Ciar: Gabby Conception, way paglubad nga 'showbiz heartthrob'

SI Gabby Concepcion ang usa sa mga pinakasikat nga matinee idol sa dekada `80 nga aktibo pa gihapon sa showbiz ug bisan sa iyang pangidaron (born Nov. 5, 1964) wala gyud mobahar ang iyang leading man status. Karon, exclusive siya sa GMA-7, diin lakip sa iyang gihimo ang “Because of You” sa miaging tuig ug karon ang “Ika-6 Na Utos,” nga gibituonan usab nilang Sunshine Dizon isip iyang asawa ug Ryza Cenon nga iyang kabit. Sa interbyu sa promo tour nila sa Sugbo, nahisgutan ang giingong balik-tambalan nila sa iyang ex-wife Sharon Cuneta. Madayon pa ba? Nia ang tipik sa atong Q and A sa way paglubad nga “showbiz heartthrob.” Gabby Concepcion, Ssssuper Ka!

First time ninyo ni Sunshine Dizon na magkasama sa isang teleserye?

Yes, first time after a long time kasi bata pa siya noon e. First time ko rin makasama si Ryza Cenon. First time ko rin maging piloto. First time ko in a sense na hindi ito Mr. Good Guy role since 2008. Daming first time kaya excited ako. Let’s see kung anong magiging outcome nito.

Noong nag-change ang character mo anong feedback ng tao?

They were surprised. Kasi katatapos lang noong “Because of You.” Akala nila good role na naman ako sa “Ika-6 Na Utos.” Because people like yung nagugugat sila e. So, mapapatingin sila sa TV. Mako-curious sila. Many can relate to the story kaya it’s going to be interesting and true enough kasi meron din akong fan mentality e, when I read the script mararamdaman ko kung meron bang spark o wala. Parang sa novel kung interesting, nakatutok ka. Yun ang naramdaman ko noong binabasa ko ito. 

Napag-usapan ba ninyo ni Sunshine yung role n’ya considering there’s a similarity with the story of “Ika-6 na Utos” and what’s she’s been going through in real life?

Noong nalaman ko yun meron pala siyang similarity, sabi ko: “Shine, di kaya pinatern ito dahil sa `yo?” Sabi niya: “hindi naman.” Tama ka, kasi tinanong ko rin yung scriptwriter e, nagkataon lang daw talaga. Pero I’m very sensitive to that kasi yung pinagdadaanan n’ya is talagang totoo. Kaya nakaalalay ako sa kanya. Pag sinabi ng director, “okay, actor’s cue” that means cue na yun para sa kanya. Pag ready na siya magiging emosyonal na yun, iiyak na yun. Kaya inaalalayan ko siya. 

How do you make Ryza Cenon comfortable with your intimate scenes?

Sabi ko kay Ryza, pasensya ka na, hindi ako sanay sa mga ganitong eksena (laughs), matagal na akong di gumagawa ng ganitong eksena. Sabi ko, “kasing edad lang siguro kita noong ginagawa ko pa yung mga ganitong eksena.” Okay naman siya, she’s a happy child… child daw! 

Happy ka sa kanyang performance?

Oo, magaling na bata. Pag nagalit, galit. Pag nilalandi ka, nakaka-carried away ka din e. Very convincing si Ryza. 

I read that you’re doing a reunion movie with Sharon Cuneta?

Wala namang problema na gumawa ako ng movie because the movie is not part of my contract with GMA. I’m only exclusive for teleserye. But it’s still unfair na nagpapublicity sila na meron akong gagawing pelikula with Sharon cuz `naka-contract ako sa GMA. 

May kumontak na sa `yo para sa pelikula ninyo ni Sharon?

They asked me if I wanted to do a movie. Sabi ko, yes. Pero bakit ako may picture ni Sharon doon sa background? Because the pitch of the story was done in ABS-CBN which is okay naman with GMA kasi movie yun e. Ang ayaw ko lang sa ginawa nila nagpublicity sila kaagad na tuloy na tuloy na yung movie, wala pang kontrata e. 

Ang understanding namin sa mga article tuloy na tuloy na?

Di ba maski kayo? That’s why si Sharon, (post sa) Facebook, Instagram at kung saan-saan … nanay ni KC publicity ng publicity, promote ng promote, tatay deadma. 

Target shooting daw sa movie ngayong January?

Wala, kasi we’re still in the (process of developing a) storyline. I have not approved the storyline. Oo, binigyan nila ako ng script pero hindi ko pa nagustohan. So, ulit na naman. Naka-third revision na sila sa storyline. 

Anong hindi mo nagustuhan?

Marami na akong nagawang pelikula at tulad ng sabi ko kanina pag nakabasa ako ng script kinikilig ako kung maganda. Pero kung meron akong hindi nagustohan hindi ko na itutuloy. For example, “Italy,” that’s a GMA Film, ini-offer sa akin yun, comeback movie ko dapat yun, hindi ko tinanggap dahil walang dating, wala yung “okay ito nakikiliti ang tiyan ko dito.” Ganoon ako e pag nagbabasa ng script, pag may nararamdaman ako, go. Kasi madali nang to build around it. 

Kaya siguro wala pang contract kasi wala ka pang nagugustohang storyline?

Oo, that’s why kinakabahan ako, wala pa akong nagugustohan at ayokong pilitin pag hilaw. Because at my age, I want to make sure that the projects I do will not only be good for me but also for my relationship with the station and for my longevity as well, not only for GMA but as an actor. 

After Ika-6 Na Utos, what’s in store for you this year?

Yan ang maganda e, the mystery of life. Hindi mo alam kung anong mangyayari bukas. Ang alam ko lang is that I’m doing the best that I can for today and tomorrow will take care of itself.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph