dapat hindi mo dalhin pag nasa harap ka ng camera, kasi di naman maiintindihan ng tao kung ano yung nangyayari di ba? Baka ma-misinterpret ka lang. So kailangan i-set aside mo yung personal life mo sa trabaho.

Daniel, aware ka ba yung hitsura mo or physical appearance mo, ang impression kasi nung iba may kayabangan ang dating?

Sa feeling ko pag minsan ang yabang-yabang ko eh. Hehe… Pero hindi, ganito lang talaga yung hitsura ko. Relax lang, di kailangang magpa-plastic ka. 

Sa tingin ninyo bakit sobrang klik ng chemistry ninyo sa masa?

KB: Parang destiny rin kasi si DJ (angga ni Daniel), pumalit lang siya bilang loveteam ko na naging break sa kanya, tapos nagtuloy-tuloy naman, at sobrang thankful ako kay DJ ako napunta kasi maganda yung kinalabasan ng loveteam namin. 

Daniel, anong kaibahan mo sa ibang Padilla?

Ewan ko ba, di ko talaga masagot yan. Siguro suwerte akong Padilla!

Gipatik sa mantalaang SuperBalita Cebu Marso 13, 2013.

Kalingawan

DISCLAIMER: Sun.Star website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessary reflect the views of the Sun.Star management and its affiliates. Sun.Star reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.

Forum rules: Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent and respectful. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

Today's front page

Sun.Star SuperBalita Cebu's front page for November 27, 2014
Sun.Star Jobs
  • Obituary
  • Festivals
  • Sinulog
  • Pacman blog
  • Filipino Abroad
  • goodearth
  • tell it to sunstar
  • Philippine Polls
  • Calamity Report
  • ePaper
  • Sun.Star Zup!
  • Habemus Papam
  • Pnoy
  • SunStar Celebrity
  • Technology
  • Sunstar Multimedia