Robin Padilla, giyagyag ang pagbati sa Unexpectedly Yours

UNANG nagpares silang Robin Padilla ug Sharon Cuneta sa box office hit movie nga “Maging Sino Ka Man” niadtong 1991. Karon, 2017, subling masuwayan ang ilang tandem sa pelikulang “Unexpectedly Yours.” Sa atong interbyu, giyagyag sa kanhi bad boy sa Philippine movies ang iyang pagbati sa maong pelikula nga showing na sugod karong adlawa, Nov. 29 sa mga sinehan. Robin Padilla, Ssssuper Ka!

What can we expect sa Unexpectedly Yours?

Katulad ng title ng pelikula, unexpected din po ito. Dahil hindi naman ako ang original partner ni Sharon. It’s supposed to be a Sharon-Gabby tandem. Kasi ako I’m retired. Parang semi, nag-aartista lang ako pag ako ang nagpo-produce. Sa show business kasi meron tayong tinatawag na kaibigan na hindi mo mapag-hihindian. Noong hindi natuloy yung Sharon-Gabby, pinaalam sa akin ni Ma’am Malou Santos… si Ma’am Malou isa yan sa mga naniniwala sa akin noong nag-umpisa pa lang ako. Noong lumabas ako sa kulungan, si Ma’am Malou kaagad yung tumulong sa akin makabalik sa pelikula. Kaya noong sinabi n’ya kong puwede ko bang gawin itong pelikula, ang sabi ko, Kaagad! Hindi ko matatanggihan si Ma’am Sharon, hindi ko puwedeng tanggihan ikaw. Kaya kahit labag na labag sa puso ko yung ginawa kong pelikula, ay nag-enjoy ako kasi kasama ko yung mga mahal kong kaibigan.

Bakit labag na labag sa puso mo?

Ang una kong sinabi sa kanila, ang tanda ko na sa ganitong pelikula (si Robin nag-48 niadtong Nov. 23). Siyempre, noong pinaliwanag sa akin ni Sharon yung gusto niya… in reality kasi… sa mundo natin ngayon mas maraming babae sa lalaki, at doon nakapaloob sa maraming babae na yun yung middle-aged women na yung iba hindi nakapag-asawa, yung iba hiwalay, may anak, paanong gagawin? Walang nagta-tackle ng ganoon klaseng pelikula at sabi ni Sharon gusto n’ya maging medium, kung anong needs ng mga babae na yun. Kaya ako naman mabilis nakumbinse. Sa akin kasi, ang pelikula dapat may message yan, hindi yung gusto lang natin magpakilig, sa mga bata yun. Pero sa isang rock and roller na katulad ko hindi na puwede yun. Kaya ako masyado akong excited sa pelikulang ito dahil panahon na rin na yung empowerment ng mga babae ma-realize din dahil ang daming Pilipinang ganoon ngayon sa buong mundo.

How’s working with Sharon this time?

Iba na rin kasi yung mga topic namin. Bad trip nga si Ma’am. Ang unang tinanong sa akin, “Kumusta yung apo mo?” Ganoon na yung usapan, (tungkol sa) bansa ang pinag-uusapan namin. Siyempre, dilaw siya, Rody Duterte naman ako. Marami kaming napag-uusapan tungkol sa mga kabataan, ang bait-bait kasi ng dalawang bagets e (Joshua Garcia ug Julia Barretto nga apil usab sa ilang pelikula) kasi kung magbabasa o makikinig ka lang sa mga kuwento sa ibang tao, parang tingin mo sa mga batang yun naglakihan na ang mga ulo. Pero hindi, ang babait. Nagulat ako. Lalo na si Joshua ang bait.

May binago ba sa storyline pagkawala ni Gabby?

Ah, dapat lang! Hindi naman ako papayag na pare ko naman, kahit sabihin natin mas guwapo sa akin si Gabby, pero mas macho naman ako doon.

May kissing scene kayo ni Sharon?

Hindi ako pumayag na wala. Pagkatapos nila akong istorbuhin (laughs). Busy po ako… totoo po kasi masyado akong nakatuon sa… masyado kong mahal ang bayan natin. Sayang naman sa edad kong ito hindi pa natin  mamahalin ang bayan natin. Hindi naman ako politician at wala akong planong maging politician dahil hindi naman ako naniniwala sa sistemang ito.

Kumusta si Mariel Rodriguez?

Okay naman po. Pinatitigil ko na ngang mag-breastfeed e, kasi… yung anak namin pinanganak na may colic, medyo may problema sa ulcer, organic po kami e, hindi kami naniniwala sa mga pekeng pagkain. Kasi si Mariel gusto namin breastfeeding, e hindi siya pinagpala ng gatas. The only way na magkagatas siya kumain siya. Kaya medyo overweight yung asawa ko ngayon. Pero nagamot n’ya yung anak namin, nawala yung colic. Pag titingnan mo si Isabela ngayon, ang layo, kasi noong dumating yan galing America pag colic payat e. Pero ngayon macho na. Ah babae pala yun, macha.

What if magiging box office hit ang Unexpectedly Yours at may clamor to do it again?

Ah hindi na, siguro mag-Sharon-Gabby na muna. Tutuloy ko muna iyong Marcelo del Pilar. Kasi marami ding nag-aabang noong del Pilar at tsaka Bad Boy 3. Nakapag-shooting na kami ng Bad Boy 3 bago na-stop. Ito pong Robin-Sharon movie napakarami po nitong hinintong proyekto para magawa lang kasi hinihingi daw po ito ng ABS-CBN Global. Mahal ko lang talaga si Ma’am Malou Santos at Ma’am Sharon kaya hindi ko matanggihan.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph